Facing the Enemy
Nagpasya si Janniah na makipag-usap kay Raphael. Balak na niyang tapusin ang ugnayan nilang dalawa. Makikipagkalas na siya rito sa maayos na paraang alam niya. Pinakiusapan niya ang kanyang ina at kapatid na pakitunguhan ito ng maayos. Kung siya lang ang tatanungin, ayaw na niyang pakialaman pa ang mga naging isyu nito sa batas ngunit naisip niyang panahon na rin siguro para magbayad ito ng mga kasalanan at nang sa gayon ay wala ng iba pang madamay.
Bandang alas tres ng hapon ng dumating sa bahay nila si Raphael. At kagaya ng napag-usapan, pinakitunguhan ito ng maayos ng kanyang pamilya bago sila bigyan ng sariling oras.
Kinabig siya ni Raphael saka siya niyakap ng mahigpit. Hinalikan din nito ang kanyang tuktok.
Nagkaroon siya ng pagkakataong pakiramdaman ang sarili. Hindi niya maipagkakaila sa sarili na minahal niya ang binatang ito. Ngunit sa sobrang dami ng nalaman niya tungkol dito, bigla siyang nakadama ng awa para rito. Awa dahil talagang may mga taong katulad nito na hindi marunong makontento at gagawin ang lahat para lang magawa ang gusto kahit buhay pa ng ibang tao ang kapalit.
Handa pa naman din siyang mahalin ito habang buhay, paglingkuran ito kagaya ng mga tipikal na asawang babae at makasama ito sa hirap at ginhawa. Iyon nga lang, iba ang plano nito para sa kanya. Kung hindi pa siya nailigtas ni Clark, baka wala na rin siya ngayon.
"Oh, hon, I thought I am going to lose you!" Paos na wika nito. "I am so much worried about you, hon." Dagdag pa nito.
Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka nadala siya ng matamis nitong dila.
Humiwalay siya dito. Tinignan niya ang binata mata sa mata. Magaling nitong naipahayag sa mga mata nito ang pag-aalala sa kanya. But of course she knew better - eyes can sometimes be deceiving.
"A-Ah, Raph, I-I have to tell you something." Aniya kapagkuwan. Kinakabahan man ay sinikap niyang bigyang lakas ang kalooban.
"What is it?" Anito saka hinawakan ang kanyang kamay at mataman siyang tinignan.
Dahan-dahan niyang binawi ang kanyang kamay mula rito saka siya nag-iwas ng tingin.
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago nagsalita.
"I-I'm... I-I am sorry, Raphael. I'm sorry but I think," hirap na hirap siyang magsalita. "I think we are better off this way. I'm sorry pero sa tingin ko, h-hanggang dito na lang tayo." Hanggang doon lang ang kaya niyang sabihin sa pagitan ng kanyang panginginig at panghihina ng loob.
Lumalim ang kunot sa noo ni Raphael at naging sobrang itim ng mga mata nito.
"What are you trying to say, Janniah?" Mariing sabi nito ngunit sa kalmadong paraan.
"W-What I am trying to say is that, I don't think we gonna work this out. I mean, I am not that ready for something new. You know, you and me together, I don't think I can---"
"Come on, Janniah, honey. I knew you better. At alam kong hindi mo 'to magagawa sa'tin." Anito saka muling ginagap ang kanyang mga palad. "I know that you are still stressed and depressed. What you've been through was so hard to cope up with. You are emotionally and physically stressed and I understand that." Pinaamo nito ang boses at pinagaan ang matalim na tingin. "At sa mga panahong kagaya nito ay mas kailangan mo ng kasama, karamay. And I am here, Janniah. Let's get married as soon as possible, kalimutan natin ang mga nangyari and let's comfort each other. I am sure to help you in any possible way that I can, honey. You don't have to say those things. Those are unnecessary. And I know that you don't mean it." He said in very convincing voice.
"Oh, Raphael, I want that, too. But things happened and it changed everything that was already planned. I don't think I can still make it. I don't think it is still what I want at this point of my life." She tried to be as calm as possible pero hindi niya napaghandaan ang mas lalong pagtalim ng tingin nito sa kanya. Ang mga mata nito'y animo handang magliyab ano mang oras.
"Bakit, Janniah, ha? Bakit? Sino ba'ng pinagmamalaki mo? 'Yung Clark na iyon? Hindi ka naman magkakaganyan kung hindi dahil sa walanghiyang lalaking iyon, 'diba?" Galit na galit na sabi nito sa kanya saka siya mariing hinawakan sa isang braso.
"T-This is not about him, Raphael. This was my personal choice. And I am hoping that you'll understand me. Please, Raphael, try to understand." Pakiusap niya sa binata habang napapangiwi.
He looks at her with so much disbelief in his eyes.
"Understand? You want me to understand you?" He sarcastically said. "Bakit ako ba naiintindihan mo? Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? Alam mo ba ang mangyayari sa'kin kapag itinuloy natin ang desisyon mo na 'yan?" Galit na galit na patuloy nito habang lalo pang dumidiin ang pagkakahawak sa kanyang braso.
"Well, I am so sorry, Raphael. I really am. We've done enough at hanggang dito na lang talaga tayo." Umiiyak na sabi niya saka sinapo ang mukha.
Nagbuntung-hininga ito. Marahas siya nitong binitawan. Sandali itong nanahimik na parang kinakalma ang sarili.
"You know what, for now, I'll forgive you. I will give you time to think things over. Kakalimutan ko'ng sinabi mo ang lahat ng 'yan. Babalik ako dito, babalikan kita. I will claim what's mine! We'll get married or if we're not, you'll regret things that would happen!" Mariing sabi nito saka siya tinalikuran at tuluyang nilisan.
Alam ni Janniah na isang banta ang binitawan ni Raphael sa kanya. At natatakot siya hindi lang para sa sarili niya ngunit higit lalo sa mga taong madadamay dahil sa kanya. Sa puntong iyon ay napahikbi siya. At ang hikbi niya ay naging malakas na iyak. Hanggang sa naging hagulgol.
Bakit ba kailangan pang mangyari ang lahat ng ito? Bakit ba kailangang ang simpleng buhay ay magkaroon ng komplikasyon?
Naramdaman niya ang pagkabig sa kanya ng kanyang ina at ang mahigpit na pagyakap nito sa kanya. Naramdaman niya rin ang paghaplos ng kuya niya sa kanyang likod.
"We'll get through this, Janniah. We'll get through this, baby." Pag-alo sa kanya ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Love Under Revenge
RomanceAraw ng pag-iisang dibdib nina Raphael at Janniah. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang may dumukot sa bride. Walang pagsidlan ang galit ni Janniah sa lalaki na nagpakilala bilang si Clark - na siyang pasimuno ng lahat ng kaguluhan...
