Hail 1 (Prologue): A Game?

758 19 2
                                    

"Say Cheese!"

Napakurap naman ako nang maramdamang may nag-flash ng camera sa aking mukha. Nang tingnan ko ang taong iyon ay gulat at pagtataka nalang ang biglang rumehistro sa buong mukha ko.

There's a woman, standing in front of me, looking at her camera with a sad expression. "Awh! Hindi ka naman ngumingiti Frostaline eh." nakasimangot na saad niya saka tumingin sa akin.

My eyes automatically widen when I saw how she stared at me. It's like we've known each other for years or something.

And what did she called me? Frostaline? What the heck?! No one dared to call me by my second name but she did it. Pwede namang Lethizia nalang o kaya Zia pero bakit Frostaline pa? Argh! I really hate my second name.

"Huy, Frostaline!". I snapped back my conciousness when I heard this beautiful woman in front of me citing my second name. Again. "Nakikinig ka ba sa akin?"

"A-ano nga ulit 'yun?" nauutal na sambit ko saka napakamot sa batok. Geez! This is embarassing.

Talking to a strangers? Ain't my type.

"Sabi ko halika na. Baka mahuli pa tayo sa klase natin! Mapagalitan na naman tayo ni Mistress Grey. Bilisan mo!" aniya saka ako hinila patakbo sa hallway sa kung saan man kami ngayon.

To be honest, I really don't know what to do. Hindi ko alam kung nasaan ako. I didn't even know who's this woman grabbing my wrist and that Mistress Grey of them. I really don't know what's happening. Namalayan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa harap ng babaeng 'to na may dalang camera at kinuhanan ako ng litrato.

Argh! Ano ba 'tong napasukan ko?!

Ilang sandali pa kaming naglakad kasama ang babaeng 'to nang bigla kaming huminto sa tapat ng isang malaking kulay kayumanggi na pintuan. Napatingala pa ako sa laki dahil mukhang kakasya rito ang isang higante kung dadaan man.

"We're here." rinig kong sambit ng babae dahilan upang tingnan ko ang nasa harapan.

Laking gulat ko nalang nang makita ang pagbukas ng malaking pinto sa aking harapan kasabay ang pagsalubong sa akin ng mga taong naka-uniporme. Lahat sila'y napatingin sa amin.

"Atticus and Turner! You're late." rinig kong sigaw ng isang babae. At kung hindi ako nagkakamali, siya na ata si Mistress Grey.

"Paumanhin, Mistress Grey. Hindi na po namin uulitin sa susunod." rinig ko namang ani ng babaeng katabi konkaya napatingin ako sa kaniya. Nakayuko siya't nagbibigay galang sa babaeng 'yun na mukhang fan ni Harry Potter at nakasuot ng costume na kagaya nila ni Hermione.

"Psst!" napakurap naman ako nang sandali bago tingnan ang babaeng katabi ko. Sinenyasan niya akong yumuko rin upang magbigay galang sa matanda.

Napairap pa ako sa kawalan at bagsak balikat na yumuko sa matandang 'yun upang magbigay galang.

Ilang sandali pa kaming nasa gano'ng posisyon nang bigla kaming pinaupo ng Mistress Grey na 'yun. At ito na naman ang babaeng katabi ko'y hinila na naman ang wrist ko.

"Hoy, Scarlett!" rinig kong bulong ng isang lalake dahilan upang mapalingon ako sa gawi nito. Kausap niya yung babaeng humila sa akin. "Disqualified kayo mamaya."

Nanlaki naman ang mata ni Scarlett nang marinig ang sinabi ng lalake. "Disqualified?! Pumasok naman kami sa classroom on time ah."

"Na-uh." tugon pa ng lalake saka itinuro ang relo niya. "You are 5 seconds late." dagdag pa ng lalake dahilan upang kumunot ang noo ko.

"Five seconds? Dzuh! Napansin mo pa 'yun? Josh, it's just seconds. Bakit kailangang disqualified?!" inis na tanong pa ni Scarlett sa kaniya ngunit wala siyang pakealam dito.

"Walang excuses dito, Miss Turner. You're late, and that means you're disqualified." walang ganang sambit pa ni Josh.

Akmang tatalikod na siya kay Scarlett nun nang bigla ko siyang pigilan. "Five seconds is not a big deal. Unless," sambit ko pa dahilan upang mapatingin sila sa akin nang nakakunot ang noo. "Unless Josh's in love with Scarlett or he hates her." I added, smirking.

Kita ko pa ang paglaki ng mata ni Scarlett dahil sa gulat habang si Josh naman ay hindi maipinta ang mukha na nagsasabing nabisto ko siya.

"That's nonsense! I ain't in love with that stupid woman beside you." sigaw pa niya dahilan upang mapatingin ako kay Mistress Grey. Ngunit wala siya do'n.

Buti nalang.

Tiningnan ko ulit si Josh saka siya nginitian. "Oh, eh bakit defensive ka? I'm just stating my opinion, though. Bakit nag-burst out ka?" pang-aasar ko pa sa kaniya.

"That's unbelievable, Frostaline! Kasi alam naman natin na sa simula palang ay hindi ako ang gusto niya." bigla namang singit ni Scarlett kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya.

"Whatever." natanging sambit ko saka umirap bago manahimik sa tabi nila.

"Tsk! Nevermind, Turner. Papalampasin na muna kita ngayon. Pero sa susunod na ma-late ka, kahit isang segundo lang, disqualified ka na." rinig kong ani ni Josh bago ko siya makitang umalis through my peripheral vision.

"Nye, nye! Whatever." I heard Scarlett mimicked which made me smile for a moment.

Nasa gano'n akong posisyon nang dumating na si Mistress Grey at nagsimulang mag-discuss. Pero biglang nagkanda-buhol buhol ang utak ko nang mamalayang wala akong naintindihan sa tinuturo niya.

Ranges? Elements? Abilities? and Pets? What are those? Wala pa siyang sinabing anong subject 'to at basta-basta nalang siyang nagturo. Argh! Hindi ko pa nga alam kung nasa'n ako, dadagdag pa 'tong mga lesson ng gurong mukhang avid fan ng Harry Potter. Tsk!

Hanggang sa natapos ang klase'y lutang parin ang ulo ko sa sobrang dami ng sinabi niya na hindi ko maintindihan. Ni hindi ko na nga namalayang nakalabas na pala kami ni Scarlett sa silid na 'yun.

"Huy, Frostaline!" rinig kong tawag sa akin ni Scarlett dahilan para bumalik ako sa huwistyo. "Anong nangyari sa'yo? Kanina ka pa wala sa huwistyo ah." aniya saka ako binigyan ng kutsara. "Oh, kumain ka na. Para naman may lakas ka para mamaya."

While she's eating, hindi ko naman mapigilang mapasimangot. Nilalaro ko pa ang pagkaing nasa harapan ko bago luminga sa paligid. That's the time when I noticed that we were at the cafeteria.

"Oh? Anong tinutunga-tunganga mo d'yan?" I heard Scareltt muttered again. Napatingin ako sa gawi niya. "Kain ka na. Baka lumamig ang pagkain."

"Nasa'n ba ako Scar?" nagtatakang tanong ko sa kaniya dahilan para matigilan siya.

Gulat siyang napatingin sa akin saka nagtaka. "Anong ibig mong sabihin? Nasa Academy ka lang, Frostaline." kunot-noong sagot nito sa akin dahilan upang gayahin ko ang ekspresyon niya.

"A-ano ba yung tinuro ni Mistress Grey kanina? Yung r-ranges, abilities, and such?" tanong ko ulit rito. Ilang saglit pa'y biglang nanlaki na naman ang mata nito sa gulat.

"Oh my God. The new player has awaken." rinig kong bulong pa niya dahilan upang magtaka ako. "A-ano ba ang totoong pangalan mo?"

"Lethizia Frostaline Atticus." tugon ko naman sa kaniya kaya napatulala ito.

"Lethizia, you're in a game." gulat na sambit ni Scarlett sa akin dahilan upang manlaki ang mga mata ko.

I'm in what?

A Game?!

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon