Hail 6: Main Hall

88 6 0
                                    

“Isn’t it obvious?” halatang naiinis na tugon sa akin ni Kaito which made me pout. Naglalakad kami ngayon papunta sa dorm namin at halata ang pagkadismaya sa mga mukha nila.

Up until we reached in our dorm, walang nag-iimikan sa kanila maski isa. “Guys, ano bang nangyari sa laro niyo? Para kasing bad mood kayo eh!” malambing na tanong ko sa kaniya dahilan para mapatingin sila sa akin nang masama.

“I was killed by Fire!” they shouted in chorus except Kaito kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

“E-eh bakit sumisigaw kayo?!” nakasimangot na tanong ko ulit saka nag-indian seat sa sahig.

“Kasi, ikaw na nga sana ‘tong may chance para talunin si Fire kanina, hindi mo pa ginawa.” rinig ko namang sabat ni Kaito kaya napatingin ako sa kaniya. “Tsk! Kaya mo naman talaga siyang talunin pero bakit hindi mo pa nadali? Nakita ko ang laban niyo kanina. Right from the start nung tinamaan ka ng dagger sa braso mo habang tumatakbo.”

Sa ‘di inaasahan ay biglang nanlaki ang mata ko sa gulat. So si Fire pala ang may gawa nun sa braso ko kanina? Tsk! Kaya naman pala hindi sharp-shooter.

“H-hindi ko nga kasi siya kayang talunin. Long-ranger ako, okay?” depensa ko pa saka niya iniwas ang tingin niya palayo sa akin. Wala naman akong ibang nagawa kundi ibaling kay Harisson ang tingin. “Eh ikaw, Harisson? Ba't ka natalo?”

“Sharp-shooter yung ka-team ko eh!” natatawang pahayag niya kaya napasimangot ako. “I was avoiding Fire that time para maka-survive. Nagtago ako sa may bush nang bigla mo ‘kong atakihin ng shuriken.”

“Pasensya na talaga. May tumira rin kasi sa akin nung time na ‘yun kaya nagmatyag ako. Malay ko bang ikaw pala yung nagtatago sa bushes!” sambit ko naman sa kaniya dahilan upang matawa siya.

“No need for explaination. Nakita rin naman namin ang laro mo.” nakangiting tugon naman nito sa akin kaya ngumiti nalang rin ako.

“Maganda ang laro ni Frost. Kasingganda ng laro ko!” rinig kong sambit ni Drake kaya nabaling ang atensyon namin sa kaniya. He was sitting beside his brother.

“Anong kasingganda ‘yang sinasabi mo? Hoy Drake! Baka nakakalimutan mong ikaw ang naunang matalo sa team natin?” kontra naman ni Blake sa kambal niya saka ito pinalo sa ulo. Napahawak lang si Drake sa ulo niya.

“Oo nga! Ako yung nauna. Pero nakalimutan mo na bang sumunod ka sa akin after a second?!” pang-aasar naman na tugon ni Drake dahilan upang mapanguso si Blake.

“Tsk! Kasalanan mo kasi yun. Sinabi ko naman kasi sa‘yong ako yung kailangan ng back-up. Ayan tuloy, nadali tayo ng kalaban.” paninisi pa ni Blake kaya napangiti ako.

Ano kaya ang magiging kahantungan ng laban namin as a team kapag nandiyan silang dalawa? For sure imbes na magkaroon ng teamwork, baka sila pa ang magpasimuno ng gulo. Pero masaya naman rin siguro silang kasama, ‘diba?

“Oy, tama na ‘yang sisihan niyo! Kakain na tayo ng hapunan.” rinig kong sambit ni Scar dahilan upang bumalik ako sa huwistyo. “Magsitayuan na kayo’t bawal ma-late sa hapag!” dagdag pa niya saka pumalakpak nang tatlong beses.

As a team, kinailangan naming mag-cooperate. Tumayo kami nang maingat saka pinagpagan ang sarili mula sa dumi. After a moment ay narinig nalang namin si Drake na nagsalita.

“Ang mahuli panget!” sabi nito saka tumakbo palabas ng dorm. Sumunod naman sa kaniya sina Blake, Harisson, at Kaito dahilan upang matawa kami ni Scar.

“Pagpasensyahan mo na sila ah! ‘Yang si Kaito kasi, kahit pa-cool ‘yan ay baliw rin. Hindi mo lang makikita kapag nasa labas. Nagpapa-impress ata sa girls eh. ” rinig ko pang paliwanag sa akin ni Scar habang naglalakad kami sa pasilyo.

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon