Hail 14: Forgiven

54 2 0
                                    

“Waah! Buhay pa ‘ko!” rinig kong sigaw ni Drake dahilan upang mapatingin ako sa gawi niya. Kasalukuyan kaming nanalo sa laro kaya’t heto sila at nagpepyiestahan sa tuwa.

“Buti nalang dumating si Ice. Kasi kung hindi, malamang kanina pa tayo tinalo ni Fire.” nakangiting ani naman ni Harisson sa akin dahilan upang matawa ako.

“Actually, hindi talaga sana ako pupunta rito eh. But Alexis insisted to let me join the game. Mawawala raw kasi siya ng three days.” paliwanag ko sa kanila saka napaupo sa may bato. “I was about to spend time with him sana ngayon. For sure mamimiss ko siya.”

“Uyy, si Ice umiibig!” rinig kong ani ni Blake kaya napatingin ako sa kaniya. There he goes with his teasing tone again. “Huwag kang padala sa mga lalake Ice. Karamihan kasi sa amin, mapanakit!”

“Sinasabi mo rin naman na hindi lahat.” nakangiting tugon ko pa sa kaniya saka tumingala sa langit. “So I expect na hindi ganun si Alexis sa akin. Tsaka crush lang naman eh!” ani ko pa saka sila tiningnan.

Pero lahat sila, tinutukso ako sa tingin.

I don’t know why but there’s a part of me na kinukilig sa ginagawa nila. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ako nagkagusto kay Alexis. Maybe because he’s handsome than the ordinary Headmasters na makikita sa TV? Ewan. Maraming characteristics ni Alexis na pwedeng magustuhan ko. Pero ayokong ipakita. ‘Cause I don’t want to ruin what’s between us.

“Hay naku! Mag-log out na nga tayo. Itong si Ice kasi eh! Namumula na sa kilig.” rinig ko pang sambit ni Scar kaya bumalik ako sa huwistyo. Then I found all of them laughing bago nag-log out.

Namumula ba talaga ako? I asked myself. But how? This is just a game so paano? dagdag ko pa saka ipinilig ang ulo. Grr! Maybe paranoid lang ako.

Agad kong ini-swipe down ang right hand ko tsaka pinindot ang log out button. Nang makabalik na ako sa Academy ay bumungad naman agad sa akin ang mga mapanuksong tingin nila sa akin.

“Hay naku! Mabuti pa pumunta na tayo sa cafeteria. Baka kaikangan ng pampalamig ni Misis Alexis dito eh. Namumula sa init. Whoo!” biglang sambit pa ni Scar saka ako hinila dahilan upang manlaki ang mata ko. Ano raw? Misis Alexis?

“H-huy, wala namang ganyanan!” nahihiyang saway ko sa kanila dahilan upang mas ngumiti pa sila. “Baka may makarinig sa inyo. Nakakahiya!” dagdag ko pa saka tinakpan ang mukha ko.

Rinig ko naman ang pagtawa nila kaya mas lalo akong nahiya. “Ano ka ba naman, Let. Tayo lang ang tao sa pasilyo ngayon kaya bakit ka mahihiya kung may makarinig man sa amin na may gusto ka kay Alexis?” biglang singit ni Kaito kaya napasama ang tingin ko sa kaniya.

“Alam mo, minsan ka na nga lang magsalita, ganyan pa ang lumalabas sa bibig mo!” sumbat ko sa kaniya na siyang nginitian lang nito. “Ewan ko sa inyo! Kapag talaga ‘yan makarating kay Alexis, lagot kayo sa akin.” dagdag ko pa saka nagpatuloy sa paglalakad.

“Sus! Eh what if, manligaw siya sa’yo? Anong gagawin mo?” rinig ko pang tanong sa akin ni Drake dahilan upang matigilan ako. “Uyy, napa-isip siya. Haha!” rinig ko pang aniya kaya napalingon ako rito na tila ba’y nag-iisip.

Ano nga naman ba ang gagawin ko kapag nanligaw siya? Eh crush ko lang naman yun. At malabong suklian niya rin ang pagkagusto ko sa kaniya. Crush remains crush. And I don’t expect crushbacks kasi walang ganun sa vocabulary. Malabong mangyari.

“Zia!” I snapped back my conciousness when I heard Scarlett called my name. Napatingin ako sa kaniya at kita ko naman ang pnunukso nito sa mukha. “Halika na. Sina Kaito ay pumasok na sa cafeteria. Ikaw nalang ang kulang.”

“Sige. Mauna na kayo! Susunod nalang ako.” tugon ko sa kaniya na siyang tinanguan lang nito bago pumasok sa loob ng cafeteria. Ako naman ay naiwang nakatayo sa hallway at ngingiti-ngiting mag-isa.

Lahat sila alam na kung sino ang crush ko. Gwapo, palangiti, mabait, matalino at kung ano-ano pa. Ideal guy siya ng lahat pero bakit hindi ko siya nakikitaang pinag-aagawan ng mga babae? Kahit si Scarlett? Bakit ako lang ang nakakaramdam nito?

“Frostaline.”

I snapped back my conciousness when I heard a familiar voice calling my name. Napatingin ako sa aking harapan saka napaayos ng tayo nang makitang si Josh ‘yon. “Ano ‘yun?” pormal na tanong ko pa.

“I just wanted to say sorry—”

“You are forgiven, Josh.” pagpuputol ko sa sinabi niya dahilan upang magulat ito. “But as an exchange, lumayo ka na sa akin at huwag mo na akong kakausapin pa.”

“B-but I can’t.” nauutal na sambit niya saka napa-iwas ng tingin sa akin. “You know how much I love you, Frost. Mahal kita magmula pa noon. And I know you do—”

“Iba na ako ngayon, Josh.” pagpuputol ko sa sinabi niya kaya natigilan siya. “Iba na.”. Dahan-dahan niyang ini-angat ang tingin nito sa akin saka ako tiningnan nang nagpapaawa. “Layuan mo na ako dahil iba na ako sa Frostaline na nakilala mo.”

Akmang lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang higitin ang braso ko dahilan upang mapayakap siya sa akin nang patalikod. I can feel his hard breath through my body. Rinig ko ang paghikbi niya at ramdam ko ang panginginig ng kamay nitong nakayakap sa akin senyales na umiiyak siya.

Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga.

“What can I do to make you stop from crying?” tanong ko pa rito at pilit na tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin. Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. And now his tears are now evident through my eyes. “What can I do to ease your pain?”

Silence divides us in between. Nanatiling nakatitig lang siya sa akin habang ako naman ay naaawang tiningnan ang kabuuan ng mukha niya. After that moment ay niyakap niya ako na siyang nakapagpagulat sa akin.

“Please, be with me always.” rinig kong pakiusap nito habang hinihigpitan ang yakap niya sa akin. “Be with me. Kahit kaibigan nalang.”

I don't know why but after he said those words ay bigla kong naramdaman ang kaunting kirot sa puso ko. It is like he is begging me to be with him as a companion for his circumstances. Kahit hindi bilang Frostaline na girlfriend niya, kundi bilang Lethizia na kaibigan nito. Ganyan ang epekto ng sinabi niya sa akin.

And without knowing ay namalayan ko nalang ang aking sarili na hinahagod ang likod niya para tumahan na sa paghikbi. “I can’t promise you that I will be by your side forever. But I’ll do my very best to do it.” sambit ko sa kaniya saka naunang bumitaw sa yakap. “Halika na. Nagugutom na ako eh!”

Then I saw him smiled again. “Tara na.” aniya pa saka kinuha ang kamay ko dahilan upang maglakad kami papasok ng cafeteria nang magkahawak kamay.

Halos lahat ng estudyanteng madaanan namin ay napapatingin sa gawi namin at tila nagtataka pa bago bumulong sa katabi nila. Hindi ko mapigilang mapakunot noo sa pagtataka but I still didn’t mind them. Besides, hindi ko naman sila kilala.

Nang makarating kami sa gawi nina Scarlett ay lahat sila ay bagsak pangang napatingin sa amin at tila gulat na gulat. They even stopped from what they’re doing just to watch us together.

“Why is he with you?!”

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon