Matapos ang hapunan namin sa Main Hall ay nasa tabi ko parin si Headmaster Reign at inilalayo ako kay Josh. Hanggang sa matulog na sina Scalett at ang iba ay nasa tabi ko parin siya. Hindi ko tuloy napigilang mapakamot-ulo dahil sa inis. Bukod kasi sa palaging umaaligid sa akin si Headmaster ay ayaw niya pang tawagin ko siya nang pormal. Gusto niya ay Alexis nalang daw at baka may maka-alam ng identity niya.
“Ready ka na?” tanong pa ni Alexis sa akin na siyang tinanguan ko lang. “Isuot mo nalang ‘tong gear na‘to.” dagdag pa niya saka inabot sa akin ang isang bagay na kawangis ng isang helmet. “Kung sa game lang ‘to ng Academy, ‘yan ang tinatawag nilang game console dahil ito rin ang nagse-save ng data ng character mo sa game.”
“Nasa gano’ng lugar parin ba ako gaya nung game sa Academy?” tanong ko pa kay Alexis habang hawak ang gear na ibinigay niya. “I mean, iisang scenery at goal pa rin ba ang nasa game na ‘to gaya nung previous game na ginawa niyo?”
“Ahh... That. Unfortunately, no.” aniya pa na ikinagitla ko. “Ang tawag sa unang game na ginawa namin ay Hailing Throne. Yang gear na hawak mo ay para sa larong G.O.S.”
Hindi ko naman mapigilang mapakunot-noo sa sinabi niya. “G.O.S.?! Ano ‘yun?” nagtatakang tanong ko pa.
“G.O.S. means Game of Survival.” paliwanag niya pa. “Kung sa Hailing Throne ay kailangan mong sugpuin ang opponent, sa G.O.S. naman ay kailangan mong maka-survive sa mga halimaw na pwedeng umatake sa’yo.” dagdag pa niya saka tumabi sa aking umupo sa hospital bed. “Ang goal mo sa G.O.S. ay ang matalo ang game master.”
“Eh paano ko malalaman kung nasa game master na ako?” tanong ko ulit sa kaniya. But then he just smiled.
“May health points kang makikita sa bawat halimaw na makikita mo. Sa ibabaw ng HP na ‘yon ay makikita mo ang codename nila.” tugon nito saka ako napatingin sa gear na hawak ko. “Pulang HP kung mga kalaban sila at asul naman sa mga halimaw na pwedeng i-tame or in short, mga kaibigan.”
Napatango naman ako sa sinabi niya saka sinuri ang kabuuan ng gear. Halatang maraming mechanism ang ginamit nila rito. At base sa nakikita ko, lahat ng parts nito ay gawa sa mamahaling bakal at hirap makita na mga microchips. Tanging ang loob lang ng gear ang nilagyan ng foam.
“Isuot mo na at nang masubukan mo namang mag-adventure sa game.” rinig kong sambit sa akin ni Alexis kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti lang siyang pinagmamasdan ako. Hindi ko naman mapigilang mapabuntong-hininga.
“Sige.” tugon ko pa saka sinuot ang gear. Humiga naman ako sa hospital bed habang pinagmamasdan lang ni Alexis. “Magkita nalang tayo mamaya pagkatapos ng laro.” sambit ko sa kaniya saka pinindot ang power button. Ilang saglit pa’y nakaramdam na ako ng antok.
When I tried to open my eyes, agad akong napakurap tsaka kinusot-kusot ang mata dahil sa nakakasilaw na liwanag. Inilibot ko pa ang aking paningin sa paligid saka ko nakitang nasa isang gubat ako.
Tanging mga ibong humuhuni lang habang lumilipad sa himpapawid at ang pagaspas ng kanilang pakpak ang tangi kong naririnig habang nasa posisyon ako. Nang makakita ako ng ilog ay agad akong tumakbo palapit doon nang biglang may humarang na isang screen mula sa aking harapan.
‘Enter codename: |’
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang ilagay ang salitang “Ice” bilang codename ko sa laro. Matapos no’n ay bigla nalang itong nawala kaya dali-dali akong lumapit sa ilog para tingnan ang sarili.
But when I finally see my own reflection in the water, my eyes immediately widen as I’ve witnessed what kind of transformation I had. Yung nakalugay kong buhok sa previous game ay ngayo’y naka-pony tail na habang naka-braid. Yung hood kong sobrang-haba ay ngayo’y hanggang hita ko nalang. Yung noong short at t-shirt ko ay ngayo’y naging skirt at long-sleeves na. Lahat ng damit ko’y kukay berde at may silver linings sa bandang dulo.
Para akong pinaghalong Sailor Moon na may pagka-Darna. Pero maganda.
Muli ko na namang tiningnan ang paligid habang kinakapa ang sniper ko sa likod. Nang mahawakan ko na ay agad akong umakyat sa taas ng kahoy at ipinuwesto ang sarili para makatira. Nang may makita akong isang halimaw ay agad ko siyang inasinta. Then I found its HP in red color.
Enemy.
Agad kong kinalabit ang gatilyo ng baril dahilan upang gumawa ito ng ingay sa buong gubat. Yung kaninang mga ibon na nakadapo ay ngayo’y nagsiliparan na palayo. But it was worth it because I saw a word in the upper part of my screen suddenly pops up after I hit the enemy.
And it says ‘Headshot’.
Akmang tatayo na sana ako mula sa pwesto ko nang bigla akong may nakitang silhouette mula sa aking likuran at natatakpan ako nito. Napahinto ako mula aking ginagawa saka dahan-dahang tumingin sa gawi niya.
Saka ko nakita sa itaas na bahagi ng pulang HP nito ang pangalang ‘Wild Beast’.
Hindi ko mapigilang mapa-awang ng bibig dahil sa gulat nung bigla siyang tumayo at sinigawan ako. Kinalmot niya pa agad ako matapos nun tsaka tinapon papunta sa batuhang bahagi ng lupa. Nang bumagsak na ako’y narinig ko nalang ang aking sarili na napa-daing sa sakit.
Ang lakas niya!
Kahit nahihirapan ay nagmadali akong tumayo mula sa pagkakahiga tsaka kinuha ang baril ko sa gun pocket. Nang akmang iaasinta ko na sana ‘yon sa halimaw ay bigla nalang akong tumilapon sa hampas na dulot niya.
Tiningnan ko ang aking Health Points (HP) tsaka ko nakitang 3/4 ng dugo ko na ang nabawas sa akin. Agad kong tiningnan nang masama ang beast at ngayo’y ilang metro na ang layo niya sa akin. Pero hindi na siya umaatake o gumagalaw man lang.
Kaya I immediately grabbed the chance to shoot the beast in two shots. Isa sa puso at isa sa ulo. 3/4 na ng dugo niya ang nabawas nang bigla na naman siyang tumakbo papunta sa akin upang atakihin ako.
Nanginginig man ang kamay ay dali-dali kong inasinta ang bandang paanan niya dahilan upang mapasigaw ito sa sakit bago naglaho. At doon lang ako nakahinga nang maluwag dahil sa nangyari.
Matapos ang kaganapang ‘yon ay bigla na namang lumitaw sa harapan ko ang isang screen na nagsasabing ‘You recieve a health potion’. Walang atubiling kinuha ko naman ito sa inventory ko tsaka ininom. Then I found my HP rising again.
Nang mag-regain na ang health points ko ay agad ko namang hinanap ang log-out button sa menu ng screen. At nang makita ko ‘yon ay walang pagdadalawang isip na pinindot ko naman.
When I woke up from that game ay hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. I feel like my body’s trembling because of adrenaline rush I had in that game. Nang tingnan ko si Alexis sa gawi niya’y nakangiti lang siyang nakatingin sa akin bago ako nilapitan.
“It’s time to go to your class. Kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan mo.” aniya pa saka ako inalalayang tumayo. “Susulpot nalang ako sa pwesto mo kapag nakita kong nasa paligid mo na naman si Josh.”
Nginitian ko naman siya bilang tugon tsaka lumabas ng silid. Kumaway pa ako rito dahilan upang mapatawa siya.
“See you when I see you, Alexis!”
BINABASA MO ANG
Hailing Throne
FantasyUNEDITED Completed Isang kwento ng babaeng napadpad sa lugar na hindi niya inaasahan. Lugar kung saan masusubok ang kaniyang katatagan sa pakikipaglaban sa mga problema. P.S. Typos and Grammatical Errors Ahead!