The Worst Nightmare
Alang-alala si Clark sa kalagayan ni Janniah. Bagaman naging matagumpay ang operasyon nito dahil sa pagkakabaril dito ni Raphael sa bandang tagiliran nito ay nananatili pa rin itong walang malay tao.
Hindi rin siya lubos na mapalagay sa mga bagay na nalaman ng dalaga mula kay Raphael. Alam niyang hindi niya maitatago habambuhay ang bagay na iyon tungkol sa pamilya niya at pamilya nito at hindi naman niya intensyong isekreto iyon ng mahabang panahon. Alam niyang mali na hindi niya agad ipinaalam sa dalaga ang tungkol kay Tiffany at sa pamilya niya.
Pero ano pa ba ang magagawa niya? All of his plans have changed the very first time he met Janniah. He noticed her vulnerability, innocence and the very simple Janniah. And through those things, he had a change of heart.
He had her family investigated the very first time he started planning things. Mula sa ina nito, sa kuya nito na siyang namamahala ng mga negosyo ng pamilya at kay Janniah.
Pero hindi totoong gumawa siya ng hakbang para paibigin ito at makaganti kay Raphael sa pagpapaibig nito kay Tiffany. Nagkataon lang na noong pinaplano na niya ang paghihiganti sana sa pamilya ng dalaga ay nalaman niyang may ugnayan nga si Janniah kay Raphael. He knew Raphael very well. At hindi niya maaatim na balewalain ang alam niyang pinaplano ni Raphael sa oras na maikasal na ang mga ito.
At nang nagkaroon nga siya ng pagkakataong makilala si Janniah ay doon niya lalong sinigurado sa sarili niya na iingatan niya ang dalaga. Hindi niya hahayaang matulad ang kapalaran nito sa sinapit ni Tiffany.
And he is no longer pretending to be her hero. Lahat ng ipinakita niya sa dalaga ay totoo. Lahat ng binitawan niyang salita sa dalaga ay totoo. Handa siyang gawin ang lahat mapatawad lang siya ni Janniah. And from that, he would fulfill his promises to her.
Hawak-hawak niya ang kamay ng dalaga nang pumasok ang Kuya Jannus nito kasama ang ina nito na nakaupo sa wheelchair.
"How's my baby?" Maluha-luhang tanong ni ginang Janice habang inilalapit ito ni Jannus sa gilid ni Janniah.
"I told you, Ma, she's doing well. The operation's successful." Pakonswelong sabi ni Jannus sa ina.
Nanatili namang nakatunghay si Janice sa anak habang mahinang umiiyak.
"Don't worry too much, Ma. Makakasama sa'yo." Paalala ni Jannus sa ina.
Pinahid naman ng ginang ang mga luha saka hinawakan ang mga kamay ng anak.
"Get well, my baby. We're just here for you." Emosyonal na sabi ng ginang dito saka bumaling kay Clark. "Thank you, Clark. I know that you did all your best to protect Janniah and I appreciate that." Punung-puno ng sinseridad ang boses nito.
Sandali siyang bumaling kay Jannus at nakitaan niya rin ng sinseridad ang mukha nito bago niya sinagot ang ginang.
"I love your daughter, Ma'am. Since when, I am uncertain. But all I know is that I am willing to protect her no matter what happens." He honestly said.
Umabot ang saya sa mga mata ng ginang ng ngumiti ito.
"I'll count on that, hijo!" Babala ng ginang sa kanya.
"Makakaasa po kayo, Ma'am." Nakangiting sagot niya rito.
"Janniah... Janniah..." Paulit ulit na naririnig ni Janniah ang pagtawag na iyon sa kanya ng isang pamilyar na boses. Pero kahit saan siya lumingon ay wala siyang makitang tao.
BINABASA MO ANG
Love Under Revenge
RomanceAraw ng pag-iisang dibdib nina Raphael at Janniah. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang may dumukot sa bride. Walang pagsidlan ang galit ni Janniah sa lalaki na nagpakilala bilang si Clark - na siyang pasimuno ng lahat ng kaguluhan...
