“Turner!”
Napalingon agad ako sa aking likuran nang marinig kong may tumawag kay Scar. Then I found a group of people weaving at us, smiling. Hindi ko naman mapigilang mapa-kunot noo.
May dalawang lalake na kambal at mukhang mga baliw, may lalakeng pa-cool, at isang lalake ring simple at palangiti. Lahat sila’y nakatingin sa amin the reason why something pops up in my mind.
Don’t tell me sila ang mga kaibigan ni Scarlett?
“Oh, guys dito!” rinig ko namang sambit ni Scar kaya napatingin ako sa gawi nito. Nakangiti rin siyang kinakawayan ang mga lalakeng ‘yun.
A moment after she said those words ay nasa tabi na namin ang mga lalake’t naka-upo mismo sa harap namin at nakangiti.
“Grabe Scarlett! Ang lakas talaga nung Fire na ‘yun.” biglang sambit nung isa sa mga kambal habang tinatapik ang balikat ng kapatid nito. “Biruin mo ba naman, sa lahat ng ka-grupo niya, siya lang ang lumaban tapos daig pa kami?!”
“Oh talaga? Sila na naman ang kalaban natin?” tugon naman ni Scar at halatant gulat. “Tsk! Grabe talagang Fire ‘yun. Masyadong ma-pride! Grabe, ang taas ng level!”
“Eh pero bakit wala kayo ni Frost kanina sa laro, ha?” biglang sabat naman nung lalakeng palangiti. Nabaling tuloy ang tingin ko sa kaniya. “Masama na naman ba ang pakiramdam ni Atticus?” dagdag nito saka napatingin sa akin.
Hindi ko naman napigilang manlaki ng mata dahil sa gulat. “H-hindi! Wala akong sakit. N-nagpaturo lang ako kay Scar kung paano gamitin ang s-sniper.” nauutal na sagot ko saka umiwas ng tingin sa kaniya.
“Ha? E ‘diba forte mo yun? Bakit nagpaturo ka pa?” rinig ko namang sabat nung lalakeng pa-cool kaya nagulat na naman ako.
“A-ahh... K-kasi—”
“Nagpaturo siya kung paano gumamit ng sniper habang naka-triple weapon.” pagpipigil ni Scar sa sinabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti lang siya sa akin. “Yun ang ibig sabihin niya.”
“Ha? May balak si Frost na mag-triple weapon? Para saan?” rinig ko naman sabat ng isa sa mga kambal. Yung kaninang tinapik sa balikat.
Napatingin naman si Scarlett sa kaniya at nginitian lang niya ito. Hayst! Kung hindi dahil sa babaeng ‘to, kanina pa ako nabuko na hindi talaga ako ‘yung Frostaline na palagi nilang kausap. Ayoko pa namang pag-usapan ang tungkol do’n lalo na’t hindi ko rin alam kung bakit at paano.
“Alam niyo, pumasok na muna kaya tayo sa hide-out natin, ‘no? Kanina pa ‘to pagod si Zi—I mean si Frostaline eh! Patulugin muna natin, okay?” I snapped back my conciousness when I heard Scarlett muttered something. Napatingin agad ako sa gawi nila. Lahat sila’y nakatingin sa akin.
“Oh? Anong klaseng mga tingin ‘yan ha?” nagtatakang tanong ko sa kanila saka tumayo mula sa kinauupuan.
“Gusto mo buhatin kita, Frost?” rinig ko pang sambit nung lalakeng palangiti. Hindi ko tuloy napigilang mapa-kunot noo sa gulat.
“Naku, huwag na. Kaya ko namang maglakad eh!” walang pake-alam na sagot ko saka dire-diretsong naglakad pabalik sa game console.
I am avoiding, yes. Hindi ko lang mapigilan eh. Lalo pa’t yung mga taong kaharap ko’y hindi ko naman makilala. Nakaka-out of place!
“Zia!”
Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig si Scar na tinatawag ako. When I looked at my back, nakita ko siyang tumatakbo palapit sa’kin.
“I’m sorry, Zia. I forgot to introduce you our friends. Ang alam lang kasi nila’y ikaw parin si Frostaline na sharp shooter ng team namin.” sambit pa niya na nakapagpakunot ng noo ko.
“Team niyo?” takang tanong ko pa saka siya tinuro. And she nodded.
“Yeah. Halika, ipapakilala ko sila sa’yo nang patago.” aniya bago ako hilahin pabalik sa may pintuan ng cafeteria. “Nakikita mo ba ‘yung lalakeng ‘yun?”
Hindi ko naman mapigilang mapakunot-noo sa tinanong ni Scar tsaka tiningnan ang pwesto namin kanina. “Scar, lahat sila mga lalake.”
“Ayy, oo nga pala. I forgot.” rinig kong sambit nito saka ko siya nakitang napakamot sa ulo through my peripheral vision. “Yung kambal. Yung naka-red ay si Blake habang yung naka-blue naman ay si Drake.”
Si Drake yung isa sa kambal na tumapik sa kapatid niyang si Blake kanina. Masaya silang nag-uusap kung titingnan mula rito kaya hindi ko mapigilang ngumiti.
Sana may ganyan din akong kapatid.
“Yung lalakeng pa-cool naman ay si Kaito habang yung mabait na palangiti sa kanila ay si Harisson. Sila ang bumubuo ng team natin.” rinig ko pang paliwanag ulit ni Scar dahilan upang mapalingon ako sa gawi niya.
“Kanina ka pa sa team-team na ‘yan eh! Para saan ba kasi yung team?” parang naiinip na tanong ko sa kaniya dahilan para matawa ito.
“I forgot to tell you, okay?” ani nito sa akin saka ako inakbayan. “Eto na nga. Every game, may dalawang teams ang magkakalaban. A team should have exactly six members. And in a battle, kailangan nating sirain ang trono ng kampo nila para manalo tayo. And to do that, kailangan muna nating sagupain ang mga bantay nito or should I say, mga opponent natin, which refers to the other team or players. Gets mo?”
Wala pang isang segundo ay mabilis akong tumango-tango sa sinabi niya. We only have to beat the other players in order for us to win the game. Gets ko na.
“Hindi ba tayo magpa-practice?” takang tanong ko naman sa kaniya. I also wanted to know the abilities in every member of our team. Para hindi na mahirap sa aking mag-adjust.
“Yung player versus computer ba?” tanong nito sa akin na agad ko namang tinanguan. “Wala eh. Walang practice na ganun dito. Training area lang talaga. Sabi kasi ni Headmaster Reign, unfair daw yun sa ibang player.”
At sino na naman ba ‘tong Headmaster Reign na ‘to?!
Unang araw ko palang dito, ang dami nang kailangang sauluhin na mga pangalan at taktika. Tsk! Hindi naman siguro sasabog ang utak ko sa gan’tong sitwasyon. Nagbabasakali lang.
“Anyways, halika na nga! Sali nalang tayo sa survival game mamayang 3 pm. Good for 5 minutes lang rin ata yun eh.” rinig kong sambit nito saka ako hinila palapit sa team daw namin. “Guys, pahinga muna tayo. Inaantok na ‘ko eh!”
“Sige, sa hide-out nalang para magising namin kayo kapag malapit na ang 3 pm.” tugon naman ni Harisson habang nakangiting nakatingin kay Scar.
“Sige, sige. Halina kayo.” sang-ayon pa no Scarlett saka naunang maglakad kaysa sa amin. Sumunod rin ang mga lalake sa kaniya habang ako ang nasa hulihan.
I can’t help myself but to stare at their backs. Teammates? Can I call them friends by now? Kasi pakiramdam ko, parang gano’n sila. Hindi ko mapigilang mapangiti sa aking iniisip saka nagpatuloy sa paglalakad.
Teammates? Mukhang masaya nga yun.
BINABASA MO ANG
Hailing Throne
FantasyUNEDITED Completed Isang kwento ng babaeng napadpad sa lugar na hindi niya inaasahan. Lugar kung saan masusubok ang kaniyang katatagan sa pakikipaglaban sa mga problema. P.S. Typos and Grammatical Errors Ahead!