Hail 22: Mislaid Player

49 1 0
                                    

Halos nalibot ko na ang buong Academy just to find Zia but I did not found any trace of her! Sheez! Maski si Alexis ay hindi ko rin nakita sa kahit saan. I wonder where did they go.

What the hell with that bonding and they’re off for days!

Masyadong matagal ‘yon lalo na’t bawal kaming paalisin sa Academy without permission. And as far as I’m concerned, huli kong naka-usap si Zia na parang nagmamadali at animo’y may tinatakbuhan.

Inis na napakamot ako ng ulo dahil sa mga iniisip. Where are you, Lethizia?!

“Scarlett!” I immediately took a gaze upon the person who’s calling by my name, si Josh. “Nakita mo na si Frostaline?”

“Nope. And as far as I remembered, hindi pa rin siya nakakapaglaro ng game these past few days.” I honestly answered dahilan upang mapahawak siya sa baba nito at animo’y nag-iisip nang maayos.

“I see.” aniya pa bago tumingin ulit sa akin. “Pakibalitaan mo nalang ako kapag bumalik na siya ah?”

“Never intended to do that.” bulong ko pa habang umiirap sa kawalan. But when I saw how Josh’s brows met, bigla nalang akong nagpakawala ng pilit na ngiti. “Sure! Kapag nakita ko siya, ikaw ang unang makaka-alam.” I told him, crossing my two fingers behind my back.

I still remember how Josh’s been so clingy to her girlfriend, Frostaline, years ago. Halos lahat nalang ng makakabangga niya together with my friend is pinapatulan niya. Up until they broke up. I don’t know why his treatment to everyone suddenly loosen up since kinausap siya ni Zia. Hindi ko parin kasi alam ang real reason why they broke up.

And for pete’s sake this is not the topic that I needed to face of! Bakit ba ako nag-iisip ng gan’to?! Oh my ghad, Scarlett, think about Zia. She’s missing!

“Uhh... Josh, I need to go na pala. The boys are waiting for me at the cafeteria eh!” natatarantang excuse ko t'yaka umalis sa pasilyo. When I got back at the cafeteria ay bigla akong napakamot sa ulo. “Where are they?”

As far as I've remembered, we are planning to meet here at the cafeteria in no longer than fifteen minutes. Don’t tell me late sila? Tsk! Ngayon pa ah? Eh t’wing maglalaro kami, palagi naman silang on time. O baka naman ako ‘yung late at hinahanap na nila ako ngayon?

“Scarlett!” rinig kong sigaw ni Drake from afar kaya napalingon ako. There I found the boys running towards me from the door. “Kanina ka pa namin hinihintay. Sa’n ka ba galing?” hinihingal na tanong pa nito sa akin.

“Dzuh! Obviously, hinahanap ko si Zia.” pilosopang sagot ko pa saka sila nilingon bawat isa. “Kaso ‘di ko na namalayan ang oras kaya na-late ako.”

“Oh, so how’s it?” rinig kong tanong ni Harisson kaya napatingin ako sa kaniya. “Nahanap mo ba siya?”

“Actually I was thinking if you guys found her.” seryosong saad ko na nakapagpakunot ng noo nila. “Nakasalubong ko si Josh at pati siya’y nagtataka sa biglaang pagkawala ni Zia.”

At lahat naman kami’y natahimik at napa-isip. The last person that I was suspecting about this incident is no other than Alexis. ‘Cause aside from me, si Alexis lang talaga kasi ang nakikitaan ko ng closure kay Zia. At hindi malabong siya rin ang dahilan ng pagkawala nito.

“Baka naman kinidnap for ransom si Letty?” rinig naming sambit ni Blake kaya agad siyang nakatanggap ng batok sa bawat isa sa‘min. “Araouch! Ba’t kayo nambabatok ah?”

“Ngena mo, bruh! ‘Langkwenta sinasabi mo.” ani pa ni Kaito sa kaniya kaya napasimangot ito.

“Hello? I am just stating my thoughts and opinion here. Kaya nga may ‘baka’ ‘diba? Baka kinidnap for ransom si Letty? Tsk!” inis na usal naman ni Blake kay Kaito habang pinapanood lang namin sila.

“O sige nga. Isipin mo kung paano maki-kidnap si Let dito sa Academy kung gayong puro estudyante lang naman ang nandito. Pa‘no, ha?” inis na usal rin ni Kaito kay Blake kaya natigilan siya. “Tsk! Isip mo kasi puro imposible.”

“Kambal naman kasi, ba’t ‘di ka gumaya sa akin na matino? ‘Yan tuloy napagalitan ka ni Kaito.” biglang singit naman ni Drake sa usapan tsaka inakbayan si Blake na masama ang tingin na ipinupukol sa kaniya.

“Ngena mo! Umalis ka sa harap ko’t nag-iisip ako. You’re center of distraction." saway pa ni Blake sa kambal nito saka umupo sa upuang katapat namin.

“Anong center of distraction ka r’yan?! Hoy, baka center of attraction kamo!” ani naman ni Drake sa kaniya.

“Eh hindi ka naman nakaka-attract.”

“Ulol! Mas gwapo nga ako sa’yo.”

“Ngena mo rin! Kambal tayo.”

“Mas maraming nagsasabi sa akin na gwapo ako!”

“Sino-sino naman, aber?”

“Si Letlet!”

“Yun lang.”

“Itigil niyo na nga ‘yan.” saway ko sa kanila kaya napatingin ang lahat sa akin. “Mamaya na kayo magbangayan at hahanapin pa natin si Zia.”

“Si Blake kasi!” rinig kong sumbat ni Drake sa kambal nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Sabi ko nga titigil na.”

Napabuntong hininga naman ako bago sila tiningnan isa-isa. “Kaito, do’n kayo sa West wing ng Academy. Harisson sa South.” utos ko sa kanila na siyang tinanguan lang nito. “Drake at Blake, kayo sa East at Center Wing.”

“Kailan pa nagkaroon ng wings ang Academy?” rinig kong bulong ni Drake kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. “Hehe! Sabi ko nga, East at Center wing kami.”

“Ako na ang bahala sa North.” sambit ko pa, not minding what Drake told me earlier. “Magkita nalang tayo after half an hour.” huking sambit ko bago umalis sa naturang lugar.

If my calculations wasn’t wrong, ang north wing ng academy ay ang daan papunta sa office ng headmaster. At kung hindi ako nagkakamali, close ni Alexis ang Headmaster kaya hindi malayong doon din siya pupunta pagkatapos.

Nangangalahati palang ako sa daan ay bigla kong natanaw si Josh kasama si Alexis dahilan upang manlaki ang mata ko. I stopped for a moment and observed them pero mukhang liliko na sila sa bandang kaliwa ng pasilyo.

Agad kong sinundan sila ng takbo habang tinatawag ang pangalan ni Alexis. “Alexis!” I shouted reapetedly, stretching my arms forward, hoping that they would hear me. Pero hindi.

Nang makaliko na ako sa daan kung saan sila nagpunta ay natigilan bigla ako.

The hallway was empty. No doors each side, no carpets nor windows. All I can see is dead end.

Where did they go?

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon