Chapter One

7.8K 82 4
                                        

The Wedding

"Oh, my baby girl! You really turned into a very beautiful lady now!" Hindi mapigilang bulalas ni ginang Janice sa anak na si Janniah. "Look at you, napakaganda mo'ng bride!" Patuloy pa nito sa papuri sa anak na ang kaninang nangingilid na luha sa mga mata ay tuluyan ng umagos sa pisngi nito.

"Ahh... Thank you, Ma!" Nakangiting sagot ni Janniah sa ina saka pinahid ang mga luha ng kanyang ina. "Please, don't cry, Ma. Masisira ang beauty mo niyan! Pati ako, madadamay pa." Aniya sa ina.

Suminghot muna si Janice bago magsalita.

"Hindi ko lang talaga mapigilan, anak." Anito. "Parang kailan lang, maliliit pa kayo ng kuya mo tapos ngayon heto at ikakasal ka na." Patuloy nito na hinagod ng tingin ang kabuuan ni Janniah na nakasuot na ng traje-de-boda nito at gayak na gayak na para sa kasal nito ilang minuto na lang ang hinihintay.

Wala namang masabi si Janniah bagkus ay niyakap na lang ng mahigpit ang minamahal na ina.

Ilang sandali pa'y biglang bumukas nag pinto ng kwartong iyon ng dalaga at pumasok roon ang kuya niyang si Jannus na gayak na gayak na din sa suot nitong abuhing tuxedo na lalong nakapagpadagdag sa kaguwapuhan nito.

"Sinasabi ko na nga ba't nagdadramahan na naman kayong dalawa, eh!" Pabirong paninita nito sa kanilang mag-ina.

Bahagyang kumalas sa pagkakayakap ang dalawa.

"Asus! Akala mo'y kami lang ang madrama!" Pilyang sabi ni Janniah sa nakatatandang kapatid which was halfmeant.

Ito pa lang kasi ang nakita niyang lalaki na sa tuwing nakakapanood ng mga drama sa telebisyon at mga pelikula ay talaga namang umiiyak na sa akala mo'y hindi malaking lalaki. Dalang-dala ito sa mga emosyon ng mga karakter sa iba't ibang drama sa telebisyon man o pelikula.

"Hmmmp! Ikaw talaga!" Anito saka kinurot ang magkabilang pisngi ang bunsong kapatid.

"Kuya, ano ba? Iyong make-up ko, oh!" Saway niya sa kuya saka mahinang tinampal ang kamay nito.

Binitawan din naman agad ni Jannus ang pisngi ni Janniah. Ang ganoong gawi ay isa lamang sa mga harutan at lambingan ng dalawa.

"Ang ganda mo, bunso. Seriously." Anito na titig na titig sa mga mata niya habang gagap nito ang kanyang mga kamay. "At seryoso rin ako na kapag sinaktan ka ng Raphael na iyon, sigurado, yari siya sa akin!" Nagbabantang sabi ng kuya niya sa kanya.

Nginitian lamang niya ito. Kahit kailan naman ay talagang protective ito sa kanya. Kahit noong sila'y mga bata pa, talaga namang ito ang tagapagtanggol niya. Alam niyang hindi iyon magbabago dahil simula nang mamatay ang kanilang ama, noong siya'y pitong taong gulang at ito ay labingdalawa ay hindi ito nagkulang sa proteksyon sa kanya. At hindi niya gustong mawala sa pangagalaga nito para sa kanya.

"Oh, siya! Naghihintay na sa ibaba ang bridal car mo. Si Mama, sa amin na siya sasabay dahil baka bago pa ang kasal ay kapwa hulas na ang mga ganda niyo!" Pagbibiro ni Jannus sa dalawa na bahagya ring natawa sa sinabi nito. "Mauna na ko sa baba." Paalam nito sa kanila.

"I am so very proud of you, Janniah, hija! I really wish you and Raphael all the best!" Maluha-luhang sabi ni Janice sa anak.

"Thanks, Ma! I love you." Sabi niya sa ina.

"And I love you so much, anak! Kayong dalawa ng kuya mo. For me, you will always be my little kids!" Sagot ng ginang saka sila muling nagyakap.

Ilang sandali na lang ay magiging Mrs. Raphael dela Vega  na siya. At walang paglagyan ang saya sa dibdib niya.

Isang taon na niyang nobyo noon si Raphael nang magpropose ito sa mismong araw ng anniversary nila. Hindi na siya nakahindi pa lalo't talaga namang in-love siya sa nobyo. Her one and only, Raphael dela Vega.

Kahit limang taon ang tanda ni Raphael ay hindi iyon naging alangan para sa kanya. A man who is 5'11 in height with a well-built body, neat looking, educated and most of all, lovable. A businessman owning  restaurants, construction company and furniture supply.

What else a girl could ask for to a certain guy? Para sa kanya, Raphael is her prince charming. And she really can't wait to spend her life with him, to create memories with just the two of them and believe that there is forever between them.

Ilang sandali pa lang ay lulan na si Janniah ng kanyang bridal car. Hindi pa gaanong malayo ang naitatakbo ng sasakyan nang makaramdam siya ng hilo.

"Excuse me, mamá, hindi ba parang masyado yatang matapang 'yang air freshener niyo?" Usisa ni Janniah sa driver. Ang driver na ito ay kasama sa package deal na ibinigay ng event planner sa kanila ni Raphael para sa kasalang magaganap.

Binalingan siya ng lalaki sa rearview mirror kung saan nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi maintindihan ni Janniah ang sarili pero parang may ibang hatid ang mga mata nito sa kanya. Those deep set light brown eyes.

"Hindi naman po, Ma'am." Sagot nito sa kanya saka muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

What a voice! Turan ng isip niya. Isang baritonong boses na may hatid ding kilabot sa kanyang sistema.

Umiling siya sa sarili sa mga isiping pumapasok sa isip niya. For goodness' sake ikakasal na siya at heto't nagpapaapekto siya sa lalaking ito na parang nagtataglay na misteryosong pagkatao na animo'y nag-aanyaya sa kanya na kilalanin ito.

Pasimple niyang sinipat ang lalaki. Nakasuot ito ng sombrero pero hindi niyon naitago ang may kahabaang buhok nito na halos hanggang balikat na nito. Bagaman nakasuot ng plain white polo shirt ay kapansin-pansin pa rin ang magandang built ng braso nito. May kahabaan din ang mga balahibo nito sa braso at bigla ay parang gusto niyang madama sa balat niya ang mga balahibong iyon.

Napapikit siya sa isiping iyon. Diyata't hindi lang siya nahihilo kundi nahihibang din!

Pati na ang magandang hugis ng mga daliri nito ay napuna niya rin at hindi niya alam kung bakit parang nais niyang mapaloob doon ang kamay niya.

Napabuntong-hininga siya. At hindi niya alam kung bakit parang bigla ay kinakapos siya ng hininga. Pahirap ng pahirap ang pagkuha niya ng hangin sa dibdib. Ang kaninang pagkahilo ay parang ikinaiikot na ng paningin niya ngayon.

Bumilis ng bumilis ang kanyang paghinga hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Featuring Brandon Routh at the top as our heroine. He played as Clark in 2006 Superman Returns. He just popped into my mind maybe because I super idolized Superman himself... 😍

Ang gwapo naman ng driver...

Enjoy reading, guys! Keep safe and God bless!

Love Under RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon