Hail 15: Two Teams in a Table

54 2 0
                                    

“We’re good.” nakangiting sambit ko sa kanila saka kami umupo ni Josh sa tabi nito. “Nag-usap na kami kanina sa lobby at okay na kami.”

“Y-you mean, c-comeback na kayo?” nauutal pang sambit ni Scar dahilan upang manlaki ang mata ko. Napatingin ako sa kaniya saka siya pinandilatan ng mata. “Don’t get me wrong, F-frost. Nagtatanong lang.”

“Hindi kami.” seryosong tugon ko saka ko nakita si Josh sa aking peripheral vision na lumingon sa gawi ko. “And we will never be.” nakangiting dagdag ko pa.

“So friends lang talaga?” biglang singit naman ni Kaito sa usapan kaya napatingin kaming lahat. “Kasi kung friends lang, liligawan ko na si Let.” aniya pa sa akin dahilan upang manlaki ang mata ko.

“Kaibigan ko lang siya, Kaito.” mariin na tugon ko sa kaniya. “Tsaka huwag mo nga akong biruin nang ganyan! Nakakainis ka ah.”

“Oo nga naman, Kai. Alam mo namang may Alexis na ‘yang si Lin eh!” singit naman ni Harisson nang may pang-aasar pa dahilan upang ngumiti sila nang nakakaloko sa akin.

“Yiiee! Oo nga ‘no? Muntik ko nang makalimutan si Alexis.” pang-aasar naman ni Scar sa akin saka napa-isip. “Nasa’n na kaya siya?”

“Nasa office nga niya!” ani ko dahilan upang mapatingin sila sa akin habang ako naman ay nanlaki ang mata nang marealize ang sinabi ko. “N-nasa office siya, inutusan ni Headmaster Reign. I don’t know kung ano basta babalik siya after three days.”

After shat I said ay biglang natahimik ang mesa namin. Ilang saglit pa kaming nasa gano’ng posisyon nang biglang magsitilian ang mga kaibigan ko dahilan upang mapanguso ako.

“Yiiee! Alam niya ang schedule ni Alexis. Haha!” rinig ko pang pang-aasar ni Drake sa akin dahilan upang mapa-iwas ako ng tingin.

“Naku! Pabayaan mo nalang ‘yan, Drake. Minsan lang ma-inlove itong kaibigan natin!” singit rin ni Blake saka tinapik sa balikat si Drake habang tumatawa.

Ngena nila!

“Josh! Josh!”

Napatigil naman sila sa pang-aasar sa akin nang marinig na tinatawag ang pangalan ni Josh. Napalingon kami sa pinanggalingnan ng boses at gulat nang makita ang apat na kababaihan kasama ang isang lalake.

May shy type na babae, may malaking bunganga, may tomboy ang dating, tsaka may pa-girly talaga. Ngena! Huwag mong sabihin na ito ang ka-team ni Josh sa grupo? Ano kayang ginagawa nila sa dorm tuwing sila lang? Tsk! Ba’t ko pa iisipin? Alam ko naman ang sagot!

“Josh, may pera ka?” biglang sambit nung bungangera dahilan upang mapakunot-noo si Josh. “Pahingi naman Josh, oh! Pang-snacks lang namin nina Mia.”

“Umupo na kayo rito sa tabi ko.” aya pa ni Josh sa kanila tsaka napa-upo ang mga kaibigan nito sa tabi namin. “Pagpasensyahan niyo na sila ah? Medyo maingay.” aniya pa na siyang tinanguan lang namin ni Scar.

“Josh ba’t tayo nakikisalo sa hapag ng ex mo?” rinig ko na namang tanong nung bungangera dahilan upang manlaki ang mata ko. “Akala ko ba hindi na kayo nagpapansinan?”

“Shut up, Karel.” saway ni Josh sa kaniya kaya nagtaka siya. “Pagpasensyahan niyo na siya ah. Siya nga pala si Karel, yung madaldal sa amin.”

“Huy, ang sama mo!” kontra pa ni Karel tsaka kinuha ang pagkain ni Kaito. “Akin nalang ‘to, ah? Thank you!”

“Tsk!” rinig kong singhal pa ni Kaito kaya napangiti ako.

“Ito naman si Mia. Siya yung mahiyain sa kanila.” pakilala pa ni Josh sa babaeng nakasalamin dahilan upang mapatitig ako sa kaniya. Parang may kamukha siya. “Si Selena, yung maarte sa kanila habang si Kristy naman yung medyo tomboy.”

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon