Kasalukuyan kaming nasa harap ng game console ngayon at nakatingin sa isa’t-isa. Kanina pa kami ginising ni Harisson kaya todo takbo kami para makapunta rito’t makapag-laro.
“Magkita-kita nalang tayo sa game, guys.” sambit pa ni Scar saka pinindot ang console nito’t naglaho siya. Gano’n rin ang ginawa ng iba kaya wala na akong choice kundi pumasok na rin sa game.
Napakurap ako nang tatlong beses dahil sa nakakasilaw na liwanag na tumama sa aking mata. Nang maibuka ko na ito nang maayos ay iginala ko ang aking paningin sa paligid.
I am in a forest. Maaraw ngayon at natatakpan ng mga puno ang sun rays kaya medyo presko. Nang ibaba ko ang aking paningin sa daan ay doon ko lang namalayang nag-iisa ako.
Where the heck am I?! Akala ko ba it’s a battle of thrones, eh bakit nandito ako sa gubat at nag-iisa? There must be something wrong in here.
Ilang segundo pa akong nakatayo mula sa kung saan ako kanina matapos kong makarinig ng isang kaluskos ng mga dahon.
Agad akong napatingin sa aking likuran at dahan-dahang kinuha ang dagger sa may waist ko. Bumwelo pa ako nang maingat bago luminga sa paligid upang pagmatyagan kung ano ‘yong gumagalaw.
Pero agad akong napayuko nang maramdamang may bumulusok papalapit sa kinaroroonan ko. Nang makita ko kung ano ‘yon, laking gulat ko nalang nang makitang isa yung shuriken.
Long-ranger.
Umakyat ako nang mabilis sa isang mataas na puno tsaka pinagmasdan ang nasa ibaba. Dahan-dahan ko namang ibinalik ang dagger sa aking bulsa tsaka kinuha ang sniper na nakasabit sa aking likod.
Sa sumunod ay umakyat na ako sa pinaka-tuktok ng puno’t tago sa mga dahon nito. Doon ko inayos ang pwesto ko’t ini-anggulo ang baril na aking dala.
Tumingin ako sa scope nito tsaka dahan-dahang inilinga sa paligid. Hanggang sa namataan ko ang isang babaeng palipat-lipat ng pwesto mula sa isang bato hanggang sa isang bush at pabalik.
Shooting her is difficult. Especially now that she’s running too fast. Pero dahil alam ko na ang daloy ng takbo nito’y agad kong inasinta ang aking baril sa isang bush. Nasa may bato na siya at akmang lilipat na sa bush nang bigla kong kalabitin ang gatilyo.
Tamang-tama ang timing nun at pagpasok pa ng babae sa may bush ay yun din ang dating ng bala ng baril ko dahilan para matamaan siya’t makahandusay.
First kill.
I can’t help myself but to smile. But I know that this is not the right time to celebrate. Masyadong malakas ang ingay na ginawa ng sniper ko kaya ilang minuto mula ngayon ay maraming players na naman ang pupunta rito.
Kailangan kong mag-ingat.
Agad akong bumaba mula sa puno kung saan ako nakatayo ngayon tsaka tumakbo nang mabilis palayo mula sa pinanggalingan ko.
That’s the time when I realized that I was in a game. A survival one. Ibig sabihin ay kailangan kong mabuhay hanggang sa matapos ang oras na ibinigay sa amin. But how would I know the time?
Akmang isu-swipe ko na sana ang kamay ko upang magbakasakaling nando’n ang oras nang may biglang tumama sa may braso ko dahilan upang madapa ako mula sa pagkakatakbo.
Tiningnan ko ang aking paligid tsaka inobserbahan ang lugar. Hindi malayong isa rin ‘yong long-ranger na kagaya ko. Pero hindi na rin ako magtataka kung isa nga ‘yong short-ranger.
Dahil kung long-ranger nga siya’y baka kanina pa ako natamaan sa ulo o sa puso. Pero base sa tama ko ay dumaplis lang ito sa aking braso.
Nilinga ko ulit ang aking paligid saka dahan-dahang kinuha ang mga shuriken sa aking bulsa. Bawat pagitan ng aking mga daliri ay mayroong tig-iisang shuriken.
Kanina pa ako nagmamasid rito’t handa nang tumira nang bigla kong marinig ang paggalaw ng mga dahon sa aking likod kaya agad ko itong nilingon at pinaulanan ng shuriken.
“Ahh!” rinig kong daing nito dahilan para manlaki ang mata ko. Tumakbo ako palapit dito saka tiningnan kung sino ang natamaan.
At ganun nalang ang pagkataranta ko nang makitang si Harisson ito. “Harisson, okay ka lang? Sa’n ka natamaan?” agad na baling ko rito saka siya tiningnan.
Then I found my weapon deeply dug in his arms.
“Tsk! Sorry Harisson. Hindi ko sinasadya.” nakasimangot na paghihingi ko pa ng tawag sa kaniya.
“Shh.” mahinang tugon naman nito sa akin saka nilinga ang paligid. And because of his action, I can’t help myself but to observe our surroundings also.
Maingat kong pinakiramdaman ang paligid. Walang huni ng ibon at mas lalong walang hangin. Hindi ko na rin naririnig ang mga dahon na gumagalaw kaya madali na sa aking marinig kung may bakas ng paang naglalakad.
But my eyes suddenly widen when I realuzed that someone’s choking me from my back. Inilayo niya ako mula kay Harisson dahilan upang hindi ako makahingi ng tulong.
“B- itawan m-moko!” nahihirapang sambit ko pa saka sinubukang tanggalin ang kamay niya mula sa aking leeg. But the opponent was too strong!
Kailangan kong makawala. But how? I am a long-ranger. Hindi ko kayang makipag-laban sa malapitan lalong-lalo na ngayong nasa likod ko na siya’t sinasakal ako. I wish I was a short-ranger also.
Short-ranger.
Agad kong kinapa ang waist ko saka hinanap ang aking dagger. When I finally got a grip of my weapon ay agad ko iyong sinaksak sa kaniyang paa dahilan upang mapa-daing ito’t mabitawan ako.
I immediately ran away a few steps from him tsaka ito hinarap. Nakita ko ang hood niyang kulay pula at base sa postura nito’y isa siyang lalake.
What the heck?!
“Ice!”
Napalingon naman agad ako sa bandang likuran ng lalakeng kaharap ko ngayon nang marinig kong tinawag ang codename ko. Tsaka ko nakita si Kaito na naka-puting hood.
Mage siya?!
Akala ko short-ranger siya dahil sa sobrang pa-cool na dating nito sa academy. Pero hindi ko akalaing ang isang lalakeng katulad niya’y magiging mage lang ng team na‘to.
Eh wait, ano ba ang role ng mage rito?!
Agad ko namang ipinilig ang ulo ko nang maisipang hindi ito ang tamang oras para unahin siya. May kalaban pa akong hinaharap.
“Ice, tapusin mo na siya!” rinig kong sigaw ni Kaito dahilan upang mapa-iling ako.
“Hindi ko kaya! Masyado siyang malapit!” pasigaw na tugo ko naman rito saka napatingin sa akin ang lalakeng opponent namin. Then something pops up above his head dahilan upang mapatingin ako roon.
Fire.
So siya pala yung Fire na sinasabi nila kaninang masyadong ma-pride?! Tsk! Akalain mo nga namang kung makipag-laban sa akin eh akala niya madadala ako sa pasakal-sakal nito. Tsk!
Akmang susugod na sana si Fire sa akin gamit ang baton niya nang bigla kaming makarinig ng isang ingay dahilan upang matigilan kami.
Ilang saglit pa no’n ay bigla nalang kaming bumalik sa academy at kaharap ang game console. Naka-log out na kami.
When I looked at our team, nakita ko rin silang nagkatinginan sa isa’t-isa. “Anong nangyari sa laro?” takang tanong ko pa sa kanila dahilan upang mapatingin sila sa akin.
“Time’s up. Naka-survive tayo maliban sa apat d’yan.” walang pake-alam na tugon ni Kaito sa akin dahilan upang mapa-isip ako.
Anim kami sa isang team. Kung apat ang hindi naka-survive, ibig sabihin—
“Tayo lang ang naka-survive?!” biglang bulalas ko kay Kaito na animo’y gulat na gulat pa.
BINABASA MO ANG
Hailing Throne
FantasyUNEDITED Completed Isang kwento ng babaeng napadpad sa lugar na hindi niya inaasahan. Lugar kung saan masusubok ang kaniyang katatagan sa pakikipaglaban sa mga problema. P.S. Typos and Grammatical Errors Ahead!