The Revelation
Hindi pa rin lubos maisip ni Janniah kung ano ba talaga ang pakay sa kanya ng misteryosong Clark na iyon. Pasado alas-diyes na ng gabi at hindi pa siya makatulog. Kaninang mga bandang alas-kuwatro ng hapon ay nakadaong na sila sa sinasabi nitong pribadong isla na hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas.
Kasalukuyan siyang nasa sala ng mala-mansion na bahay ni Clark sa islang iyon. Maganda ang pagkakagawa sa bahay at matibay ang pundasyon ng istruktura. Nilibot niya ang paningin sa mga gamit na nakadisplay sa paligid ng sala. Mula sa higanteng chandelier, isang grand organ sa sulok ng bahay, mga naglalakihang paso sa iba't ibang parte ng bahay at mga paintings na hindi pangkaraniwan ang laki kung kaya naman nasisigurado niyang hindi rin pangkaraniwan ang halaga.
This certain Clark is filthy rich.
Sino ba'ng mag-aakala na ang isang kidnapper na gaya nito ay may sariling yate, sariling isla at mala-mansion na bahay? And was it helipad that she saw earlier?
This Clark is something. He intrigues the hell out of her. And this mysterious guy is keeping her sanity away.
Kailangan na niyang malaman ang kasagutan sa mga tanong niya kung nais niyang manatili ang katinuan sa kanya. Kailangan na niyang alamin kung ano talaga ang plano ni Clark sa kanya. At sinisigurado niyang ito na ang tamang panahon para malaman niya ang mga bagay na bumabagabag sa kanya.
"Hey, sweet!" Narinig ni Janniah na tawag sa kanya Clark.
Nilingon niya ang binata. Hindi niya namalayan ang pagbaba nito. Naging abala kasi siya sa pagtingin sa pinta ng isang sikat na pintor. Ang iginuhit nito ay isang babaeng payapang natutulog sa malaking dahon sa ibabaw ng tubig.
At bigla ay parang kinailangan niya ng tubig nang masilayan ang hitsura ng lalaki.
Nakasuot ito ng isang asul na pajama at puting sando na humahapit sa katawan nito. Napalunok siya. Ngayon, alam na din niya na may epekto din ang lalaki sa kanya.
"Still awake? Can't sleep?" Tanong nito habang pababa pa rin ng hagdan.
"I want us to talk, Clark. I want you to tell me everything." Halos lumabas na nagmamakaawa siya sa binata.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Clark.
"I don't think this is the right time to tell you everything, Janniah." Daing ng lalaki.
Napakunot ng noo si Janniah sa tinuran ni Clark.
"So, when will be the right time, Clark, huh? You tell me! When is the right time?" Matigas niyang sabi kay Clark.
Umiling ang binata ang nag-iwas ng tingin.
"I don't think you're ready for this, sugar!" Anito pa sa kanya.
"Don't underestimate me, Clark. I am ready for this! In fact, I am more than ready about this the very first moment that you started ruining my life!" Galit niyang bulyaw dito. "These past few days were the worst days of my life. You messed up everything, Clark! And after I knew everything, I want you out of my life!" She emotionally said dahil parang pinupunit ang puso niya habang sinasabi iyon sa binata.
Binalingan siya nito at nakapaloob sa mga mata nito ang sakit? Did sadness really crossed his eyes? But why? What was sadness for? Then sadness turned to hurt. He looks hurt.
Humugot ito ng malalim na paghinga bago nagsalita sa kanya.
"Compose yourself then, Janniah, as you follow me to the library." He seriously said before turning his back on her. Sumunod naman siya sa binata sa kabila ng halo-halong emosyon na nadarama niya ng mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
Love Under Revenge
RomanceAraw ng pag-iisang dibdib nina Raphael at Janniah. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang may dumukot sa bride. Walang pagsidlan ang galit ni Janniah sa lalaki na nagpakilala bilang si Clark - na siyang pasimuno ng lahat ng kaguluhan...