Hail 21: No Way Out

45 2 0
                                    

When I started to open my eyes, shock immediately registered in my face as I’ve seen the beauty of nature from where I am.

Nandito ako sa may lawa na kung saan may isang tulay na gawa sa kahoy. May mga punong naglalakihan sa paligid ko habang dinig na dinig ko ang bawat agos ng ilog at ang mga huni ng ibon. The scene was perfect! Para lang akong nasa survival game ng Hailing Throne.

Tiningnan ko ulit ang tulay tsaka humakbang ng isang beses. But I instantly froze from where I stood nang makita ko ang biglaang pagyelo ng natapakan kong kahoy.

Iniangat ko muli ang aking paa tsaka dumapa para tiningnan ang nagyelong kahoy. Gano’n nalang ang paglaki ng mata ko sa gulat nang makitang isa ‘yong uri ng yelo na mahirap tunawin.

Tumayo agad ako mula sa pagkakadapa tsaka tiningnan ang paligid. The humming of birds are nowhere to be found. The deafening silence makes me terrified. I know there is something wrong happening here.

Agad ko namang kinuha ang shuriken sa bulsa ko tsaka hinanda sa pag-atake. Inobserbahan ko ang paligid hinahanda ang sarili sa magiging laban. Then I remind myself that this game is a collaboration between two system. Dalawa na ang goal ko ngayon.

I need to survive and find the map to the game master’s lair.

Ilang sandali pa’y bigla kong maramdaman na may gumalaw sa lupa kaya dali-dali akong tumalon palayo sa kinatatayuan ko at umatras.

And here we go with the icy footsteps.

Nakapagtataka lang na kung saan ako nakatayo ngayon ay may yelong umaaligid sa aking paanan. And it really forms an ice spikes around my foot dahilan upang kumunot ang noo ko.

But the sudden confusedness immediately vanished in my whole expression when I saw something through my peripheral vision. Napatingin ako roon at gayon nalang ang paglaki ng mata ko nang makita ang isang halaman na may bibig.

I looked above its red HP bar at nalaman kong isa ‘yong ‘Chomper’. Isang halaman na nangangain ng kung ano at singlaki ng isang puno ng acacia. Napapatingala nalang ako sa laki nito habang tinitingnan ang bibig niyang may matatalas na ngipin. I admit na nakakatakot itong tingnan.

Dahil sa pangamba ko ay bigla kong naitapon sa may stem nito ang  shuriken na hawak ko dahilan upang mangisay siya sa sakit at tumilapon ako palayo.

Bumangon ulit ako mula sa pagkakatumba tsaka hinarap ang chomper. But my eyes couldn’t concentrate from the monster itself. Nahahati ang atensyon ko sa halimaw at sa lupang tinatapakan ko na nagyeyelo. I still didn’t know what’s behind these stomps bakit nagyeyelo ang bawat matapakan ko.

Before I avert my gaze upon the monster ay bigla ko nalang namalayan na kinain na pala ako nito. I even heard the monster gulped matapos niya akong kainin dahilan upang ngumiwi ako.

Chomper is a type of plant which has a mouth who looks like a flower to decieve its prey. Kapag natapakan mo ang bibig niya ay didiretso ka sa tiyan nito bilang isang pagkain. And then here I am, inside this plant’s stomach.

Nagakapagtataka lang na wala siyang digestive system sa katawan niya para ma-process ang kinain nito. Nandito ako sa bandang stem ng halaman at naiipit na animo’y isang buto ng beans.

Tsk! Kung makakaya ko lang kunin ang dagger ko'y kanina ko pa ‘to hinati eh! Pero hindi ko talaga maigalaw ang kamay ko dahil sa sobrang kitid ng stem niya.

Sinubukan kong igalaw ang buo kong katawan at nagbabakasakaling iluwa ako ng halimaw pero wala. Napa-sipa nalang ako ng paa dahil sa inis nang bigla ko na namang maramdaman ang pagyeyelo ng natapakan ko. And it is making a freezing sound under my feet.

Bigla nalang akong natigilan nang marinig na humihiyaw ang halimaw. When I started to stomp my feet again ay bigla nalang niya akong iniluwa dahilan upang lumagkit ang katawan ko sa laway niya.

Agad kong kinuha ang baril ko at agad na inasinta ‘yon sa stem ng halimaw. Tinira ko ang bandang ‘yon ng halimaw hanggang sa maputol ito but my ammos are not enough to cut the stem out of its body!

Kinuha ko na naman ang sniper ko tsaka pinaulanan iyon ng bala. That‘s the time when the monster has been divided into two.

Ilang saglit pa matapos ‘yon ay biglang may lumabas naman na screen sa harap ko. And I was so shocked when I saw that I recieved the map to the game master’s lair! Ngayon ay may rason na ako para ipagpatuloy ang laro.

Agad ko namang pinindot ang menu ng screen ko tsaka hinanap ang log out button. But I see none.

Sinubukan kong tipahin ang bawat button na makita ko at hinanap ang log out. Pero wala talaga!

Argh! Don’t tell me that this is the defect? Tsk! Sabi ko na nga ba’t may mali rito eh. Paano na ako aalis sa game na ito?!

The game has no way out!

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon