Chapter Eighteen

2.3K 53 11
                                    

With Heavy Heart

Makalipas ang ilang araw ay nakalabas na ng ospital si Janniah. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa bahay nila. Mula sa ospital hanggang sa makauwi siya ay hindi pumalya si Clark na dalawin siya. Pero sa tuwina ay hindi niya ito hinaharap. Mahirap din para sa kanya ang ginagawa pero sa palagay niya, ito ang mas tamang gawin.

Tulad na lang ngayon, nakatanaw si Clark sa bintana ng kwarto niya habang siya ay nakasilip din dito ng patago. Nakikita niya ang lungkot sa mukha nito. Kitang-kita rin ang panlulumo sa anyo nito dahil sa ilang pagkakataon ay hindi na naman niya hinarap ito.

Umalis na ito at siya naman ay naupo sa kanyang kama. She supressed her tears. Ayaw niyang magpagapo sa lungkot na nararamdaman.

Inuunawa naman siya ng pamilya sa pinagdadaanan niya ngayon. Hindi nagtatanong ang mga ito. Iniintindi lang ng mga ito ang desisyon niya.

Nalulungkot siya na ang lahat ng ito ay dapat pang mangyari sa kanya. Sadya nga namang napakamapaglaro ng tadhana at isa sila sa napaglaruan nito.

Ilang araw pa ang mabagal na lumipas at ganoon pa din ang eksena sa pagitan nila ni Clark. Hindi niya talaga makuhang harapin ang binata. It's either hindi pa siya handa o ayaw niya lang tanggapin ang mga posibleng mangyayari sa pagitan nila.

Sa ilang araw na lumipas ay tuluyan na siyang gumaling. At ang una niyang gustong mangyari ay mapag-isa. Matinding pagpapaalam at pagpupumilit ang ginawa niya sa ina at sa kapatid bago siya pinayagan ng mga ito.

Hinatid pa siya ng kanyang kapatid sa Candelaria, Quezon, kung saan naroroon ang kanilang resthouse. Nakatayo ang resthouse nila malapit sa isang beach na sikat na pasyalan ng mga turista. Hindi kalayuan sa resthouse nila ay ang hindi na rin mabilang na mga inn para sa mga turista. Kaya naman hindi na kataka-taka na hindi kalayuan sa likurang bahagi ng resthouse nila ay marami siyang matatanaw na tao.

Wala namang kaso iyon sa kanya. Mas maganda nga dahil hindi niya mararamdaman masyado ang pag-iisa. At hindi rin naman nakakasira ng katahimikan ang mga turistang ito.

Sa katunayan, gustung-gusto niya ang katahimikang sumalubong sa kanila. Naghatid ito ng kapayapaan sa kanyang puso't isipan. Nagustuhan niya ang ambiance ng lugar at sigurado siyang ito ang maghahatid ng katahimikan sa kanyang magulong isipan.

Kasalukuyan silang nag-aayos ng mga pinamili nila sa grocery ng magsalita ang kuya niya.

"We've learned so many things about Clark." Umpisa nito na patuloy pa rin sa ginagawa kaya nagpatuloy din siya. "Marami siyang sinabi sa'min ni Mama. I'm certain he didn't missed even a single detail. At first, parang ayaw magproseso ng isip ko. But eventually, lots of realization hit me." Then he looked at her na sinalubong naman niya.

"When will you realize na it's about time to forgive him?" Malumanay na tanong nito sa kanya.

Bumuka ang bibig niya pero wala siyang mahagilap na sabihin. Bumuntong hininga siya saka muling itinuloy ang ginagawa.

Natapos nilang magkapatid ang mga pangunahing dapat gawin kaya nagpasya na itong aalis na. Nasa tapat na sila ng sasakyan nito nang tignan siya ng kuya niya. Sinapo nito ang kanyang magkabilang pisngi and looked at her with eyes full of fondness.

"Baby, Clark's a good man and I salute him for being such. Mahihirapan ka na yatang makakita pa ng tulad niya." He coyly said. She pouted her lips bago bumitaw dito saka ito pinagbukas ng pinto ng sasakyan.

Sumingkit ang mga mata nito dahil sa pabirong pagtaboy niya rito pero pumasok din sa sasakyan at ini-start na iyon saka lumingon sa kanya.

"Oh, and I forgot to mention that Clark's a very good catch. Well, just so you know." Nagkibit pa ito ng mga balikat na parang balewala lang ang sinabi nito.

Love Under RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon