True Color
"Damn that, Raphael!" Nanggigigil na sabi ni Jannus saka napatayo.
Ipinagtapat na nila sa mga ito ang lahat ng nalalaman nila tungkol kay Raphael at nahindik ang mga ito sa nalaman.
"All along, napaniwala niya tayo na mabuti ang intensyon niya. Ipinagkatiwala natin sa kanya ang buhay ni Janniah. Mabuti na lang at wala pa siyang nagagawa sa'tin." Dagdag pa ni Jannus.
"I've been so good to him. So good he's almost a son. Iyon pala'y, iyon pala'y---"
Hindi na naituloy ng ginang ang sinasabi bagkus ay nanggigipupos na naupo sa sofa na mabilis na dinaluhan ni Jannus.
"We are running out of time. Kailangan na nating makaisip ng paraan kung paano natin maibibigay sa mga pulis si Raphael. Kailangan nating maghanda ng plano at maisagawa 'yon sa lalong madaling panahon." Matatag na sabi ni Clark sa kanila.
"Pero paano natin maibibigay sa mga pulis si Raphael kung ang mga kinasangkutan niya dati ay nalalampaso lang ng korte? Sabi niyo nga, hindi lang iisang beses niya nauungusan ang batas. Paano natin magagawa ang mga plano?" Tanong ni Jannus sa kanya.
"Alam nating lahat na hindi siya madaling mahuhuli. Kailangan natin ang masinsinang plano kung paano siya babagsak sa batas. At siya mismo ang magpapabagsak sa sarili niya. Siya mismo ang bibingwit sa sarili niyang bibig sa mga planong isasakatuparan niya." Buong kumpiyansang sabi ni Clark sa kanila.
Tinignan ni Janniah ang binata at tinignan din siya nito. A very reassuring look that she needs the most at this moment of her life.
Just like that and they started planning things against Raphael. They think of all the best plans they could think and use of. From the lightest to the darkest form.
Hindi nila gustong ilagay sa mga kamay nila ang batas pero kung kinakailangan ay gagawin nila. Mahirap na mayroon silang alam at wala silang gagawin. Mahirap na isipin na ang isang taong kriminal ay pakalat-kalat lang at handang mamerwisyo sa marami pang tao na mapagdidiskitahan nito.
What they would do is very risky especially that they don't know is on Raphael's mind. Surely, Raphael is now triggered and probably doing his best to do his plans against her and against Clark. Kaya naman, hirap silang magdesisyon. What encourages them to continue their plan is that kindness can always destroy evilness. They are fighting for what is good and for the justice of others. Ibig sabihin, hindi lang nila laban 'to kundi laban din nang mga taong naagrabyado ni Raphael. Para sa mga buhay na nawala. Para sa mga pamilyang nawalan. At hindi talaga madali ang lahat ng ito para sa kanila. Gayunpaman, desidido silang gawin ang bagay na ito.
"Masakit pa ba ang panga mo?" Tanong ni Janniah kay Clark saka hinaplos ang pisngi nito.
Hinuli ni Clark ang kamay niya saka iyon dinama.
"I'm fine, love." Masuyong sabi nito.
Pinanlakihan ng mata si Janniah. Hindi siya makapaniwala sa nadinig na bagong endearment sa kanya ni Clark.
"Why do you look like that? May nasabi ba akong 'di mo nagustuhan?" Naguguluhang tanong ni Clark sa kanya.
"N-Nothing." Umiiling pero nakangiting sabi niya.
Inabot siya ni Clark saka hinalikan sa kanyang tuktok. He hugs her and they stayed like that for a moment.
At gustung-gusto ni Janniah ang mga sandaling katulad nito --- iyon bang napapaloob siya sa mga bisig ng binata, iyong masuyo siyang hinahalikan nito at kung minsan pa nga, mga mata lang nila ang nangungusap.
Janniah is so contented. She feels so safe with Clark and at the same time, she feels love. Wala na siyang iba pang mahihiling kundi ang maayos na ang mga pangyayari na pumipigil para sa kanila.
She is looking forward to be with Clark everyday na walang iniisip na kahit na ano. Iyong malaya silang magagawa ang mga bagay na alam nilang walang sasagabal sa kanila. She is looking forward to something that they both deserve. And she can't finally wait for that moment to happen.
Ayaw man niyang umasa ng sobra at mag-isip ng higit pa ngunit sa kaibuturan ng puso niya, gusto niyang maging masaya. Sayang walang kapantay. Marahil nga masyado pang maaga para maging malayo na ang pag-iisip niya. Mas akma sigurong gawin kung mag-enjoy muna sila ngayon. Ika nga, savour the moment while it lasts. At iyon nga siguro ang mas mainam na gawin.
"Are you sure you don't want to stay here, Clark?" Kapagkuwa'y tanong niya sa binata.
Hinaplos nito ang pisngi niya saka marahang umiling bago ito umungol na nagrereklamo.
"Don't push it, love." Saka muling umungol saka idinikit sa kanya ang katawan nito. Ramdam na ramdam niya ang mainit na singaw ng katawan nito lalong lalo na ang sandata nitong tumutusok sa puson niya. "I don't think I can behave here. Baka hindi lang suntok ang abutin ko sa kuya mo. Baka hindi na ko makalabas ng buhay dito. 'Di ba, magpapakasal pa tayo? Paano ko pa makikita ang limang anak natin?" Nahihirapang sabi nito.
"Whoah, whoah." Aniya saka bahagyang lumayo rito. "Limang anak?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Clark.
"Yes, love." Balewalang sagot nito. "For our first three kids, I want them to be boys. Let's make them tough. And for the last two, let them be girls. They will be our babies kahit mga dalaga na sila. They will be very well guarded by us and by our boys. Isn't it a fantastic idea?" He said with his dreamy eyes.
"And you've already thought of that, huh?" Sita niya rito.
"Seems like I am the only one thinking about our future." May hinampo sa boses nito.
Ikinawit niya ang mga braso sa batok ng binata.
"So you have this baby-ish side?" She teased. "I thought, girls are the only pabebe. I never thought of one guy until you." She added.
"Stop teasing me or we'll both regret it." Anito saka walang anu-ano siyang hinalikan na buong puso naman niyang tinugon. "If only possible, I'll take you here. I'll own you like there is no tomorrow." He hugrily said while intently looking at her.
"Then make love to me, right here, right now, lover boy." Nanunuksong sabi niya rito.
Bahaw namang tumawa si Clark.
"Na ah, naughty lady!" Umiiling-iling na sabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/169089042-288-k187009.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Under Revenge
RomanceAraw ng pag-iisang dibdib nina Raphael at Janniah. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang may dumukot sa bride. Walang pagsidlan ang galit ni Janniah sa lalaki na nagpakilala bilang si Clark - na siyang pasimuno ng lahat ng kaguluhan...