Chapter Fifteen

3.3K 42 4
                                    

Who's the Pathetic?

Naalimpungatan si Janniah dahil sa kung anong malamig na bagay na humahaplos sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata para lang mahindik sa nakakatakot na mukha ni Raphael. Animo'y isa itong demonyo sa pagkakangisi sa kanya.

"Good morning, honey." Bati nito sa kanya na ultimong ang boses nito'y parang kay Satanas.

Dali-dali siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kanyang kama habang hila-hila niya ng mahigpit ang kanyang makapal na kumot.

"What are you doing here, Raphael?" Sa kabila ng takot ay pinilit niyang magmukha pa ring matapang dito.

"I am here to check my property, honey. And I meant you." Sabi nito sa kanya.

"Come on, Raphael. I told you that we are done already! And that means I am no longer your property." Bulyaw niya rito.

Nagtagis ang mga bagang nito.

"Oh, you come on, Janniah! Ang Alejo na ba iyon ang bagong nagmamay-ari sa'yo?" Asik nito sa kanya saka padabog na tumayo mula sa kama. "Ano ba'ng sinabi sa'yo ng lintik na Clark na 'yon para tapusin mo ang relasyon natin ng gano'n-gano'n na lang, ha?" Mariing sabi nito na halos ikapugto ng mga ugat nito sa leeg.

"Anyway, Janniah, honey," muli itong lumapit sa kama at ipinanghaplos muli ang baril sa kanyang mukha. "hindi tayo aabot dito kung babawiin mo ang sinabi mo na tapusin na ang relasyon at na payag ka ng magpakasal ulit." Sabi nito habang nakapaskil sa mga labi ang ngiting aso.

"Para ano, Raphael? Para maging isa sa mga nabiktima mo? Na kapag naikasal na tayo ay papatayin mo rin ako para masolo mo ang mga bagay na magiging pagmamay-ari nating dalawa? Ganoon ba, Raphael, ha? Ganoon ba?" Nanggagalaiting tanong niya dito.

Naging lalong mas matalim ang tingin nito sa kanya at biglang naglaho ang ngiting asong nasa mga labi nito.

Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi gamit lamang ang isang kamao. Ramdam niya ang sakit sa panggigigil nito sa kanya.

"So, you think you knew everything, ha?" Matigas na sabi nito sa kanya. "How about Clark? How well do you know him?" Tanong nito saka pabalyang binitawan ang kanyang mukha. "Nabilog na ng lalaking iyon ang ulo mo at napaniwala kang ako lang ang masama? Pinalabas niyang malinis siya! Na banal siya, gano'n ba?" Gigil na pahayag nito.

Alam niyang hindi niya dapat paniwalaan ang mga sinasabi ni Raphael pero parang may iba sa mga pahiwatig nito. Parang ang mga sinasabi nito ay isang patuya. May laman ang mga talinghagang sinabi nito at hindi niya alam kung ano ang gusto nitong palabasin.

Umiling siya. Mali na maniwala siya sa isang kaaway.

Oo nga't hindi niya ganoon kakilala si Clark but she has all the time in the world to know him better especially if all these end. But how will she be able to do that if her life will be the first to end?

"Keep safe always, baby. I am not always on your side to protect you so promise me that you'll protect yourself for me" Naalala niyang paalala sa kanya ni Clark.

Matay man niyang isipin pero alam niyang kahit ubusin niya ang lakas dito gamit ang mga taekwondo moves niya ay hindi uubra lalo na kung sa isang putok lang ng baril ay tapos siya.

She could try but not now. It is better to move wisely.

"Nasaan si Mommy at kuya?" Nag-aalalang tanong niya dito.

Ngumisi si Raphael sa kanya bago dinaklot ang kanyang braso at halos kaladkarin siya palapit sa bintana.

"There they are, honey!" Anito sabay turo sa kinaroroonan ng kanyang kapatid at ina.

Nahintatakutan siya sa nakita!

"Honey, your brother has to dig six feet underground where I should lay your dead bodies. Imagine, hanggang kamatayan, magkakasama kayo. Ika nga, the family that stays together, dies together!" Bulong pa nito sa kanya saka humalakhak.

Naiiyak siya sa eksenang nakikita niya.

Ang kanyang ina ay nakagapos habang nakaupo sa lupa. Katabi nito ang isang may katabaang lalaki na ang baril ay nakaumang sa ulo ng kanyang ina. Ang kuya niya ay naghuhukay habang dalawang lalaki naman ang nakabantay dito at tutok din ng mga baril.

"Oh, God, Raphael! Why are you doing such thing?" Nanghihinang sabi niya saka tuluyang nang napaiyak. "Bakit Raphael, bakit? Bakit mo ginagawa 'to? Bakit?" Aniya saka sinapo ang mukha at dumausdos paupo. Umiyak siya ng umiyak. Hagulgol kung hagulgol. Hanggang sa may sumabay na ring hagulgol sa hagulgol niya.

Tumingala siya at nakita niyang nakayuko si Raphael sa mga palad nito at malakas na ring umiiyak.

"It's because of my mother, Janniah. My very own gold digger mother." Sabi nito ng marahil siguro ay maramdaman ang pagtigil niya. "My mother married my dad because of his wealth despite the fact that she doesn't have any feelings for him. For how many years, wala siyang ibang ginawa sa buhay kundi ang magpaganda, magsugal at manghuthot ng pera galing kay daddy. Ni kapirasong panahon ay hindi siya nag-aksayang tapunan kami. And what's even worst was when she had an affair to another man. Still, nagbulagbulagan si daddy. And it was already too late when we got the chance to know na aside sa panlalalaki ni mommy ay ang paunti-unti nitong paglipat ng mga assets ni daddy sa isang account kung saan ka-joint niya ang kanyang kabit. Daddy confronted her but to no avail. From there, she left us with nothing but heartaches, broken family and a cent." Kwento nito.

"So you see, Janniah. Kasalanan niyong mga babae kung bakit ako nagkaganito! My daddy died dahil sa sama ng loob at hindi man lang niya naranasang mahalin ng taong mahal niya. Partly, I am doing this for some sort of revenge for dad. At gusto kong maramdaman niyong mga babae kayo ang naramdaman namin ni dad. It was so painful, Janniah. It was so hard that until now, it still breaks my heart." Madamdaming pahayag nito saka muling umiyak.

Parang nakita niya ang isang batang paslit na Raphael. He went through a lot since he was a kid and today's Raphael is the product. Hindi madali ang dinanas nito kaya ito nagkakaganito.

Hinaplos ng awa ang kanyang puso. What Raphael needs is understanding. At sa mga pagkakataong iyon ay naintindihan niya ito. Nawala ang takot sa kanyang sistema at nangibabaw ang awa para rito.

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit dito. Nang tuluyan na siyang makalapit dito ay kinabig niya ang ulo nito saka ito niyakap. Yumakap din ito sa beywang niya.

"That's fine, Raphael, that's fine." Amo niya rito. "Let's leave all the things that happened to you in the past now. Let's face tomorrow. It's still not late, you know. I'll help you. I am just here." Sabi niya rito.

Mabilis siya nitong tiningala.

"Does that mean that we are going to pursue our wedding?" Parang batang sabi nito.

Love Under RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon