Chapter Five

4.1K 94 26
                                    

Hopelessness

May ilang oras na rin siguro si Janniah na deck ng yate ni Clark. Well, the guy said that he owns the yacht. She nod to herself.

Kidnapper na gwapo na, mukhang mayaman pa. Clark said he owns that island. What is he then? A pirate?

Hindi niya alam kung matatawa siya sa naiisip. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa isang bench saka inabot ang goblet na may lamang vodka. She is not a drinker but a vodka tastes nothing but a coconut juice and she enjoys it.

Tinignan niya ang kapaligiran. Balot na ng kadiliman ang buong karagatan. Ni kaunting liwanag ay wala siyang makita. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay mag-eenjoy din siya sa paglalayag na ito. Lalo na kung kasama niya ang pamilya.

Napabuntong hininga siya sa isiping iyon. Kumusta na kaya ang kanyang ina at kapatid? Siguradong alalang alala na ang mga ito sa kanya. Wala naman siyang naiisip na ibang paraan para ipaalam sa mga ito na maayos siya na sadya naman talagang maayos ang kalagayan niya. Na kahit pa nga sinabi ni Clark kanina na papunta sila sa isla nito ay ni hindi man siya nakadama ng takot. It's strange pero iyon ang nadarama niya. Parang ayaw paniwalaan ng sistema niya na hawak siya ng isang masamang tao. O ayaw lang talagang tanggapin ng isip niya na sa kapahamakan lang din naman ang punta niya. Perhaps, she just doesn't want to anticipate the feeling of death.

Muli siyang nagsalin ng vodka sa goblet at inisang lagok lang iyon.

Kumusta na kaya si Raphael? Sigurado din na nag-aalala ito sa kanya. Gusto niyang naramdaman ang yakap nito ng mga sandaling iyon. Gusto niyang maramdamang safe siya sa mga bisig ng nobyo. Pero mararamdaman pa kaya niya ang mga yakap nito?

Thinking of her loved ones that very moment made her wanting to cry and wanting to shout because of the hopelessness that she feels inside. And she's drinking to her heart's content para kahit papaano ay makalimot siya o kaya'y magkalakas ng loob na gawin ang ibang mga bagay na naiisip niya to save her life. She wants to give up already! Para saan pa ba ang natitira niyang buhay sa mundo kung mapapahamak lang din naman siya?

Muli siyang nagsalin ng vodka sa goblet at dali-daling tinungga iyon.

Tumayo siya. Bagaman nakaramdam ng kaunting hilo ay pinilit niya pa ring lumapit sa railing ng yate. Ipinatong niya ang paa sa nasa pinakaibabang rail ng yate habang nakahawak sa isang poste.

Malamig ang hangin na sumasalubong sa kanyang mukha. And she likes it. Parang naghahatid iyon ng kapayapaan sa sistema niya. Pumikit siya habang dahan-dahang itinutuwid ang kanyang mga braso katulad nang kay Rose sa pelikulang Titanic.

She feels like flying. Marahil ganito ang pakiramdam ng mga ibon na nasa himpapawid. Mga ibong puno ng kagalakang sinasalubong ang hangin. Mga ibong masayang naglalaro sa kawalan. Mga ibong malaya na sa pagkakataong iyon ay hinihiling niyang sana'y malaya rin siya katulad ng mga ito.

She wanted to stay like that for a minute or so pero hindi siya nabigyan ng pagkakataon. Dahil dalawang mala-bakal na braso ang buong pwersang humila sa kanya paibaba.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at natagpuan niya ang sarili sa ibabaw ng matigas na katawan ni Clark. Nakasubsob ang mukha niya sa matipunong dibdib ng lalaki.

Tiningala niya si Clark. Nasalubong niya ang mga mata nitong kinakitaan niya ng... takot?

Hindi pa tuluyang pumapasok sa isip niya ang nakita sa mga mata nito nang walang anu-ano'y kabigin nito ang batok niya saka siya siniil ng halik. Isang halik na parang mas nakakalasing pa sa alak. Nakaliliyo, nakakalango at nakapagpapalimot sa kanya.

And she cursed herself for wanting his lips so much, for accepting his tongue that is pressing deeper against her mouth and for allowing this stranger to touch her body. And oh, she swallowed hard when she felt his hard manliness on her stomach.

She had been kissed for several times before and one of those includes Raphael's but Clark's kiss was different. Clark's kiss was enough to make her feel the magical sensation she ever wanted to feel. Clark's kiss is as romantic as the kiss she ever dreamed of.

Para siyang nabuhayan ng dugo sa katawan at parang ngayon lang din tumibok ang puso niya ng ganito kabilis. Just enough to feel Clark's heartbeat same as hers. Nothing can describe this moment but romantic.

Romantic? Parang ang salitang iyon ang nakapagpagising ng diwa niya. Bagaman nadadala pa rin ng kanyang emosyon ay pinilit niyang panlaban ang damdamin. Itinukod niya ang dalawang kamay sa dibdib nito saka mabilis na tumayo. Hindi na niya namalayan na nakataas na pala ang laylayan ng suot niyang long sleeves exposing her bare legs kaya naman dali-dali niyang inayos ang sarili. Inayos din ng binata ang sarili.

Nang makabawi ay agad na nilapitan ni Janniah si Clark at binigyan ito ng isang malutong na sampal.

"You must not do that!" Mariin niyang sabi sa lalaki na ikinagulat nito.

Sinalubong ni Clark ang tingin ng dalaga sa kanya. And Janniah saw different emotions that crossed Clark's eyes.

Nilapitan siya ng binata saka siya mariin na hinawakan sa braso. "You scared me to death, Janniah. To think that this sea is shark and crocodile infested!" Nanggigigil na sabi ni Clark! His eyes fiery.

Iniisip ba ng lalaki na ito na magpapakamatay siya? Hell, no! Hindi pa naman niya gustong mamatay!

"Damn you, Clark!" Singhal niya rito saka bawi ng braso rito. "I am not planning to kill myself nor think about it even a single second!" Matapang niyang tiningala ito.

Kumunot ang noo ni Clark. Tinitigan siya ng lalaki. Lumambong ang hitsura nito habang nakatingin sa kanya. Tama ba ang nakikita niya sa mga mata nito? Care? Protectiveness?

"And don't act as if you care, Clark. 'Cause I know, you don't." Mahina ngunit mariin niyang sabi sa binata.

Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. "Damn it, Janniah! Of course, I care!" Sabi niya habang niyuyugyog ito.

"If so, why not prove it, Mister?" Nanghihinang sabi ni Janniah sa kanya.

Dahan-dahang binitawan ng binata ang mga braso ni Janniah. Narinig niyang nagpakawala ito ng isang buntong-hininga bago marahang lumapit sa kanya at kinabig siya.

Nanatili lang siyang nakayuko. Naramdaman niya ang marahang paghalik ni Clark sa tuktok ng ulo niya.

"I'm sorry." He sincerely said.

And those two words made Janniah cries to her heart's content.

Author's Note:

Hanggang dito po muna.

Comment po kayo para sa next part just for me to know kung may nagbabasa po ba nito.

Love Under RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon