Hail 11: Deal

63 1 0
                                    

Nang makalabas na ako sa silid na ‘yon ay bumalik agad ako sa dorm namin upang magpahinga. I know it is still 3 pm at survival game pa nila. But I am tired, knowing that I will be a tester in their newly developed game. Sa dinami-dami ba naman kasing estudyante rito eh bakit ako pa ang napili niya? Pwede namang sila Scarlett nalang.

But speaking of it, curious din naman ako sa kung anong hitsura ang nasa loob ng game na ‘yun. If should I still use a game console or not and more. Kasi sa naging journey ko roon sa game eh magaganda naman. I don’t know if theur new game will be more exciting than ever.

Nasa kalagitnaan pa ako ng pag-iisip nun nang biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako sa gawing ‘yon. There I found Scarlett and her troop entered our dorm.

“Oh? Kumusta ang game?” bungad ko sa kanila saka napa-upo nang maayos sa deck. Sila naman ay napahiga sa sahig habang bumubuntong-hininga. “Hey! Is there any problem with you guys?”

“Si Fire, nanggagalaiti sa galit dahil sa ginawa mo sa kanila earlier.” sagot pa ni Scar dahilan upang manlaki ang mata ko sa gulat. “He attacked us while we’re in group!”

“Kaya niya kaming patumbahin nang siya lang. Pero kapag ikaw ang usapan, talo siya.” singit naman ni Kaito kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya. “Gano’n nalang ang galit ni Fire sa’yo dahil ngayon ay may record of loses na naman siya.”

“Record of loses?” kunot-noong tanong ko pa.

“Record of loses. ‘Yun ‘yong bilang ng talo mo sa buong laro ngayong taon.” nakangiting paliwanag pa ni Harisson. “Sa ngayon, pito na ang talo ni Fire.”

“Anim roon ay dahil kay Frostaline at isa ang sa’yo.” dagdag naman ni Blake saka tumingin sa akin. “In other words, walang ibang nakatalo sa kaniya maliban sa’yo.”

Hindi ko naman napigilang manlaki ng mata sa gulat. For real? Gano’n ba talaga kalakas si Frostaline makipaglaban sa laro? Eh pa’no kaya siya? Ilan kaya ang talo ni Frostaline?

“Uhm... Ilan na ba ang talo ko ngayong taon?” nahihiyang tanong ko sa kanila which made their eyes divert into me. Hindi ko tuloy napigilang mapa-kurap sa kaba.

“Sa ating grupo, ikaw lang ang walang talo.” rinig kong paliwanag ni Drake dahilan upang manlaki ang mata ko sa gulat. “Si Scarlett ay tatlo, kami naman ni Blake ay sampu, si Harisson ay anim habang si Kaito naman ay apat.”

“Palaging tayo ang nananalo sa laro dahil sa galing mong umasinta Frost.” rinig ko pang sambit ni Blake kaya napatingin ako sa mata niya. “Ayy, Letty pala. Hehe! Sorry. Na-miss ko lang si Frost eh!”

I can’t help myself but to give them a forced smile. Hindi naman talaga kasi ako ang nakapagpanalo sa kanila eh. Si Frostaline talaga. It’s just that I became a substitute kaya gano’n.

“Okay mamaya na ang drama’t hapunan na!” rinig kong pagbabasag ng katahimikan ni Scarlett kaya natauhan agad ako. “Labas na sa dorm at baka ma-late tayo, bilis!” walang pag-aalinlangan namang lumabas ako.

Ako ang naunang lumabas sa aming anim nang bigla nalang akong salubungin ni Josh dahilan upang manlaki ang mata ko sa gulat. “Pangit, let’s talk.” aniya pa saka kumunot ang noo ko.

“Can you just please, leave me alone?” pagtataray ko sa kaniya. “Tsaka huwag mo na akong tawaging pangit kasi first and foremost, hindi ako pangit. Can’t you see that I am excessively gorgeous?” dagdag ko pa saka nag-flip ng hair.

Okay, I know it was way too naughty. Pero siguro naman ay lulubayan na niya ako, ‘diba? Obvious na ang kaibahan namin ni Frostaline nito eh!

“Frostaline please, just give us—”

“Atticus!” rinig naming sigaw ni Josh dahilan upang mabaling ang atensyon namin sa nagsalita.

There I found a young man, walking in front of me, smiling. Kumakaway pa siyang lumapit sa akin saka ako inakbayan. “Atticus, tabi tayong kumain mamaya?” ani pa nito sa akin dahilan upang ngitian ko siya na parang naiilang.

“S-sige.” iwas tingin na sagot ko pa. Tsk! If hindi madala si Josh sa pakiusap, edi daanin natin sa pag-iiwas. Tingnan lang natin kung makakatagal ka.

“Dude, nag-uusap pa kami.” rinig kong sabi pa ni Josh kaya napatingin ako sa kaniya. Kunot-noo siyang tumingin sa lalakeng katabi ko kaya napatingin rin ako sa lalakeng umakbay sa akin.

“But it’s dinner time na.” nakangiting ani pa nito kay Josh na nakapagpa-awang ng bibig ko. “You can talk to her later if there is.” dagdag pa nito bago ako tiningnan. “Let’s go, Atticus?”

“T-teka, sina Scarlett.” nauutal na sambit ko pa dahilan upang mas ngumiti siya. I admit that he is so handsome. “H-hintayin muna natin sila.”

“Hindi naman siguro sila maliligaw ng landas kapag wala ka diba?” tanong pa nito saka ako umiling bilang sagot. “Then don’t worry ‘bout them.”

Nagsimula na kaming maglakad ng lalakeng kasama ko nang tahimik habang hawak niya ako sa pulsohan nang bigla kaming tumigil sa kalagitnaan ng madilim na pasilyo.

“Tutulungan kitang ilayo kay Josh,” rinig kong seryosong ani ng lalake dahilan upang pumintig ang tenga ko. “Kapalit no’n ay ang pagtanggap mo sa offer ko bilang tester ng bago naming game.”

Hindi ko naman napigilang mapakunot noo nang marinig ang sinabi niya. As far as I’ve remembered, yung matanda ang nag-offer sa akin ng game na ‘yun. So how come na sinabi niyang siya ang nag-offer sa akin kanina?

“S-sino ka ba talaga, Mister?” tanong ko rito saka siya humarap sa akin.

“Ako si Alexis Reign.” pakilala niya pa saka siya ngumiti. “And all of them called me Headmaster Reign.”

Yung kaninang pagtataka sa mukha ko’y napalitan ng gulat. He is Headmaster Reign? Eh sino ‘yung matandang naka-usap ko kanina? Akala ko ba—

“Ako rin yung matanda na kausap mo kanina. But this is my true appearance.” nakangiting ani pa nito na siyang ikinalaglag ng panga ko. “Palagi akong nasa tabi mo para ilayo ka kay Josh but in exchange, kailangan mong tanggapin ang offer kong laro sa bago naming game. Deal?”

Hindi ako makapaniwala. He’ll be with me for the rest of the following days para lang lumayo sa akin si Josh? At ang kailangan ko lang gawin ay pumayag? Yeah, indeed it waz a great offer. But how about the defects of the game? Kung meron man? Is it worth the risk?

Sa sobrang pag-iisip ko’y wala na akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Tiningnan ko muli si Headmaster Reign na nakangiting nakatingin sa akin saka ko siya tinanguan.

“Deal.”

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon