Hail 19: Upgrades and Plan

44 0 0
                                    

Nang makapasok ako sa game ay may biglang nag-pop up na screen sa aking harapan. May three slots doon at sa ibabaw na bahagi nito’y may nakapaloob na isang salita.

‘Abilities’

Hindi ko mapigilang manlaki ng mata dahil sa nakikita ko. Ito na ba ‘yung upgrade na sinasabi ni Alexis? Is this my companion in surviving this game? Hindi ako makapaniwalang natapos niyang gawin ito sa loob lang ng dalawang araw. Ang galing!

Iginala ko agad ang paningin ko sa paligid tsaka naghanap ng isang halimaw. But this time, I ain’t using my rifle. Instead, gagamitin ko ang baril ko.

Speaking of gun, hindi ko na naman napigilang mapangiti nang pumasok sa isip ko si Fire. That guy is really a tough one. Kaya niya naman akong talunin noon ah pero bakit hindi niya magawa? Tsk. Pinagbibigyan lang ata ako nung bisugong ‘yon eh! Ngena siya.

While I am in the midst of thinking ay hindi ko na namalayang tumilapon na pala ako. Naramdaman ko nalang bigla ang sakit tsaka napatingin kung sino ang may gawa nun. Then I found out na ang Wild Beast na naman pala ‘yun.

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakahiga tsaka tinutukan ng baril ang halimaw. Pero masyado siyang mabilis at madali lang nitong iwinaksi ang baril palayo sa akin dahilan upang manlaki ang mata ko sa gulat.

Tiningnan ko muli ang kinaroroonan ng halimaw at napatingala nalang ako nang mamalayang nasa harap ko na pala siya at umuusok ang ilong sa galit. Hindi ko napigilang mapalunok sa kaba.

Akmang kukunin ko na sana ang dagger ko para patamaan siya nang bigla nitong higitin ang leeg ko pataas dahilan upang mabitawan ko ang patalim. Napangiwi nalang ako sa sakit nang bigla niya akong isinandal sa may puno.

“B-bitiwan m-mo‘ko!” may diing sambit ko pa sa kaniya habang pilit na kumakawala. When I looked at my HP bar ay nanlaki nalang ang mata ko nang makitang unti-unti itong bumababa.

Hindi ko mapigilang kabahan.

“Put me down, you stupid freak!” singhal ko sa kaniya dahilan upang mag-usok na naman ang ilong nito.

“I can’t.” rinig kong aniya pa kaya nanlaki ang mata ko sa gulat. “You killed my daughter.” dagdag naman nito na mas ipinagtaka ko.

Daughter?! Nahihibang naba siya? Pangalawang bisita ko palang sa larong ‘to pero pinagbibintangan na niya ako? Wala naman akong ibang pinatay ah! Maliban do’n sa—

‘Oww...’

Yung previous beast nga pala na nakasalubong ko nung unang game. Ngenang ‘yun! Tinapon ako sa lupa mula sa puno ta’s ako pa’ng may kasalanan kung bakit siya namatay? Bumabawi lang kaya ako sa atraso niya! Tsk.

“L-look, I d-didn’t mean t-to did that to your d-daughter.” nauutal na sambit ko dahil sa pagkakasakal niya. “She nearly killed me and now you’re doing what she did!”

Kita ko naman ang biglaang paglaki ng mata niya sa gulat dahilan upang mabitawan niya agad ako. Napahawak naman ako sa leeg ko nang may pagtataka.

Why did this monster immediately put me down from choking? Bakit parang nagulat pa siya sa sinabi ko? Nag-aalala kaya siya?

Napatingin naman agad ako sa HP niya at nagulat sa nakita nung kulay asul ito. Isa siyang kaibigan. But why does its daughter is in red color? Bakit kalaban ang anak niya kung gayong kaibigan naman pala siya?

“I am very sorry for treating you like this. But my daughter is just a day old.” rinig kong sambit ng halimaw kaya nanlaki bigla ang mata ko sa gulat. “She doesn’t know what’s happening in her surrounding that’s why whenever she sees something that is moving, she’ll attack it.”

Napa-awang naman ang bibig ko sa gulat nang marinig ang sinabi ng halimaw. So kasalanan ko pala talaga? Eh malay ko bang kaaanak lang ng halimaw na ‘yun eh singlaki lang naman ng anak na yun ang ina niya. Tsk! Mga tuko. Sa susunod na bisita ko, siguraduhin niyo lang na may nakalagay na karatula sa bawat katawan niyo at nang malaman ko naman ang edad niyo. Ngena kayo!

Ako pa talaga ang maga-adjust?!

Hindi ko mapigilang mapa-buntong hininga sa iniisip saka tiningnan ang Mother Beast. O baka Father ‘to? “I also wanted to say sorry for killing your daughter, Misis Beast.” seryosong paumanhin ko pa.

”It’s Mister, young lady Ice.” ani pa ng Beast na siyang nagpalaki ng mata ko. “But I understand your situation. You are in a game. And you have to kill every monster to beat the game master.” dagdag pa niya kaya napabuntong-hininga ako. “So don’t worry about it. I can be your friend also if you want to.”

“Uhm... Yeah. But would I know the exact place of Game Master’s lair?” tanong ko pa sa kaniya nang bigla akong mapa-isip.

“You have to find the map of this game in order for you to locate the Game master’s hideout.” tugon naman nito. “It is hidden in one of the Monsters that you’ll encounter so you have to defeat them all.”

“Doesn’t you have it?” tanong ko pa sa kaniya dahilan upang mabigla siya.

“Friendly monsters aren’t allowed to hide the player’s task. We are here to help you and give y’all a hint.” paliwanag pa nito na siyang tinanguan ko lang. “So I hope that my information helped you. See you when I see you, young lady Ice!” huling sambit nito bago tumakbo paalis sa harapan ko.

After that, I took a big and loud gasp.

So bago ako umusad sa larong ‘to ay kailangan ko pa palang hanapin ang mapa para matalo ang game master? Tsk! Ano-anong halimaw pa kaya ang sasalubong sa akin nito? Paano ako susurvive eh wala pa akong ability na nakukuha? Baka malalakas ang susunod na makaharap ko. Maano nalang ako susurvive?

Gulong-gulo man ang utak ay pinindot ko agad ang log out button dahilan upang makita ko si Alexis na nakangiting hinihintay ang paggising ko. “Kumusta ang game? Is it good?” excited na tanong niya.

Pilit naman akong ngumiti rito tsaka tumango. I hate lies but in order for his smile not to fade away, I have to do it. “Maganda ang game. Nakaka-excite!” pagsisinungaling ko pa.

“Good then. Kailangan ko na siyang i-connect sa Hailing Throne.” excited na tugon pa nito habang tinatanggal ang gear sa ulo ko dahilan upang manlaki ang mata ko.

Ano raw? Iko-connect niya ito sa Hailing Throne?!

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon