Chapter Nine

3.8K 57 1
                                    

Binyagan


"Oh my goodness, Janniah. How are you? Are you okay? Where are you? Nasaan ka at pupuntahan ka namin ngayon din!" Iyon agad ang narinig ni Janniah sa kabilang linya ng telepono.

Isinuhestyon sa kanya ni Clark na tawagan na ang Mama at Kuya niya dahil siguradong alalang-alala na ang mga ito sa kanya. Kaya naman, natuwa siya sa inakto ng lalaki dahil ikinonsidera nito ang pamilya niya.

"Ma, relax. Please breath!" Sabi niya na pinasaya ang boses upang ipabatid dito na ayos siya.

Pero narinig niya pa rin ang hagulgol ng ina sa kabilang linya.

"I cannot just relax, 'nak. You were kidnapped and we don't know what to think and what to do! Mag-iisang linggo ka nang nawawala, Janniah." Garalgal ang boses na sabi nito.

Napabuntung-hininga siya.

"I am safe, Ma. Kaya nga tinawagan ko kayo to let you know that I am fine. I'm in good hands." Sabi niya na pilit pinapakalmante ang boses.

Pagkasabi niyo'y humalinhin naman ang kuya niya sa telepono.

"Bunso, ano ang nangyari sa'yo? Who did this to you? Sinaktan ka ba nila? Ayos ka lang ba? Nasaan ka?" Sunud-sunod din na tanong nito sa kanya.

Pinigilan niya ang matawa.

"Kuya, I am fine. Totally and absolutely fine." Sagot niya.

"How is this happened, Janniah, huh? We never stopped communicating to the police. And as of the moment, they still can't trace you. Ano ba talaga ang nangyari, ha? Who kidnapped you?" Maawtoridad na sabi ng kuya niya sa kanya.

"W-Well, I am not totally kidnapped, Kuya. A-Actually, I planned all this because..."

"Because what, Janniah?" Matigas nitong tanong nang hindi niya naituloy ang sasabihin.

"B-Because, I-I've realized that I am not ready for settling down. Kaya nakapagdecide akong gawin 'to." She said apologetically.

"Dios mio naman, Janniah!" Napapikit siya sa sinabing iyon ng kuya niya. "Sana sinabi mo sa amin na hindi ka pa handang magpamilya. We will understand you. And surely, Raphael will understand you, too." Patuloy ng kuya niya.

Napailing siya at gusto na sana niyang sabihin dito ang nalaman pero hindi pa ito ang tamang panahon para rito.

"I'll explain everything when I come back, Kuya. I called to inform you that I am safe with a friend who helped me a lot. I can't tell you my whereabouts and please bear with that." Hirap niyang sabi sa kuya niya.

"My gosh, Janniah. Sobra kaming nag-aalala sa'yo dito and yet, you still decide to---"

"Kuya, please tell Mama na I am alright. There's no need to worry about. When I come back, I'll make sure that everything will be settled. I love you, Kuya. Tell that also to Mama." Sabi niya saka narinig ang buntong hininga sa linya.

Mabigat ang kamay na ibinaba niya ang telepono sa cradle. Pumatak na ang mga luhang kanina ay pinipigilan niyang pumatak.

Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso sa kanyang beywang saka ang banayad na paghalik sa kanyang tuktok mula sa kanyang likuran.

Love Under RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon