Hail 29: Revelations

29 1 0
                                    

“Ice Castle?” panigurado ni Scar na siyang tinanguan ko lang. “That glitch has to be something. Biruin mo, kanina nando’n pa tayo sa river of death tapos ngayon, biglang nasa ice castle agad?”

“Well, we should be thankful. We are now at the last stage of the game.” kibit-balikat na tugon ko na ikinataka nila. “Ice Castle is the Game Master’s Lair.”

Lahat naman sila ay nagulat.

“You mean this is the last? Ito na yung last stage para makalabas na tayo sa larong walang labasan na’to?” Hell assured which I affirmed.

“Ano pa ang hinihintay natin? Edi umalis na tayo!” Light announced kaya nagsimula ulit kaming maglakad.

While we are in the midst of walking, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapa-isip sa posibleng naghihintay sa amin sa loob ng kastilyong ‘yon. ‘Cause the last time we were into the stage, may naghihintay sa aming isang pulutong ng sparrows na kung tawagin ay host. We almost died that time kung hindi lang nag-glitch. I wonder what kind of monster is waiting for us inside.

Giant monsters, maybe? Hindi naman imposible ‘yon. Most of the game arcades, Boss’ identity is usually in a giant form. And if my opinion wasn’t mistaken, kailangan talaga namin ng isang malakas na plano.

“Prepare your weapons, guys.” I heard Scarlett announced dahilan upang bumalik ako sa huwistyo.

“Wait!” I stopped them. “Kailangan nating maghiwa-hiwalay. Fall and I will be entering the main entrance. Fire and Rei, kayo sa likod. Sun and Moon, kayo sa left wing. Hell and Snow, sa right. The rest, prepare for the back-up plan.”

Nang makapasok na kami ni Scarlett sa main entrance ay agad kaming natigilan. The entire hall was all made up of pure ice! Ang sahig, staircase, walls, ceiling, chandeliers, and everything!

Pero ang nakapagtataka’y walang bantay na siyang inaasahan namin.

“I think the game master was up to something.” sambit pa ni Scarlett na siyang sinang-ayunan ko.

“Mukhang alam na niya na narito tayo.” tugon ko.

“Well, siguro kailangan muna nating maghintay sa iba bago tayo sumulong.” aniya pa tsaka nag-indian seat sa yelong sahig. “Mahirap na ma-deds sa huling stage ng laro.” dagdag nito tsaka nagbasa muli ng libro.

Well, Scarlett has a point. Hindi kami pwedeng magpadalos-dalos lalo na’t nasa huling yugto na kami ng laro. Plus the fact na yung planong ginawa ko kanina ay isa lamang indication sa kanila.

The entire place is made up of ice. Ice is a solid form of matter. Therefore, kapag may sisigaw, madaling mag-echo ito sa buong palasyo na siyang magiging signal namin sa isa’t-isa na may nangangailangan ng tulong. Then that will be our time para kumilos.

But still, the plan isn’t as concrete as other plans we have. Lalo pa’t hindi namin alam kung ano at sino ang game master. Hindi namin alam ang weakness niya na siyang makakatulong sa amin sa laban.

“FROSTALINE!”

Agad akong napatayo nang wala sa oras nung marinig ko ang aking pangalan na tinawag ni Fire. Napatayo na rin si Scar sa tabi ko at hinanda ang espada niya sa laban.

“Galing sa itaas ang boses.” sabi ni Scar na siyang tinanguan ko. “Sa palagay ko’y nahanap na nila ang Game Master.”

“Hindi ko kokontrahin ang sinabi mong ‘yan.” ani ko tsaka kinuha ang shuriken sa aking bulsa. “Halika na!”

Agad kaming umakyat ni Scarlett sa ikalawang palapag ng palasyo tsaka namin nakita roon sina Fire at Hell na halatang namumutla na.

“Guys! Anong nangyayari?!” bungad ko sa kanila dahilan upang pabalik-balik ang tingin nila sa akin at sa isang pader kung saan sila nakatingin kanina.

When I looked at the place where they were looking at ay biglang nanlaki ang mata ko nang makita ang isang salamin kung saan mayroong babae na kamukhang-kamukha ko talaga.

“Sino siya?!” tanong ko.

Imposible naman kasing repleksyon ko ‘yan. I wore an winter clothes while the woman in the mirror had a simple blue dress around her.

“Josh...” ani pa ng babae na siyang dahilan upang mag-palpitate ang puso ko.

Kilala niya si Josh.

“Ice, siya si Frostaline.” I heard Scar whispered dahilan upang manlumo ang katawan ko. “Siya ang orihinal na ka-grupo namin at ang ex ni Josh.”

Imposible. Kamukhang-kamukha ko siya.

“Josh... T-tulungan mo’ko.” mangiyak-ngiyak na sambit ni Frostaline sa loob ng salamin dahilan upang mapatayo ako at lumapit sa kaniya.

“I... can’t believe this.” sambit ko at akmang hahawakan ang salamin nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang-braso. “Ahhhh!”

“ICE!”

Hinihila ako ni Frostaline papasok sa salamin!

“Tulungan niyo ‘ko!” sigaw ko sa kanila habang pinipilit na makawala sa pagkakahawak ni Frostaline.

“Josh... T-tulungan mo‘ko.” aniya pa habang hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin.

“Arghhh! Tulong! Tulungan niyo ’ko!” sigaw ko pa nang biglang may bumulusok na nag-aapoy na pana papunta sa kamay ni Frostaline dahilan upang mabitawan niya ako.

“Ice, okay ka lang ba?” tanong pa ni Scar sa akin tsaka ako ini-atras palayo sa salamin.

“Okay lang ako.” sambit ko tsaka nagpalinga-linga sa paligid. “Asan si Fire?”

“Looking for me?”

Napatingin naman kami sa likuran nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalake. When we finally found where the voice came from, agad na nanlaki ang mga mata namin sa nakita.

Si Fire, may hawak na lalake sa leeg na si Fire rin.

Teka!

Dalawang Fire?!

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon