Hail 20: Connected

37 3 0
                                    

“T-teka lang, Alexis. S-sigurado ka ba sa sinasabi mo?” takang tanong ko pa habang sinusundan ko siya na maglakad sa pasilyo.

This can’t be good. Ang G.O.S. ay iko-connect sa Hailing Throne?! My ghad! The game was been tested for about a hour or two at hindi pa kami sigurado kung may defects nga. Pero bakit parang ang kampante niyang isubok ito sa Hailing Throne?! Paano nalang kung may mangyaring masama sa mga players? Anong gagawin niya?!

“The game has been already tested and based on your reactions and comments, mukhang maganda naman.” nagmamadaling sambit niya saka kami lumiko sa kanan. “And besides, sa dalawang beses mong subok sa larong ‘to ay wala naman akong mabalitaang may depekto, ‘diba?”

“Oo nga pero Alexis, the game was just been tested for about a hour or so. Hindi pa tayo sigurado kung safe ba ‘yan.” pagsasalungat ko pa saka siya huminto sa paglalakad at tiningnan ako.

“But your reaction earlier told me that I have nothing to worry about.“ nakangiting aniya pa na pinanlaki ng mata ko.

For Pete’s sake my reaction earlier was just a lie!

I did it because I don’t want you to feel down by your own work! Gusto kong isigaw ‘yan sa kaniya but I know masasaktan siya kapag sinabi ko ‘yun. Then he’ll accuse me for being the best liar! Argh! What did I just do?!

“B-but reaction is not the bases of the defects in that game. Reaction tells you how exciting your game can be and not into identifying the defects in it, Alexis.” paliwanag ko pa sa kaniya tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad. Argh! Napapagod na ako sa kaniya.

“No matter what you say, iko-connect ko parin ito sa game console, Lee. And that’s final.” rinig kong seryosong sabi niya kaya natigil ako sa paglalakad. Letting him leave me behind.

Argh! That guy is so hardheaded!

Bakit ba naging headmaster ang lalakeng ‘yon kung gano’ng hindi rin naman siya nakikinig sa payo ng ibang tao? Tsk! Sino ba kasi ang nagtanghal sa kaniya bilang Headmaster?! Grrr! Napakasakit talaga niya sa ulo.

Pakamot-ulo ko naman siyang sinundan muli tsaka padabog na naglakad sa pasilyo. Hindi pa man ako nakakalayo ay bigla kong nakita sina Scarlett at agad nila akong pinigilan.

“Oh? Sa’n ka pupunta? Hindi ka pa ba magpapahinga para sa laro mamayang hatinggabi?” takang tanong pa sa akin ni Scar na siyang sininghalan ko lang.

“Mamaya na muna kita kausapin, Scar. May sinusundan pa kasi ako.” nagmamadaling tugon ko pa tsaka akmang tatakbo nang bigla kong maalalang may sasabihin ako sa kaniya. “O siya nga pala Scar, huwag muna kayong maglaro sa game mamayang midnight. Urgent raw eh sabi ni Headmaster.”

“T-teka—”

“Bye!” pigil ko sa kaniya tsaka tumakbo paalis sa lugar na ‘yon upang sundan si Alexis. Tsk! Sana wala nang sagabal sa daan mamaya.

Hindi pa ako nakakalayo mula sa pinanggalingan kung saan ako hinarang ni Scar ay bigla namang lumitaw si Josh sa harapan ko. Napatigil na naman ako sa paglalakad tsaka hinarap siya.

“Sa’n ka pupunta? Ba’t mukhang nagmamadali ka?” takang tanong pa niya sa akin dahilan upang mapasinghal ako.

“Mamaya ko na kayo kakausapin. Sinusundan ko pa kasi si Alexis eh.” sambit ko tsaka pumunta sa mga maliliit na pinto kung nasaan ang game console.

Pagkarating ko roon ay agad kong natanaw si Headmaster na parang may hinahanap. “Alexis!” tawag ko pa sa kaniya tsaka siya nilapitan.

”I wonder where’s your console here.” aniya pa habang hindi ako tinitingnan. “Pakituro naman sa akin Lee oh.”

Buntong-hininga kong itinuro sa kaniya ang console ko tsaka iyon ibinigay sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin nang pagkalawak-lawak dahilan upang mapa-irap ako. “Huwag mong sirain ‘yan. Naka-save lahat ng data ko d’yan.” ani ko sa kaniya.

“Don’t worry.” tugon nito saka ipinasok ang console sa may butas ng gear bago ako tiningnan. “Halika na. Pumasok na tayo sa lab at nang masubukan mo na ito.”

And then again, naglakad na naman kami ni Alexis pabalik sa lab na parang walang problema. Nadaanan pa namin sina Scar, Josh at ang iba pero hindi ko na muna sila pinansin. Instead, pinakiramdaman ko lang si Headmaster.

Maybe the reason why they choose him to become a headmaster because he’s calm. Kahit na sandamakmak pa sigurong problema ang ihain mo sa harap niya’y nagagawa pa nitong ngumiti. ‘Yon siguro ang katangiang meron siya na hindi mo makikita sa iba.

Lihim akong napangiti saka yumuko dahil sa naiisip ko. Biruin mo nga naman, minaliit ko pa ang kakayahan niyang mamuno. Tsk! Halatang wala talaga akong alam sa ganiyang posisyon.

“Bakit ka nakangiti?” I immediately snapped back my conciousness when I heard Alexis muttered. Napatingin ako sa kaniya at animo’y nagtatanong. “I saw you smiling. Care to share the reason behind it?”

“W-wala!” pagsisinungaling ko pa tsaka nag-iwas ng tingin. “M-masama na bang n-ngumiti ngayon?”

“Hindi naman.” rinig kong aniya bago ko siya makita sa peripheral vision ko na tumalikod na sa akin. “Mas mabuti pang mahiga ka na rito sa bed at nang masubukan mo ang collaboration ng dalawang system.”

Sa walang pagdadalawang isip ay tumango ako sa sinabi niya. Umupo muna ako sa bed tsaka inabot ang gear. Inisuot ko na ito tsaka nahiga sa hospital bed at muling sinulyapan si Alexis na nakangiting nakatingin lang sa akin.

The two games has already been connected. I hope walang mangyaring masama sa akin sa loob ng laro. Para ko na rin kasing binubuwis ang buhay ko para lang dito and I can’t help myself but to worry about it.

“See you later pagkatapos ng game, Headmaster!” nakangiting pang-aasar ko sa kaniya tsaka pinindot ang power button.

‘Game Start’.

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon