Now or Never
Nagtatagis ang mga bagang ni Clark saka ibinagsak ang telepono sa cradle.
"Damn that, Raphael! Damn him!" Mura niya saka tumingin sa labas ng bintana kahit pa wala doon ang isip.
Mabilis na lumapit si Janniah kay Clark.
"Paano na ngayon, Clark?" Nag-aalalang tanong ni Janniah rito saka hinawakan ang kamay nito. "Paano ka? Nadamay ka pa ngayon. Siguradong hindi ka rin patatahimikin ni Raphael." Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito para ipaabot dito ang labis niyang pag-aalala para sa kapakanan nito.
Bumuntong-hininga si Clark saka hinarap ang dalaga.
"I'll be fine, Janniah. Una pa lang ay talagang damay na ako. At hindi naman ako kumilos ng basta basta na lang. Don't worry about me." Sabi niya sa dalaga saka ito hinapit sa beywang at mariing hinagkan sa noo. "Higit kong ipinag-aalala ang kapakanan mo, sugar. Sigurado ako na gagawa at gagawa ng paraan ang Raphael na iyon para mapasakamay ka niya at maisakatuparan niya ang lahat ng plano niya." Dagdag nito.
Una pa lang ay talagang damay na ako. Hindi alam ni Janniah kung bakit ang katagang iyon ang naiwan sa utak niya. Para sa kanya ay mayroon itong mas malalim na kahulugan at pinaghugutan.
Bahagya siyang inilayo ng binata saka buong higpit na ginagap ang kanyang dalawang kamay. Matiim siyang tinignan ni Clark. Parang inaarok ang kanyang saloobin.
Samu't saring emosyon ang dumaan sa mga mata nito - regret, pain, hope, doubt and the most visible, fear. Kapagkuwa'y lumamlam ang mga mata nito saka bumuntong hininga.
"May isa lang sana akong ipapakiusap sa'yo, Janniah," seryosong sabi nito. "huwag na huwag kang magpapadala sa mga pangungusap ni Raphael. Huwag na huwag kang maniniwala sa lahat ng mga sasabihin niya." Tila hirap ang kalooban na sabi nito.
Tinignan niya ang binata. Hinaplos niya ang mukha nito. Kung naghihirap ang kalooban nito'y ganoon din siya. Gusto niyang iparating dito na magkasama silang dalawa sa laban na ito.
"Of course, I will not, Clark." Masuyong sabi niya habang haplos haplos ang pisngi nito saka siya sumandig sa dibdib ng binata. Ipinulupot naman ng binata ang mga braso sa kanyang beywang saka muling hinalikan ng mariin ang kanyang noo.
Ilang araw pang nanatili sina Clark at Janniah sa islang iyon na pagmamay-ari ng binata. Walang araw na hindi ipinadama sa kanya ng binata ang masidhi nitong pag-ibig sa kanya. Mayroon pang araw kung saan hindi na sila lumabas ng silid para papangyarihin ang pagmamahalan nila.
They enjoyed every moment that they have lalo na ngayon na malaya pa silang gawin ang mga bagay na gusto nila. Iyong wala pa silang iniisip na suliranin. The island served as their haven - their safe haven. Pansamantala nilang kinalimutan ang reyalidad sa lugar na iyon kung saan naging masaya silang dalawa.
Ngayon nga ay nasa sala sila ng mansyon ng mga Montelibano. Hindi pa man sila nakakaupo ay humahangos na sa pagbaba ng hagdan si Jannus habang inaalalayan si ginang Janice.
Patakbo din namang sumalubong si Janniah sa mga ito. Agad silang nagyakap-yakap.
"How are you, baby? All this time, sobra ang pag-aalala namin sa'yo, alam mo ba 'yon?" Sabi ni Janice sa anak habang hinahaplos ang kanyang mukha.
Pinahid ni Janniah ang mga luha ng ina.
"I know, Ma. I know. And I'm already here. I'm fine." Pilit niyang pinasasaya ang boses kahit pa nga luhaan na rin siya.
"My God, love! You shouldn't let us worry that much." Sabi ni Jannus habang hinahaplos ang kanyang pisngi.
"I know and I'm sorry, Kuya." She apologetically said.
"Siya nga pala, Ma, Kuya," sabi niya saka bahagyang dumistansya sa mga ito at binalingan si Clark. "si Clark nga po pala. Siya po ang kumupkop sa akin." Pakilala niya sa binata.
Ang sumunod na eksena ay hindi niya agad namalayan. Dali-daling nakalapit si Jannus kay Clark at saka ito inundayan ng isang malakas na suntok sa mukha. At dahil hindi inaasahan ni Clark ang suntok na iyon ay nawalan ito ng balanse na ikinatumba nito.
"Clark!" Puno ng panghihilakbot na sigaw niya. Agad siyang lumapit kay Clark na sapu-sapo ang pangang tinamaan ng suntok. "Why hit him, Kuya?" Sita niya sa kapatid saka ito tinignan ng masama.
"Why not, Janniah? You've been with that man we barely know. And God knows kung ano pa ang ginawa niya sa'yo!" Galit na sabi Jannus sa kapatid.
"He'll not be here, Kuya, kung may ginawa siyang higit pa sa iniisip mo. And I will not be here either kung talagang may plano siyang masama sa'kin!" Asik niya sa kapatid saka inalalayan si Clark sa pagtayo.
"Ano ang ipinakain sa'yo ng lalaking 'yan para ipagtanggol mo siya ng ganyan? He's a stranger, Janniah. Bear that on your mind!" Paalala sa kanya ng kapatid. "At ano na lang ang sasabihin sa'yo ni Raphael kapag nalaman niyang may iba kang lalaking sinamahan?" Dagdag pa nito.
"Kuya, Clark is no longer a stranger but Raphael." Makahulugang sabi niya rito. "All this time, he made us believe him. Raphael fooled us, Kuya, Ma. Mas masahol pa siya sa demonyo. And that, I assure you both." Paniniyak niya sa mga ito bago tinawag ang isang kawaksi at nagpakuha rito ng ice bag.
Inalalayan niyang makaupo si Clark sa mahabang sofa habang ang kanyang ina at kapatid ay nakamata lang sa kanya.
"I'm fine, Janniah." Bulong ni Clark habang sinusuri niya ang panga nito na tinamaan ng suntok.
"No, Clark. You're not okay." Giit niya.
Iniabot na sa kanya ng kawaksi ay ice bag saka iyon idinikit sa panga ng binata."I'm sorry for this, Clark." Hingi niya ng paumanhin dito. "I never expected this to happen." Sabi pa niya.
"Sweetie, it's all fine. Kahit naman ako ang nasa sitwasyon ng kuya mo, baka higit pa rito ang gagawin ko." Magaan na sabi nito.
"Pero kahit na. The mere fact that I am here at nandito ka rin para harapin sila ---"
"Ssshhh... Enough, sugar! Lalo mo lang pinaiinit ang ulo nila. Tignan mo, ang sama lalo ng tingin nila sa'tin." Bulong ni Clark sa kanya.
Nilingon niya ang kapatid at ina. Kitang kita ang hindik sa mukha ni Janice habang nagngangalit naman ang mga ugat sa leeg ng kuya niya. Huwag ng idagdag pa ang nakakuyom nitong kamay.
![](https://img.wattpad.com/cover/169089042-288-k187009.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Under Revenge
RomanceAraw ng pag-iisang dibdib nina Raphael at Janniah. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang may dumukot sa bride. Walang pagsidlan ang galit ni Janniah sa lalaki na nagpakilala bilang si Clark - na siyang pasimuno ng lahat ng kaguluhan...