Hail 7: Revealed Secret

78 4 0
                                    

“Zia, gising!” rinig kong tawag sa akin ni Scar dahilan upang mapamulat ako ng mata. “Huy, oras na ng training.”

“Anong oras na ba?” tanong ko sa kaniya saka bumangon mula sa pagkakahiga. Mukhang gabi pa eh.

“Twelve o’clock? I don’t know basta bilisan mo na r’yan! Male-late na tayo sa practice.” tugon na naman nito saka ako hinila patayo. “Baka mainip na yung mga lalake sa kakahintay sa atin.”

“Eh asan ba sila?” tanong ko naman saka lumabas ng dorm nang naka-pajama habang kasama si Scarlett. Nagmamadali eh!

“Nando’n na sa game console nila. Kaya bilisan na natin at baka nasa training room na sila’t nagkakagulo!” aniya na naman saka ako hinila papunta sa hallway dahilan upang mainis ako nang kaunti.

“Oo na, oo na! Tsk! Ang hilig mong manghila ah.” huling tugon ko saka naglakad nang mabilis kasama siya.

Twelve o’clock? Madaling araw palang ah ta’s may training na agad? Hindi ba pwedeng ipagpa-umaga nalang? Tingnan mo nga hitsura ko habang naglalakad kami oh. Pajama ta’s wala pang tsinelas? Ano nalang sasabihin nila. Hayst!

Nang makarating kami sa maliliit na pinto’y nakita pa namin sina Kaito na masayang nagke-kwentuhan. Agad naman namin silang nilapitan at kinamusta ni Scar.

“Oh? Ba’t ganyan ang suot mo Frost?” takang tanong pa ni Blake sa akin kaya napatingin ako sa hitsura ko.

“Bakit? Okay naman ah.” walang ganang tugon ko pa. “Kayo nga r’yan eh! Madaling-araw, naka-bihis na.”

Napakamot lang sila sa ulo dahil sa sinabi ko. “Magpapa-umaga tayo ng training, Frost. Ta’s ‘pag natapos na tayo sa laro ay diretsong cafeteria na tayo para mag-agahan.” ani naman ni Drake dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

“Wala naman sigurong masama kung kumain ng agahan habang naka-pajama ‘diba?” tugon ko ulit. But then, they sighed in defeat.

“Pagkatapos ng agahan ay diretsong classroom na tayo.” sabat naman ni Kaito kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya. “Calculated na ang oras sa bawat galaw natin. Kaya kapag magbibihis ka pa pagkatapos ng agahan ay may tendency na ma-late ka sa klase. And that means—”

“You’re disqualified in the game.” pagtatapos pa ni Harisson sa sinabi ni Kaito dahilan upang manlaki ang mata ko. Disqualified?! Ang unfair!

“Eh? Okay wait for me nalang. Magbibihis lang ako sa dorm.” ani ko at akmang tatalikod na upang umalis nang bigla naman akong hinila ni Scarlett pabalik.

“Dito ka lang okay?” aniya sa akin saka tiningnan nang masama ang mga lalake. “Binibiro ka lang ng mga lalakeng ‘yan.” dagdag ulit nito saka lumapit sa may tenga ko. “Alam na kasi nila na hindi ka si Frost.”

My eyes automatically widen as I heard what Scarlett whispered in my ears. Ano raw?! Alam na ng mga lalakeng ‘to na hindi ako yung Frost na palagi nilang kasama?! Kailan pa?

“Ano?!” pasigaw na tanong ko pa kay Scar tsaka ko narinig ang tawanan ng mga lalake kaya napalingon ako sa gawi nila. “Kailan niyo pa nalaman ha?!”

“Easy lang naman Letty!” natatawang sambit pa ni Blake dahilan upang kumunot ang noo ko. Ano raw? Letty? Ambaduy! “Ito kasing si Kaito, masyadong observant. Kaya nung sinabi mong magti-triple weapon ka eh hindi na siya nagdalawang isip na tanungin si Scar nung magpahinga kayo sa dorm bago magsimula ang survival game kanina.”

“As far as I knew, confident si Frost sa paggamit sniper niya. Near or far. Pero ikaw, kinailangan pa ng tatlong armas.” dagdag naman ni Kaito kaya napasimangot ako.

“Tsaka madaldal si Frost noon. Pero hindi siya nakikipag-asaran sa ex niya.” rinig ko namang singit ni Drake kaya nabaling ang atensyon ko sa gawi nito.

“Ex niya?” tanong ko pa. Then they nodded. “Sino bang ex ni Frostaline?”

“Si Josh.” biglang dagdag naman ni Harisson dahilan upang manlaki ang mata ko.

“No way!” gulat na tugon ko pa dahilan upang ngumiti sila. “What the heck?! Bakit hindi niyo sinabi agad? Kung ano-ano pa naman ang sinabi ko sa bisugong lalakeng ‘yon at sinabihan pa ako ng pangit?!”

“Pangit kasi ang endearment ni Josh kay Frost noong sila pa, Zia. Tapos Mahangin naman ang tawag ni Frost kay Josh.” rinig kong paliwanag naman ni Scar sa tabi ko kaya napatingin ako sa gawi niya. “Pero simula nung mag-break sila, hindi na sila nagpapansinan. Not until that time na inasar mo siya na may gusto siya sa akin. Did you remember?”

Sa walang pag-aalinlangan nama’y tumango ako. That is the time nung sabihan ni Josh si Scar na disqualified because of her five-seconds late. So that means, ako ang unang nakipag-usap kay Josh matapos ang break-up nila ni Frostaline?!

What the heck I’ve done?!

“Hayaan mo na yun, Letlet. Huwag mo nalang siyang kausapin sa susunod.” biglang sambit naman ni Drake kaya napangiti ako.

“Oo nga naman, Lin. Mas mabuti pa, pumasok na tayo sa console at baka sumikat na ang araw at hindi pa tayo nakapag-practice.” rinig ko ring dagdag ni Harisson dahilan upang mapanguso ako.

Ano bang mga nickname ‘yan?! Si Kaito tinatawag akong Let. Si Drake naman Letlet. Si Blake ay Letty. Si Harisson ay Lin. Tapos kay Scarlett ay Zia?! Ambaduy nila pumili ng palayaw ah!

“Mabuti pa nga.” nakangusong sang-ayon ko saka humarap sa console. “Kita nalang tayo sa game.”

“Sige!” sabay-sabay na sambit nila bago naglaho. Akmang pipindutin ko na rin sana ang console ko nang may makita ako sa aking peripheral vision.

Napatingin ako sa gawing ‘yon nang biglang bumungad sa akin si Josh, nakatayo’t pinagmamasdan ang kabuuan ko. Sa ilang saglit pa’y biglang kumunot ang noo niya.

“Magpalit ka nga ng damit!” anito pero hindi ko siya kinibo. Sa halip ay pumasok na ako ng game at iniwan siya ro’ng mag-isa.

Makapag-utos ‘kala mo naman sila pa ni Frostaline.

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon