Chapter Fourteen

3.3K 47 5
                                    

Lovebirds Without Nest

Matapos ang eksenang iyon sa pagitan ni Janniah at Raphael ay ilang araw nang balisa ang dalaga. Alam niyang isang pagbabanta ang sinabing iyon ni Raphael sa kanya. Gayunpaman, hindi naman nawala sa kanyang tabi ang kanyang ina at kuya. Nakaalalay din sa kanya si Clark.

Sinubukan nilang mamasyal ni Clark sa isang mall. Nanood sila ng sine at kasalukuyang nasa parke ng mga rides sa likod din ng mall na iyon. Nakaupo sila sa isa sa mga upuang naroroon. Nakaakbay ito sa kanya habang siya ay nakahilig sa balikat nito. Hawak din ng binata ang kanyang kamay.

Niyayaya siya ng binata na sumakay sa mga rides ngunit mariin siyang tumatanggi. Ayaw niyang lubusang magsaya dahil kapalit ng matinding kasiyahan ay matindi ring kalungkutan.

Isa pa, duda siya kung talagang tuluyang mananahimik si Raphael. Maaaring sa ngayon ay hindi siya nito gagalawin pero ano naman ang malay niya sa nga susunod na araw? Iniisip pa lang niya ay talagang nilulukob na siya ng matinding takot.

"Janniah," narinig niyang tawag sa kanya ni Clark.

"Hmmm..." Tugon niya na hindi inaalis ang pagkakahilig ng ulo sa balikat nito.

Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang ulo dahilan upang mapangiti siya.

"Keep safe always, baby." Malamyos na sabi nito.

Umupo siya ng maayos saka ito hinarap.

"I am not always on your side to protect you. Promise me that you'll protect yourself all the time." Masuyong dagdag nito.

"Promise po." Animo'y batang sabi niya.

"Good!" Anito saka siya hinawakan sa baba. "Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa'yo. At hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko kapag nawala ka sa'kin." Malambing na pahayag nito.

"Aren't we being cheesy here?" Idinaan niya sa biro ang kilig na nararamdaman.

"Look at you. Nakukuha mo pa 'kong asarin." Kunwa'y pagtatampo nito saka tumayo.

Ngumiti siya saka tumayo. Hinarap niya ito saka ikinawit ang mga braso sa batok ng binata.

"Things that I like about you - you're sweet and you're cute!" Nagpapacute na sabi niya.

Hinapit naman siya ng binata sa kanyang beywang.

"The thing that I like about you - you're bully!" Ganti ni Clark sa kanya.

Nagsadface si Janniah.

"We're click, aren't we? Bagay na bagay." Dagdag pa ng binata sa kanya.

Click? Biglang napaisip si Janniah. Ano nga ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Clark? Yes, Clark used to endear her but he never told her about his true feelings. Ramdam ni Janniah that they have feelings that is mutual. Their gestures show mutual understanding. Iyon nga lang, the relationship that they had still has no label.

Of course, Janniah knew where to stand and place herself. But she can't stop her heart by falling in love with this man who is the same time her saviour. She's loving him every single day without even thinking the possible effects of her move.

"Hey, babe, natulala ka na riyan." Untag sa kanya ng binata.

Tinignan niya si Clark mata sa mata. Pilit niyang inaarok ang laman ng isipan nito sa mga sandaling iyon. Mababakas naman sa mga mata nito ang kasiyahan. There is fondness written in his eyes and his face reflects it.

Marahil sapat na sa ngayon ang makita sa mga mata nito ang kasiyahan habang kasama niya ito. The fondness that she saw in his eyes is not scripted. Infact, she really feels it. Sa ngayon, makokontento na muna siya sa kung anong mayroon sila. Afterall, they have all the time in the world kapag natapos na ang lahat ng pinagdadaanan nila.

"Your stares tell me that you are thinking of something. Mind to share it with me?" Kunot ang noo'ng sabi nito.

"Nah, just kiss me..." aniya sa binata.

And kiss he did. A deep, breathtaking kiss.

"Oh, sugar! You bewitched me. You never knew how much I want each and every inch of you." Sabi ni Clark sa kanya matapos ang makapugtong hiningang halik na pinagsaluhan nila. "We'll fix all these mess the soonest possible so we can also fix ourselves." Dagdag nito saka siya hinalikan sa noo.

"And I can't wait for that to happen." She honestly said.

Bumitiw ito sa kanya saka hinawakan ang kanyang kamay. They walk together with intertwined fingers.

"I'm about to lose my patience, sweetie. Hindi na ko makapaghintay para sa limang anak natin." Anito.

"Whoah! Gusto mo lang yata akong anakan, Alejo!" Aniya na parang batang nagmamaktol. Bumitaw pa siya sa pagkakahawak dito.

Mabilis naman siyang nilapitan ni Clark at agad sinapo ang kanyang mukha.

"I've so many plans for you, babe." Amuse na sabi ng binata sa kanya. "Like to treat you as my queen, to serve you all my life at suyuin ka sa tuwing may toyo ka kagaya na lang ngayon." Pinisil-pisil pa nito ang magkabilang pisngi niya. Pero hindi siya nagpadala sa sweet gestures nito. Nanatili siyang nakasad face.

"One more thing I like about you, " pabitin nito. "you are not just a bully but a pabebe." Dagdag nito.

Ngumuso siya na mabilis namang nanakawan ng halik ng hudyo.

"And since you are a pabebe, let me carry you." Anito saka siya dali-daling binuhat dahilan para mapatili siya. Ikinawit niya ang mga braso sa batok nito. Napapantastikuhan pa siyang nakatingin dito na para bang ang gaan-gaan lang niya para dito.

"Baka malusaw ako niyan, sugar." Hirit nito sabay kindat sa kanya. "Alam kong gwapo ako, pero huwag mo 'kong pakatitigan kasi baka mawala ako bigla dito at mahulog ka." Dagdag na hirit pa nito.

"Hmmmppp, yabang!" Sabi niya sabay irap dito.

Nang nasa tapat na sila ng sasakyan ng binata ay ibinaba na siya nito. Pero imbes na buksan na nito ang pinto ng kotse ay hinawakan nito ang isa niyang kamay at ang libre nitong kamay ay ipinanghaplos sa kanyang pisngi.

"I am looking forward to more kulitan moments with you, my love. So, hold still. We'll get through all these and after that, we have all the time in the world to live happily." Sinserong sabi nito sa kanya saka siya masuyong hinalikan sa labi.

Love Under RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon