Hail 9: Fire vs. Ice

75 5 0
                                    

“Anong tinitingin-tingin mo ha?” maangas na tanong ko pa kay Josh pero hindi siya kumibo at sa halip ay tinitigan lang ako. “Tsk! Tumabi ka nga r’yan. Hinaharangan mo ang daanan ko.”

Akmang lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko nang mahigpit. “Tsk! Ano ba! Bitawan mo nga ako!” sigaw ko rito at pilit na kumakawala sa higpit ng pagkakahawak niya. “BITAW SABI EH!” sigaw ko pa dahilan upang manlaki ang mata niya.

“Harisson, halina kayo. Tsk!” tawag ko pa sa kaniya at bagsak balikat na naglakad pabalik sa dorm.

While we were walking along the hallway ay hindi ko mapigilang mapakunot noo dahil sa inis. Buti nalang at narinig namin ang balita ng mga guro na postponed ang klase ngayon at diretso kami sa game kasi ayoko na talagang makita ang nakakainis na mukha ng Josh na ‘yun.

“‘Lang’ya kasi eh! Hindi ko siya kilala ta’s kung makahawak siya sa kamay ko parang close kami?” bulyaw ko pa habang nagbibihis. Sina Scar naman ay nasa sala at hinihintay ako.

“Eh kasi nga akala niya ikaw parin si Frost.” rinig ko pang tugon ni Kaito kaya lumabas na ako. Tapos na rin akong magbihis eh.

“Grabe naman siguro kahina ng takbo ng utak niya’t hindi niya napapansin ang kaibahan naming dalawa ng nobya niya noon. Eh kayo nga segundo lang. Tsk!” sambit ko pa saka binuksan ang pintuan palabas ng dorm. “Alis na tayo.”

“Huwag mo nalang kasi siyang pansinin. Magpanggap ka nalang na wala siya. Gaya nung ginawa ni Frost noon.” pagco-comfort naman ni Scar sa akin kaya napa-buntong hininga ako.

Nang makapasok na kami sa game ay agad kaming nagtipon-tipon bilang isang grupo. Andito kami ngayon sa field kung saan ay may dalawang kastilyong magkaharap. May dalawang watch tower sa magkabilaan nito tsaka may gate. Gano’n din sa kabila. Nasa amin na siguro ‘yon kung saan kami pupwesto.

“Okay guys, eto ang plano. Ako, si Sun at si Sky ang magiging primary offense niyo. Sina Moon at Ice naman ang secondary offense habang si Snow ang defense natin. Nasa inyo na ‘yun kung anong klaseng atake ang gagamitin niyo, okay?” sambit pa ni Scarlett—or should I say Fall bago ako napatingin sa ibabaw na bahagi ng mga ka-grupo ko.

Si Drake ay si Sun, si Blake ang Sky, si Harisson naman ang Moon, si Kaito ang Snow, ako bilang Ice, at si Scarlett bilang Fall. ‘Yun ang codename namin bawat isa. Bawal daw kasing sambitin ang tunay na pangalan namin sa game dahil ayaw ng Headmaster.

“Okay guys, position!” deklara pa ni Fall kaya napatingin ako sa kabuuan ng kastilyo.

If I will be shooting at the tower, there's a big tendency na makita ako ng mga kalaban at tirahin ako ng mga long-rangers nila. It’ll become a battle between long-rangers if that happens. And if I will be at the gate, malakas ang tyansang makasalubong ako ng short-rangers. So where should I place my own self?!

Tumingala ako sa bandang ibabaw ng kastilyo’t nagbabakasakali ng mumunting lusot. Ilang saglit pa akong naghanap nung bigla kong makita ang isang bintana sa may rooftop ng kastilyo. If I am not wrong, mukhang ‘yon ang attic nila.

Agad namang hinanap ng mata ko ang aking mga kasamahan ngunit ni isa sa kanila’y hindi ko na nakita. I tried to swipe down my right hand, hoping that there is something that we can use in order to communicate with my teammates nang may nakita akong group chat. Pinindot ko ‘yun at nakita ang mga codename nila Scar.

‘Pwedeng pumasok sa kastilyo?’ tanong ko pa sa kanila sa gc. At ilang saglit pa’y tumugon si Harisson ng ‘Oo’. Wala naman pag-aalinlangang pinasok ko ang kastilyo tsaka umakyat sa attic.

Nang makarating ako sa naturang lugar ay ganun nalang ang ginhawa ng loob ko nang makitang sakop dito ang buong angkan ng kabilang kampo. I can’t help myself but to smile.

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon