Matapos ang laro ay dumiretso kami nina Scarlett sa cafeteria para mag-celebrate. Pinaalala rin kasi ni Kaito sa akin ang ice cream niya kaninang madaling-araw dahil dun sa pag-asinta ko sa ulo niya. So I have no other choice but to treat them. Pero pera ni Scar ang gagamitin ko. Hehe!
“Grabe ka Letty! Ang galing mo talaga!” rinig ko pang ani ni Blake dahilan upang mapangiti ako. “Biruin mo naman oh, natalo mo si Fire?!”
“Shhh! Huwag kang maingay, Blake. Baka malaman pa nila sino si Letlet!” pabulong na saway naman ni Drake sa kambal niya. Napahagikhik naman si Harisson sa kanila.
“Oo nga naman, Blake. Napasobra ang daldal mo eh!” ani pa ni Harisson dahilan upang mapanguso si Blake.
“Grabe kayo! Minsan lang naman.” salubong na kilay na ani pa ni Blake kaya natawa kami ni Scar. Si Kaito naman sa tabi ko’y, nakikinig lang.
Akmang magsasalita na sana ako nang bigla nalang kaming may narinig mula sa speaker na nakalagay sa buong Academy. Napatingin kami rito tsaka nakinig.
“Calling the attention of Miss Atticus, please proceed to the Headmaster’s Office.” rinig ko pang sambit ng isang babae sa speaker kaya kumunot ang noo ko.
Ano naman kaya ang nagawa ko?!
As far as I’ve observed, wala naman akong nagawang mali sa Academy maliban dun sa pagsigaw ko kay Josh dahil sa ginawa niya. And other than that, wala na. So bakit ako tatawagin ng headmaster?
“Hala siya!” rinig kong bulyaw ni Drake dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. “Kapag nagkataon na pumunta ro’n si Letlet, baka siya ang pinakaunang makakita sa totoong anyo ni Headmaster Reign.” ani pa niya na siyang tinanguan naman ng mga ka-grupo namin.
Hindi ko naman napigilang mapakunot-noo.
“Anong ibig mong sabihin, Drake?” tanong ko pa kaya napatingin silang lahat sa akin. “Sino si Headmaster Reign?”
Lahat sila’y hindi nagsalita. Nanatili lang silang nakatitig sa akin kaya naman sumingit na agad si Scar. “Alam mo Zia, mamaya nalang natin pag-usapan ‘yan, okay? Tinatawag ka na ng Headmaster oh! Baka magalit pa ‘yun.” ani pa nito na siyang tinanguan ko lang.
“Hindi niyo ‘ko sasamahan?” tanong ko ngunit lahat sila’y umiling lang. “Hindi ko alam ang daan.”
“May pixie naman kasing naghihintay sa’yo sa labas ng cafeteria na ‘to.” sambit pa ni Kaito kaya napanguso ako saka tumingin sa may pintuan. But I see nothing. “Lilitaw lang ‘yon kapag nasa labas ka na. Sila ang magtuturo sa’yo ng daan.”
“Masyado kasing hidden si Headmaster Reign at wala pa maski isa ang nakaka-alam kung saan ang office niya.” dagdag pa ni Harisson kaya bumagsak na talaga ang mga balikat ko. “Pumunta ka na ro’n. Maghihintay nalang kami sa’yo ro’n sa dorm pagkatapos ng laro.”
Instead of talking back, tumalikod nalang ako at umalis sa cafeteria. For sure kapag kakausapin ko pa sila ay maraming oras ang mababawas sa akin. Medyo may pagka-madaldal pa naman sila.
Saktong-sakto nung paglabas ko’y biglang kumitaw sa aking harapan ang isang mumunting ilaw na mukhang alitaptap sa sobrang liit. Lumipad ito papunta sa hallway kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod.
This is the first time in my life that I will be called in the office. At ito lang rin ang panahon kung kailan ako nakakita ng totoong pixie. ‘Cause as far as I’ve remembered, whenever my Dad and my Grandpa talks about fairies and pixies ay sadyang hindi ako naniniwala. Bata palang kasi ako ay inere-realize ko na ang kaibahan ng fantasy at real world sa aking utak. Hindi rin naman nila ako pinilit dahil maski si Mama ay hindi naniniwala sa mga mukhang alitaptap na ‘to.
I snapped back my conciousness when I saw the pixie suddenly disappear in the middle of nowhere. Napatingin ako sa paligid, hoping that my little companion’s still there. But I see none.
Nang ibaling ko ang atensyon sa aking harapan ay nakita ko ang isang katamtamang laki ng pintuan. Kulay Itim ito at walang makikitang kahit anong disenyo ‘di kagaya ng ibang pinto. At dahil sa ayaw ko namang magmukhang tanga na nakatayo rito’y binuksan ko ang pintuan tsaka pumasok.
Kakapasok ko pa lang sa loob ay napa-awang na ang bibig ko sa ganda. Lahat ng kagamitan dito’y mga antique. May sofa sa may kanan habang mga book shelves naman ang nasa kaliwa. The red walls have been decorated by different kinds of painting habang nasa harapan ko ang isang table. Sa likod naman no’n ay ang fireplace ng silid. The tiles are purely made of granite crystals na ‘di ko aakalaing mage-exist sa Academy na ito.
They’re freakin’ rich!
Nasa gano’ng posisyon ako nang biglang may lumitaw na isang matandang lalake at naka-upo sa swivel chair kaharap ng mesa na nasa aking harapan dahilan upang mapa-igtad ako sa gulat. Ngumiti pa siya sa akin na siyang nakapag-pakunot ng noo ko sa pagtataka.
“Hindi ka ba nangangalay sa kakatayo r’yan, Miss Atticus?” tanong pa nito na nakapagpataas ng kilay ko. Pero hindi ako sumagot. “Umupo ka.” dagdag pa niya saka tinuro ang sofa na nasa bandang kanan ko.
Wala naman akong choice kun’di ang umupo nalang.
May katandaan na ang lalakeng kaharap ko. Mahaba na ang puting bigote niya at medyo mataba na rin. Halos nakikita ko na rin ang wrinkles sa buong mukha niya pero nagawa pa nitong magsalita at ngumiti na parang isang normal na teenager lang. Paano niya nagagawa ‘yun?
“Done checking my whole appearance?” tanong pa niya na siyang nakapagpalaki ng mata ko sa gulat. Siya naman ay ngumisi lang. “Miss Atticus, tinawag kita upang sabihin sa’yong may bago kaming teknolohiyang ginawa upang i-upgrade ang laro ng Academy. At gusto naming ikaw ang sumubok nito sapagkat ikaw ang nakatalo kay Fire sa game.”
“Ako? Eh bakit hindi nalang si Fire ang piliin niyo?” biglang sambit ko pa nang may pagtataka. Magaling rin naman si Fire ah!
“At first, gusto naming si Fire ang maging tester namin. But he is so prideful!” paliwanag pa nito at nanatili lang na nakakunot ang noo ko habang nakikinig. “Simula nung nakita ko ang laro niyo ni Fire kanina ay doon kita nakitaan ng potensyal. You are worthy for my test dahil nakikita ko sa laro mo ang pag-aalala mo sa mga teammates mo.”
Hindi ko naman napigilang mapa-buntong hininga. Hindi ko kailanman pinangarap ang gan’to. I just want a peaceful life together with my own friends. At ano raw? Tester? Paano kung may kumplikasyon? What will happen about me in that game? There’s a big possibility na baka hindi na ako makabalas gaya ng laro ko these previous times.
“Ayoko po.” natatanging sambit ko pa which made his brows met in an instant. “Being part of your test is a big honor, indeed.” paliwanag ko pa saka bumuntong-hininga ulit. “But I won't waste my time trying that kind of game. May laro rin po kasi kami ng teammates ko sa Academy. Baka hanapin nila ako.” dagdag ko pa saka tumayo. “Excuse me po. Aalis na po ako.”
Akmang tatalikod na sana ako upang lumabas ng silid nang bigla kong marinig ang matanda na nagsalita. “I will allow you to deny my offer but I can’t promise you not to spread your real name in this Academy, Miss Lethizia.”
Natigilan ako nang marinig ko ang aking pangalan. Who is he? Bakit niya alam ang totoong pangalan ko?
“I will give you a day to decide. Susundan kita ng track. Kapag nakapag-isip ka na, sabihin mo lang sa akin.” huling sambit nito saka ako napabuntong-hininga bago lumabas ng silid.
What will I do?!
BINABASA MO ANG
Hailing Throne
FantasyUNEDITED Completed Isang kwento ng babaeng napadpad sa lugar na hindi niya inaasahan. Lugar kung saan masusubok ang kaniyang katatagan sa pakikipaglaban sa mga problema. P.S. Typos and Grammatical Errors Ahead!