Chapter Eight

3.9K 52 0
                                        

His Story

Naramdaman ni Janniah ang isang mainit na palad na marahang humahaplos sa kanyang buhok at pisngi. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata and there he saw Clark smiling fondly at her.

"Good afternoon, sweetie sugar." Masayang bati nito sa kanya saka siya ginawaran ng magaang halik sa labi.

Binati siya nito ng magandang hapon. Kung gayon, hapon na pala. Kunsabagay, halos wala silang tulog ni Clark nang nagdaang gabi. He made love to her the whole night and didn't leave any inch of her body unmark and unbranded.

Mag-uumaga na ng pahintulutan siya nitong matulog and she really feels sore now.

She lovingly gazed at Clark. How she loved this moment. Waking up with this man with his arms around her. A picture of a couple on their honeymoon stage. Lalo pa at mataman siyang tinititigan ni Clark as if memorizing every details of her face with a soft caress.

Ngayon nauunawaan na niya ng lubos ang sarili niya higit lalo pa ang puso niya na ang tinitibok ay si Clark. She may not completely know him pero hindi hadlang iyon para mahalin niya ang binata.

"Clark," tawag niya rito saka hinaplos ang pisngi nito. "thank you." She sincerely said which made Clark frowned.

"For?" Anito.

"For everything." She said smiling. "For saving my life. For keeping me away from Raphael. For helping me find myself. And for loving me." Masuyo niyang sabi.

Pero hindi nakuha ni Janniah ang reaksyong inaasahan niya mula sa lalaki.

Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi nito and his eyes speak different emotions but guilt was the most evident one that crossed his eyes.

What was guilt for?

"I...I-I'm sorry." Sabi niya saka nasasaktang nag-iwas ng tingin dito.

Pero muling ibinaling ni Clark amg mukha paharap dito.

"Oh, no, sweetheart. Don't be." Sabi nito saka marahang hinaplos ang kanyang pisngi habang mataman na nakitingin sa kanya. This time, there is gentleness in his deep set light brown eyes. "I should be the one who is sorry because I took you in an uncompromising situation. You were vulnerable yesterday and yet I still took advantage of you." There is fondness in his voice which softens her heart pero pinilit niyang huwag ng sumagot dito.

They just stared with each other and she's contented with that.

"You know what, I'll tour you in my little haven." He cheeringly said saka tumayo sa gilid ng kama. "But before that, let's take a bath together first." Tinanggal nito ang kumot na nakatakip sa katawan niya saka siya binuhat patungong banyo. At wala na siyang nagawa kundi ang tumili na lang.

"YOU know what, Clark, I love orchids!" Nagagalak na sabi ni Janniah sa lalaki habang nililibot nila ang garden sa likod ng bahay nito. "Hindi nga lang ako makapagpabuhay ni isa dahil mainit ang kamay ko. Why do you have orchids, by the way?" She asked out of curiosity.

Tumikhim muna si Clark bago sumagot sa kanya.

"Orchids are my mother's possession." Umpisa nito while his eyes started to be dreamy as he looks at the orchids. "I can still recall that she only has three stems when she started planting orchids. Napakagaling niyang mag-alaga to think na just after a few months, mayabong at malago na ang tatlong stems. I could see happiness through her eyes as she watered her plants while humming happy songs to them." For a moment there, parang nakita niya ang pagbabalik ni Clark sa pagkabata sa pamamagitan ng magiliw nitong pagkwento. Halatang-halata sa kislap ng mga mata nito ang pagmamahal nito sa ina.

Masaya siyang nakikinig dito habang nagkukwento tungkol sa ina. Naalala tuloy niya ang isang kilalang paalala mula sa mga nakatatanda na kung hahanap ka raw ng mapapangasawa, pumili ka raw ng mapagmahal sa ina. Dahil ang lalaki raw na mapagmahal sa ina ay likas na marespeto sa babae at garantisadong hindi nanakit ng babae. Igagalang at mamahalin daw ng lalaki ang babae sa paraang iginalang at minahal nito ang ina. At mukhang isa si Clark sa mga mapagmahal sa ina.

"Where is she now?" Natanong niya rito.

Biglang tumiin ang hitsura nito. From being a boy back there to being a hard man.

"She is no longer here with us." Sagot nito na hindi tumitingin sa kanya.

"I'm... I'm sorry." Paumanhin niya rito saka muling tiningnan ang orchids na nasa harap niya.

"She died a year after my father died." Sabi nito kaya muli siyang bumaling dito. "My father's a farmer. At syempre, hindi sa kanila ang lupa. Ang lupang isinasaka nila ay ibinenta sa isang negosyante. Bilang protesta, nagwelga ang lahat ng magsasaka. Syempre, paniguradong wala silang magiging trabaho. Hanggang sa nagkasakitan na sa welga. Nagkahagisan na ng mga bato at bote. Marami na ang nasasaktan and unluckily, my father was one of those who was hit the most." Punung-puno ng hinagpis ang kalooban ni Clark at nadarama iyon ni Janniah.

"I'm sorry." Saka niya hinaplos ang braso ng binata.

Hinuli ng binata ang kamay niya saka siya hinarap. Kitang-kita sa mga mata nito ang kalituhan, ang kalungkutan at ang kahirapan. Pero bago pa siya makapagtanong rito ay siniil na siya nito ng halik. Isang marubdob na halik. And she responded to it. If this is the consolation that Clark wants, then she will gladly obliged.

Hinapit pa siya ng binata sa beywang para lalo pang magkadikit ang kanilang mga katawan. Humahaplos ang mga kamay nito sa kanyang braso, sa kanyang likod at sa kanyang mukha.

Huminto ito sa paghalik sa kanya saka siya minasdan. Tinitigan nito ang kanyang mga mata na para bang inaarok ang pagkatao niya. But most of all, his eyes were pleading. At hindi niya alam kung ano ang ipinapakipag-usap ng mga iyon.

Hinalikan siya nito sa noo bago siya mahigpit na niyakap.

"Oh, goodness, my sweet. Everything in my mind has change since I met you." Halos pabulong na sabi ng binata habang nakakulong siya sa mga bisig nito.

Bagaman bahagya siyang naguluhan sa sinabi nito ay nanatili lang siyang walang imik. Kung anuman ang sinabi ng lalaki ay hindi mahalaga sa ngayon at saka na lamang niya aalamin.

Love Under RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon