Hail 28: Ice Castle

17 0 0
                                    

I know there’s something problem about this game. Pero ang mag-glitch sa game? Parang anlayo sa inaasahan kong depekto. Idagdag mo pa na hindi ko alam kung saan kami napadpad ngayon, we are now totally lost!

Nilapitan ko si Scarlett sa tabi ng public market ng game na mukhang malalim ang iniisip. “Hey, Fall.” I called her which made her snap back her consciousness. “Ang lalim ng iniisip mo ah.”

Umupo naman ako sa tabi niya tsaka siya bumuntong-hininga. “I am just confused about Fire’s identity.” aniya pa dahilan upang kumunot ang noo ko sa pagtataka.

“What do you mean?” I asked her.

“Kilala namin nina Kaito si Fire na ma-pride. Hindi siya humihingi ng tulong sa iba even though nasa bingit na siya ng kamatayan.” tugon ulit nito saka tumingin sa akin. “Not until now na nandito tayo sa game na walang labasan.”

Hindi ko mapigilang malito sa sinabi niya. “So?” tanging tugon ko.

“Anong so?” she asked. “Fire is changing, Zia! Pakiramdam ko, hindi na siya yung Fire na kalaban natin noon.”

“Well, baka nagbago na siya.” opinyon ko.

“Hello? Paano mo masasabing nagbago siya eh hindi nga natin siya purely na kilala in and out sa game.” aniya pa tsaka tumayo mula sa kinauupuan. “Tsaka isa pa, he’s mysterious. Paiba-iba siya ng mood. Alam mo ‘yon? Para siyang—”

“Defect ng game?” pagtutuloy ko sa sinasabi niya dahilan upang mapapitik ito ng daliri.

“Yes! That’s the right word I was talking about. Para siyang defect ng game.”

“Alam mo Scar, ang defects ay gumagana lang sa mga virtual world at hindi sa mga characters.” pailing-iling na tugon ko tsaka tumayo na rin mula sa kinauupuan. “Malabong mangyari na magiging depekto si Fire. Character siya.”

“Well I already scanned the whole game manual made by our oh so good-looking headmaster na si Alexis.” aniya pa dahilan upang manlaki ang mata ko sa gulat. How did she know? “And it stated na ang defect daw ay pwedeng kumalat sa iba’t-ibang parte ng laro. Including the game characters.”

“Baka naman may twist sa laro na ‘to, Scar.” I contradicted habang naglalakad kami. “Malay mo, instead na hanapin natin si Game Master eh si Fire pala ‘yon.”

“So you’re saying that you’re gonna kill Fire? Without him knowing?” segunda niya dahilan upang mapahinto ako.

“Hindi naman sa gano’n—”

“Ice! Fall!”

Agad napahinto ang pag-uusap namin ni Scar nang marinig si Fire na tinatawag ang pangalan namin. He’s waving his hands on the air habang palapit siya sa gawi namin. “Tingnan niyo, may nabili kami nina Hell na mga potions na pwede nating gamitin sa laban.” aniya habang pinapakita sa amin ang bag niyang puno ng gamit. “Dapat bumili rin kayo for emergency purposes.”

Nagkatinginan naman kami ni Scarlett nang sandali habang nagkibit-balikat siya. More like she’s saying na “I told you he’s different now.” bago ibalik ang tingin nito sa inventory ni Fire.

Well, maybe Scar had her conclusions about Fire. As a leader, dapat naoobserbahan niya ang galaw ng bawat members para makapag-adjust sa tactics nito. And I admit she has a good reflexes para malaman ‘yon.

But I am not that serious when it comes on judging other people. Kailangan ko munang makasiguro na si Fire ay hindi siya. May chance pa naman na tumama ang conclusions ko eh! Mga 0.01% nga lang.

Whatever!

“Kailangan na nating dumiretso sa nakagawiang plano. If buying these kind of stuffs is necessary, then make it quick. Hindi pa natin alam kung nasaan tayo. Kailangan pa nating kumilos.” I told them saka sila nagsitanguan. “Tawagin niyo na ang lahat within 10 minutes. Pagkatapos no’n ay aalis na tayo.”

“Magbabasa nalang ako sa tabi.” rinig kong sambit ni Scar bago ako umakyat sa sanga ng puno at nagpahinga.

If Scarlett is right about her conclusions towards Fire, edi malaki ang posibilidad na delikado ang characters namin ngayon. Same on the defect about this game, wala na kaming log out. And if my opinion wasn’t mistaken, there’s a big possibility na baka maging NPC (Non-Player Character) din kami sa larong ito, forever.

And I don’t want that to happen.

“Hey, Ice!”

Napalingon agad ako sa taong tumawag sa akin. There I found the two teams under my location. “We’re about to head off. Halika na!” sambit pa ni Scarlett kaya agad akong bumaba mula sa puno.

“Hindi ko alam kung nasaan tayo ngayon kaya hindi ko muna magagamit ang mapa natin.” paalala ko sa kanila. Then they all nodded. “All we just have to do is to follow the straight path opposite from where we came from.”

“Well then let’s go.” Kaito announced kaya agad kaming naglakad.

Kakalampas palang namin sa public market ng game nang biglang lumamig ang temperatura sa paligid. Lahat kami’y napayakap nalang sa sarili dahil sa sobrang ginaw. And from afar, I saw a land full of snow with a heavy snowfalls.

“Temperature’s getting low. Baka hindi natin kayanin.” anunsyo ni Fire kaya napatigil kami sa paglalakad.

“Kailangan nating gumawa ng clog para sa snow.” tugon ko. “May nabili ba kayong clothes?”

“Bumili si Light kanina ng mga extra. Baka pwede yun.” sagot pa ni Rei kaya napatingin agad kami kay Light.

Wala naman siyang nagawa kundi ilabas ang mga damit na pinamili niya.

“Just take care of it. Hindi ko pa nagagamit ang mga ‘yan.” aniya pa habang sinusuot na namin ang mga damit.

The clothe is warm and stylish. In fairness, magaling pumili si Light. Siguro mahilig din siya sa fashion. I wonder who is she outside of the game.

“We’re all set. Halina kayo!” sambit ni Ice kaya agad kaming naglakad ulit.

Hindi pa man kami nakakalayo sa lugar ay nakita namin ang isang malaking palasyo na gawa sa yelo. Maraming matutulis na dulo ito at maganda ang disenyo. Well, maybe the game constructed it nicely.

Kinuha ko naman ang mapa sa aking inventory, hoping that I will know where we are now. Tsaka ko nakita ang isang parte sa mapa na siyang sinisigurado kong lugar kung saan kami ngayon.

“Guys, I think we made it.” sambit ko sa kanila at tinago muli ang mapa. “Nandito na tayo sa Ice Castle.”

Hailing ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon