Part 19

8.5K 296 2
                                        

HALOS papasikat na ang araw nang umalis si Alice sa unit ni Aki para magtungo sa sarili niyang unit. Dahil pareho silang wala pang tulog nagdesisyon silang bandang tanghalian na uli magkita para sabay silang kumain bago mag-ayos sa living room ng binata.

Ang balak ni Alice ay magising ng mas maaga para makapagluto at dalhin na lang sa unit nito. Kaso dala ng lampas isang linggong walang pahingang trabaho ay alas dose na siya ng tanghali nagising. Kung hindi pa niya narinig ang tugtog mula sa kabilang panig ng pader ng silid niya ay hindi pa siya maaalipungatan. Napabalikwas pa siya ng bangon at nagmamadaling naligo at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas siya ng unit at pinindot ang doorbell ng kapitbahay.

Sandali lang ay bumukas na ang pinto at sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Aki. "Hey."

"Hi. Tinanghali ako ng gising," apologetic na sagot ni Alice.

Niluwagan nito ang pinto upang makapasok siya. "Walang problema. Kakatapos ko lang magluto ng tanghalian."

"Nagluto ka?" gulat na bulalas niya.

Kumislap ang amusement sa mga mata nito at hinigit siya papasok ng unit nito bago isinara ang pinto. "Sanay akong mamuhay mag-isa kaya marunong ako magluto ng simpleng putahe." Pagkatapos ay inabot nito ang kaniyang kamay at pinaglingkis ang kanilang mga daliri na para bang napakanatural lamang sa binata na gawin iyon. Sumikdo ang puso ni Alice pero hindi tulad ng mga nakaraang beses ay hindi siya nagkaroon ng udyok na lumayo. Marahil dahil mula kagabi, nang marinig niya ang musikang nagawa nito dahil sa kaniya ay may isang layer ng depensa niya ang natunaw.

Hinatak siya ni Aki patungo sa kusina kung saan ay nakahain na ang lamesa. Pasta, vegetable salad at steamed seasoned chicken ang mga pagkain sa lamesa. "Isa kang aktres hindi ba? Kaya light meal lang ang hinanda ko."

Umangat ang mga kilay ni Alice. "Alam na alam mo yata ang eating regimen ng isang tulad ko. Nagkaroon ka ba ng karelasyon na artista?" bulalas niya bago pa niya napigilan ang sarili.

Natigilan si Aki at sandaling akala niya ay iiwas na naman ito sa usapan. Subalit nagkamali siya. "Hindi artista. Singer," tipid na sagot ng lalaki.

Si Alice naman ang natigilan. Hindi niya alam kung matutuwa siya na hindi na umiwas si Aki sa tanong niya o maiinis sa sarili na nagtanong pa siya. "I see," nausal na lang niya at itinutok ang atensiyon sa lamesa. "Nagugutom na ako."

Hinatak ni Aki ang isang silya at iminuwestra siyang umupo. Tumalima siya. At katulad ng dati ay sa tabi niya uli umupo ang lalaki. Nakikita niya sa mga mata nito na nagtataka ito na hindi na siya nagtanong pa tungkol sa ex-girlfriend nito. Nagkunwa si Alice na hindi napapansin ang pagtataka nito. Dahil sa totoo lang ay ayaw niyang marinig ang tungkol sa past love life ni Aki. May pakiramdam kasi siya na masisira ang araw niya kapag narinig niya iyon.

Pagkatapos nilang kumain ay sandali lang silang nagpahinga bago dumeretso si Alice sa living room at inalis ang karton ng mga pinamili nila. Bigla na siyang nasabik nang makita sa personal ang mga nakita lang niya ang larawan sa online shop.

"Anong puwede kong itulong?" tanong ni Aki.

Lumingon siya rito at ngumisi. "Magbubuhat ka."

Sandali pa ay abala na sila pag-aayos ng living room. Medyo nahihirapan nga lang si Alice sa pagkilos dahil nakalimutan niyang mag ponytail sa labis niyang pagmamadali kanina. Nakalugay tuloy ang mahaba niyang buhok at palaging humaharang sa paningin niya kaya kailangan niyang hawiin ng hawiin. Nang muling tumabing sa mukha niya ang buhok niya nang yumuko siya upang kunin ang painting na ididikit niya sa pader ay napabuga siya ng hangin at dumeretso ng tayo.

"Aki, ikaw na nga ang –" Natigilan si Alice nang mapagtanto na wala sa living room ang binata. Iginala niya ang tingin at may narinig siyang kaluskos mula sa loob ng master's bedroom. Marahil ay may kinuha roon si Aki. "Fine," bulong niya at muling yumuko upang buhatin ang painting. Tumakip na naman sa mukha niya ang buhok niya.

SCANDAL MAKERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon