Hail 13: Being with Him

57 2 0
                                    

“Oh, Zia sa’n ka galing?” bungad pa sa akin ni Scarlett nang makarating ako sa classroom. “Kaninang madaling araw ka pa namin hinahanap nina Kaito kasi hindi kami makapagsimula ng practice kapag wala ka.”

Napalingon naman ako sa gawi niya. “Tinawag kasi ako ni Alexis no’ng time na ‘yun kasi may ipapakita siya sa akin.” pagpapalusot ko pa. Kilala naman nila si Headmaster Reign bilang Alexis eh! Hindi nga lang nila alam. “Eh so, hindi kayo nakapag-practice kanina?”

“Nakapag-practice naman.” kibit-balikat na tugon nito saka binaling ang atensyon sa papel niya. “But the same as usual, nagtatalo parin ang kambal.” dagdag niya pa na nakapagpatawa sa akin.

“Kita mo ‘tong kambal na‘to, nag-aaway parin.” iiling-iling sa sambit ko pa saka humarap sa pisara. “Hayaan mo, sasali na ako sa laro mamaya.”

“Aasahan ko ‘yan ah!” rinig ko pang tugon ni Scarlett dahilan upang mapangiti ako nang saglit. Maya-maya pa’y biglang pumasok na si Mistress Grey para magturo sa amin.

She tackled something about abilities na siyang na-upgrade na raw ng system. Kagabi pa raw nila ito ginawa kaya na-excite ang mga kaklase namin. But sad to say that those abilities can’t be equipped  kapag magko-costumize ng character. Sabi kasi ni Mistress Grey ay ang mga abilities ay makikita at mapupulot lang sa game kapag nakapatay ka ng player. Marami pa siyang sinabi sa amin but I didn’t bother listening about it. And after those long explainations na ginawa niya’y pinasimulan na niya sa amin ang paglalaro.

Akmang lalabas na sana kami ni Scarlett nang may biglang humablot ng kamay ko dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad. Pagkatingin ko kung sino ‘yon ay napa-awang nalang ang bibig ko. “Frostaline, let’s talk.” aniya pa.

Humarap naman ako sa kaniya tsaka siya tiningnan nang may pagtataka. “One minute. ‘Yan lang ang maibibigay ko sa’yo.” tugon ko sa kaniya saka ibinaling ang tingin sa kisame.

“What?! But that’s too—”

“Time is ticking.” pagpuputol ko sa sinabi niya tsaka tumingin sa kamay ko. Wala naman akong relo eh! “Kung wala kang sasabihin na iba ay aalis nalang ako. May game pang naghihintay sa akin.”

“I just want to say sorry.” biglang bulalas niya na nakapagpatigil sa akin. “Sorry for cheating you, Frost. I still lo—”

“Lee!” natigilan naman si Josh sa sinabi niya tsaka napatingin sa likuran ko. Dala narin ng curiosity ko ay napalingon rin ako sa aking likuran. There I found Alexis waving at me. “Lee, kanina pa kita hinihintay.”

“Ahh... Yeah, I forgot.” tugon ko pa saka nilingon muli si Josh. “Sorry. May kailangan pa kaming puntahan ni Alexis eh. Pakisabi nalang kina Scarlett na hindi ako makakapunta sa game. Babawi nalang ako sa kanila sa susunod.”

“P-pero—”

“Bye!” huling sambit ko saka hinila si Alexis palabas ng classroom. Josh has been a pain in my head since I met him. Looks like hindi pa niya nage-gets na hindi ako si Frostaline na ex niya. Tsk! Ang slow.

“So how was the game going?” rinig kong tanong sa akin ni Alexis while we were walking along the hallway the reason why I tilted my head into him. Nakangiti lang siyang nakatingin nang diretso sa daan. “Is it good? Challenging ba?” dagdag niya saka lumingon sa akin.

“Challenging naman. Na-feel ko ang adrenaline rush sa katawan.” sagot ko saka siya binitawan mula sa pagkakahawak. “Kaso masyadong malakas ang kalaban para sa akin. I think I need companions for surviving.”

“Then I shall make the upgrades then.” rinig kong tugon niya na nakapagpatigil sa akin. Humarap ako kay Alexis pero nakangiti lang siyang tumingin sa akin. “Sumali ka na muna sa Hailing Throne at gagawan ko pa ng upgrades ang G.O.S.”

“Kaya mo ‘yun?” hindi makapaniwalang tanong ko pa. But then he just nodded as an answer. “Sige, sige! Kailangan ko rin kasing bumawi kina Scar sa laro. Aasahan ko ang upgrades mamayang 3 pm ah!”

“Masyadong mahaba ang proseso sa paggawa ng upgrades, Lee. It’ll take me days para makagawa ng gano’n sa lab.” tugon nito tsaka nagbilang ng daliri sa kamay. “I think 2 days from now ko pa matatapos. Then iko-connect ko pa ‘yon sa gear kaya mga 3 days rin totally ang process.” aniya pa na siyang tinanguan ko lang.

“So sa 3 days na ‘yun ay ‘di mo ‘ko sasamahan?” tanong ko pa sa kaniya saka siya ngumiti sa akin habang umiiling. “Josh will be everywhere if you’re not around me, you know?”

“I’m sure kaya mo naman siyang i-handle ngayon.” aniya pa. “See you in three days then.”

“Sige. See you!” huling sambit ko saka tumakbo papunta sa game console. Grr! Baka mahuli ako. The last time our Mistress Grey tackled was all about opponents. Ang sabi niya ay gagawa siya ng pairings ng mga magkakalaban sa battle and that would be permanent. Sad to say, ang kalaban namin nina Scar ay sina Fire.

Nang makarating ako sa console ay agad ko na itong pinindot saka pumasok sa game. Nang makita ko ang buong scene ng laro ay napanganga ako sa gulat.

Madaming pasabog na nangyari between two thrones. Nakita ko pa sina Scarlett at ang iba na nilalabanan si Fire habang naga-agaw buhay naman si Harisson sa may tower.

Tiningnan ko ang aking sarili sa game. Naka-shorts na ulit ako nang kulay green tsaka naka hood na sobrang haba. Hindi na rin long sleeves ang shirt ko tsaka nakalugay narin ang buhok ko. But the same as usual, kulay green parin ang lahat ng damit ko na may silver linings maliban sa t-shirt kong kulay puti at may green linings.

Kinuha ko agad ang shuriken ko sa may bulsa tsaka tumakbo palapit kay Scarlett. Pinaulanan ko pa ng shuriken ang kalaban niya bago ako sumandal sa likod nito nang hingal na hingal.

“Ang tagal mong dumating!” rinig ko pang naiinis na aniya dahilan upang mapangiti ako.

“Gano’n raw kasi kapag bida eh.” tugon ko pa saka kinuha ang dagger sa bulsa ko at bumwelo para umatake. “Nahuhuli ng dating.”

Then I ran towards our opponents and fought with them.

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon