Chapter Sixteen

3.2K 48 0
                                    

The Hardest Truth

"Does that mean that we are going to pursue our wedding?" Parang batang tanong ni Raphael kay Janniah.

Napalunok si Janniah sa tanong na iyon ni Raphael sa kanya. Sinalubong niya ang mga mata nitong animo'y nagkaroon ng kislap ng pag-asa. Sa totoo niyan, hindi niya alam kung ano ang isasagot dito.

Sinapo niya ang mukha nito bago humugot ng lakas ng loob para sagutin ito.

"W-We'll, w-well talk about that after you've done your, ahmm, y-your psychological test." Hindi niya mapaniwalaan na iyon ang lumabas sa kanyang bibig.

Kaya naman ang parang maamong tupa kanina ay bigla na namang naging leon. Dinakma siya nito sa magkabilang braso at buong higpit na hinawakan siya.

"Psychological test, huh?" Anito na ang mga mata ay nagbabaga. "Baka ikaw, Janniah, ang nangangailangan mag-undergo no'n kasi ang bilis napaikot ng lintik na Clark na 'yon ang ulo mo! Hindi nga ba't baliw na baliw ka sa Alejo na 'yon?" Anito.

"R-Raphael, n-nasasaktan ako!" Nakangiwing sabi niya dahil talaga namang nasasaktan siya sa pagkakahawak nito sa kanyang braso.

"Talagang masasaktan ka sa'kin, Janniah!" Mariing sabi nito.


Hanggang sa makarinig sila ng mga putok ng baril. Hila-hila siya ni Raphael na sumilip sa bintana at doon ay nakita niyang duguan na ang mga goons na nakapaligid sa kanyang ina at kapatid. Kasalukuyan nang kinakalagan ng kuya niya ang kanilang ina. Kahit paano ay nakaramdam siya ng kapanatagan sa sitwasyon ng kanyang pamilya.

Humahangos na binuksan ng isang may katabaang goons ang kwartong kinaroroonan nila ni Raphael.

"Boss, napapalibutan na po tayo ng mga pulis! Kami na lang nina Buboy at Lolong ang natitira!" Mababakas sa hitsura nito ang takot lalo na ng singhalan ito ni Raphael.

"Mga bobo! Paano'ng hindi niyo naramdaman ang pagdating ng mga parak? Mga inutil!" Sigaw ni Raphael.

Lihim na nagbubunyi ang kalooban ni Janniah dahil alam niyang marerespondehan na sila. At alam niyang si Clark ang nasa likod ng respondeng ito.

"Ano pa'ng ginagawa mo d'yan? Kumilos ka na! Sabihin mo sa iba na gamitin ang mga kakarampot niyo'ng utak!" Bulyaw ni Raphael sa tauhan na mabilis namang tumalima.

Pabalya siyang inihagis ni Raphael sa kama na ikinangiwi niya.

Hanggang sa may sumipa sa pinto ng kwartong kinaroroonan nila at iniluwa niyon si Clark. Agad nitong itinutok ang hawak na baril kay Raphael. Mas lalong naging palagay si Janniah nang mga oras na iyon dahil alam niyang magiging maayos ang lahat. Bagaman mukhang hindi natinag si Raphael sa presensiya ni Clark. Nakakalokong ngumiti at humarap pa sa kanya si Raphael.

"Oh, look who's here? Your knight in shining armour, honey! Ang lalaking kinababaliwan mo ngayon. Ang lalaking kinahuhumalingan mo kahit hindi mo naman lubos na kilala." Nakangising sabi ni Raphael sa kanya bago binalingan si Clark. "Alejo, I see you wouldn't want to miss special moments like this, huh? Playing a hero at ako lang ang masama?" Sabi nito kay Clark.

"You shut up, dela Vega!" Bulyaw ni Clark dito. "Sumuko ka na, Raphael. Patay na ang lahat ng tauhan mo! Napapalibutan na tayo ng mga pulis!" Panghihimok ni Clark dito.

Ngumisi ito. "And you really think I'd be afraid because of that? Mahuli man nila ako, mapapatay ko naman kayong dalawa." Sabi nito saka humugot pa ng isang baril sa likuran nito. Ngayon, nakatutok na ang dalawang baril na iyon sa kanila ni Clark.

Puno ng takot na bumaling siya kay Clark.

"You're asking for his help, honey? Bakit? Gaano mo ba ipinagkakatiwala ang buhay mo sa lalaking iyan? Sabihin mo nga sa'kin kung gaano mo siya kakilala?" Nilalansi siya ni Raphael.

"Sige na nga, let me tell you a story. Mamadaliin ko na lang, ha." Nakakalokong ngumiti pa ito. "Alam mo ba na ang huli kong napangasawa ay dating live-in partner nitong si Clark? Oh, my Tiffany! Hindi kasi inalagaan ng maayos nitong si Clark kaya iyon, madali kong nalansi at sumama naman agad sa'kin and instantly accepted my marriage proposal." Kwento nito.

Binalingan niya si Clark na noon ay tiim ang mga bagang at nagngangalit na ang mga ugat sa higpit ng hawak sa baril. Tumingin ito sa kanya at inarok niya ang saloobin ng mga mata nito.

"May isa lang sana akong ipapakiusap sa'yo, Janniah, huwag na huwag kang magpapadala sa mga pangungusap ni Raphael. Huwag na huwag kang maniniwala sa lahat ng mga sasabihin niya." Naalala niyang sabi ni Clark sa kanya na sinang-ayunan niya.

"Hindi ba niya naikwento sa'yo 'yon, Janniah, honey? Of course, silly me! Bakit nga ba niya sasabihin sa'yo na ginagamit ka lang niya para paghigantihan ako. You see, you barely knew that man na kinababaliwan mo ngayon! Pinaikot niya ang ulo mo! Binilog niya at pinalabas niyang ako lang ang masama!" Anito saka dumura sa tapat ni Clark.

Naguguluhan na siya. Bakit nga ba hindi niya naisip ang mga posibilidad na iyon?

"Una pa lang ay talagang damay na ako."
Naalala niyang sabi ni Clark sa kanya noon sa mansiyon nito matapos itong makipag-usap kay Raphael sa telepono.

Ibig sabihin ba ay...

Ayaw niyang pagdudahan lahat ng ipinakita ni Clark sa kanya.

"At hindi lang doon natatapos ang kabulukan ng lalaking kinababaliwan mo, Janniah, honey!" Muling kuha ni Raphael sa atensyon niya. "I found a much deeper and smelly information from the garbage bag about him. Guess what, honey? It turned out na hindi lang pala ako ang pinaghihigantihan niya." Sabi nito saka humalakhak. Isang animo'y baliw na halakhak.

"Raphael, don't you dare!" Mariing babala ni Clark dito.

"Bakit, Alejo? Ayaw mo ba'ng ipaalam sa kanya na may kinalaman ang pamilya niya sa pagkamatay ng tatay mo? Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya na isa si Mr. Montelibano sa mga dahilan kung bakit nailit ang lupain ng mga magsasaka no'n sa lugar niyo? Na kaya ka nandirito ay para paghigantihan din ang pamilya Montelibano dahil sa nangyari noon?" Parang balewala lang na kwento ni Raphael.

Luhaang binalingan niya ng tingin si Clark na noon ay umiiling at animo'y nagmamakaaawa sa kanya na huwag paniwalaan ang lahat ng narinig mula kay Raphael.

"I don't know who's the most pathetic to the three of us!" Ani Raphael saka humalakhak nang humalakhak.

Hanggang sa nakarinig siya ng putok na ikinatili niya. Duguang tumumba si Raphael dahil sa pagkakabaril dito ng pulis mula sa terasa ng kanyang kwarto.

Napahawak siya sa kanyang tagiliran dahil sa pagsigit ng sakit mula roon. Ganoon na lang ang panggigilalas niya ng makitang may dugo siya roon. Tama ng baril na marahil ay mula kay Raphael.

"Janniah..." Nahihintatakutang sabi ni Clark bago lumapit sa kanya.

Nanlalabo na ang kanyang paningin.

"Oh, God, love, hold on, please... Hold on, love..." Narinig niyang sabi ni Clark nang buhatin siya nito.

Love Under RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon