NAGISING si Alice na nakasubsob ang mukha sa unan na isang singhot pa lang niya ay alam niyang hindi kanya. Amoy Aki ang unan na iyon. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Base sa mabining liwanag sa silid ay mukhang umaga na. Mag-isa lamang siya sa kama. Tuluyan siyang nagising at napabangon ng upo. Hinanap niya ng tingin si Aki pero wala ang binata sa silid. Natutok ang atensiyon niya sa pinto na bahagyang nakaawang. Lumapit siya sa gilid ng kama at ibinaba sa sahig ang mga paa at wala sa loob na tumayo.
Napasinghap siya nang muli siyang mapaupo dahil nanlalambot ang mga tuhod niya at parang walang lakas ang buo niyang katawan. Napayuko si Alice sa kahubdan niya at noon biglang bumalik sa isip niya ang lahat ng mga nangyari kagabi. Napaungol siya at isinubsob sa mga palad ang nag-iinit niyang mukha. Talagang may nangyari sa amin. Buong gabi. Na parang isang hayok na babae. "Oh, my God," nahihiyang bulalas ni Alice kahit mag-isa lang naman siya sa kuwarto. Mariin siyang pumikit.
Matapos ang naging akto niya kagabi ay ngayon tinatamaan ng labis na kahihiyan si Alice. Kagabi ay umakto siya na para bang sanay siyang makipagniig sa isang lalaki. Kahit ang totoo ay minsan lang niya ginawa iyon pitong taon ang nakararaan. Pero kagabi, kay Aki, parang may ibang bahagi ng pagkatao niya ang biglang nabuhay at kumilos sa sarili nitong kagustuhan, hindi nakinig sa utak at moralidad niya.
Pero kahit nahihiya si Alice ay wala siyang makapa ni katiting na guilt o pagsisisi. Na para bang napakanatural lamang na gugulin ang buong gabi sa piling ni Aki. At nang magsanib ang kanilang mga katawan, pakiramdam niya umayos ang lahat na tila jigsaw puzzle na nabuo. As if being with him is really the place where she belongs.
Napadilat si Alice nang may marinig na tunog mula sa spare bedroom na ginawang working area ni Aki. Sumikdo ang puso niya nang masiguro na nasa kabilang silid lamang ang binata. Iginala niya ang tingin at napansin na maayos na nakatupi ang mga damit niya sa bedside table. Sa ibabaw niyon ay may nakatupi ring roba. Mas maingat siyang tumayo sa pagkakataong iyon at kahit nanghihina pa rin ang mga tuhod niya ay nagawa niyang isuot ang roba. Lalabas na sana siya pero napatingin siya sa magulong kama. Hindi siya nakatiis at inayos muna ang mga unan, pinalantsa ng mga palad ang bedsheet at saka itinupi ang kumot. Nang makuntento ay saka lang siya naglakad palabas ng master's bedroom at nagtungo sa kabilang silid na bukas na bukas ang pinto.
Nakita ni Alice si Aki na nakaupo sa harap ng computer at may kinakalikot sa console at keyboards. May nakasabit na headset sa leeg nito at kahit sa bungad ng silid ay naririnig niya ang musika na nagmumula sa headset. Ang suot lang nito ay ang pantalong hinubad nito kagabi. Hindi pa nga iyon nakabutones. Mukhang labis ang konsentrasyon nito sa ginagawa kaya hindi siya napapansin. Pero ayos lang sa kaniya kasi gusto ni Alice ang nakikita niya. He looks handsome when he wears that kind of expression on his face. Narealize niya na ang hitsura ni Aki kapag nakatutok ang atensiyon sa musika ay kapareho ng ekspresyon nito kagabi, when he was making love to her.
Uminit ang mukha ni Alice sa itinatakbo na naman ng isip niya. Huminga siya ng malalim upang hamigin ang sarili bago nagsalita, "Aki."
Napalingon sa kaniya ang binata at agad umaliwalas ang mukha. Ngumisi si Aki at inalis ang headset sa leeg. "Good morning," sabi pa nito at inilahad ang kamay na para bang inuudyukan siyang lumapit.
Natagpuan ni Alice ang sarili na gumaganti ng mainit na ngiti habang naglalakad palapit sa binata. Inilahad niya ang kaniyang kamay hanggang sa maabot nito iyon. Pagkatapos ay saka siya nito maingat na hinigit palapit hanggang nasa pagitan na siya ng mga hita nito. "Iniisip ko kung nasaan ka nang magising ako na wala ka," aniya rito.
Pumaikot ang isang braso ni Aki sa baywang niya upang lalo pa siyang mapalapit dito habang itinaas naman nito ang kamay niyang hawak nito sa mga labi at ginawaran iyon ng magaan na halik. "May naisip akong melody habang pinagmamasdan kitang natutulog. Balak ko sana na kapag natapos ko gawin dito ay babalik ako sa tabi mo."
May init na humaplos sa puso ni Alice. Yumuko siya at ginawaran ng mabilis na halik sa pisngi ang binata. "Puwede ko ba marinig?"
Ngumiti si Aki. Pagkatapos ay kinuha ang headset at isinuot sa kaniya. May kinalikot sa computer ang binata hanggang pumailanlang sa pandinig niya ang isang musika. Napangiti si Alice. The melody is warm and making her giddy. Malaking pagkakaiba sa unang narinig niyang gawa ni Aki. But it is still a beautiful music that tugs on her heartstrings. Kahit tapos na ang tugtog ngising ngisi pa rin siya. "Love song ito, hindi ba?"
Ngumiti si Aki at kumislap ang mga mata. "Yeah."
Umangat ang mga kilay ni Alice. "Don't tell me in love ka sa muse mo?" biro niya.
Lalong lumawak ang ngiti ng binata at niyakap siya. "Yeah."
Nanigas ang ngiti sa mukha niya at napamaang kay Aki. Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng binata. Muli nitong ginagap ang isa niyang kamay at sinalubong ng tingin ang mga mata niya. "Alice De Dios, may sinabi ka kahapon kay Larry that really bothered me."
Napakurap siya. "A-alin 'don?"
Sumeryoso ang mukha ni Aki. "Ang sabi mo sa kaniya hindi mo ako boyfriend. Hindi ko pala gusto ang pakiramdam na walang tawag sa relasyon nating dalawa. So, mula sa oras na ito, pwede mo ba akong maging boyfriend?" bahagyang nakangiti na tanong ni Aki.
Umawang ang mga labi ni Alice. Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ay naramdaman na lamang niya ang pag-iinit ng kaniyang mga mata at ang halo-halong emosyong lumukob sa puso niya. Niyakap niya ang leeg ni Aki at isinubsob ang mukha sa leeg nito. "Yes," usal niya.
Niyakap siya ng mahigpit ni Aki. "Good," usal nito na kahit hindi niya nakikita ay alam niyang nakangiti. Napangiti na rin si Alice sa kabila ng pamamasa ng kaniyang mga mata. Hindi niya akalain na darating ang panahon na maiiyak siya ng ganoon sa tuwa dahil lamang nagkaroon siya ng boyfriend. She thought she was too old for these things. Pero pagdating pala talaga sa pag-ibig, walang rules, walang age limit. Teenager ka man, o nasa twenties o kahit katulad niyang thiry five years old, ay makakaramdam pa rin ng kilig at kaligayahan kapag nasusuklian ng taong gusto mo ang nararamdaman mo. When you like someone, nothing else matters. At least para kina Alice at Aki.
Iyon lang, iba ang opinyon ng nakararami tungkol sa kanilang dalawa. Subalit nang mga sandaling iyon ay pareho silang walang ideya tungkol doon.
MINSAN bilib si Alice sa lakas ng kaniyang kutob. Naisip niya, habang tumatanda nga kaya ang isang tao ay lumalakas ang intuition?
Pagsapit nang hapon at kababalik pa lamang niya sa sarili niyang unit nang tumunog ang cellphone niya. Hindi pa man niya nakikita kung sino ang tumatawag ay kumabog na ang dibdib niya sa kakaibang kaba. At nang makita ang pangalan ni Tita Bebs sa screen nang cellphone niya ay ilang segundo pa siyang napako lang sa kinatatayuan. Pakiramdam ni Alice ay may hatid na masamang balita ang manager niya. O marahil kaya lamang siya nagkakaganoon ay dahil alam niyang may ginawa siyang ikagagalit ni Tita Bebs.
Nagpatuloy sa pag-ring ang cellphone niya. Huminga siya ng malalim bago alanganing sinagot iyon. "Tita Bebs."
"Ang tagal mo sumagot. Ibig sabihin alam mo na may ginawa ka na hindi ko nagustuhan, hindi ba?" agad na sagot ng manager niya.
Napangiwi si Alice. "Anong ginawa ko?" kabadong tanong niya. Nalaman ba kaagad ng manager niya ang nangyari sa kanila ni Aki kagabi? Pero ang bilis naman yata. At paano nito nalaman ang tungkol doon?
"Ikaw ang usap-usapan ng netizens! Nagkalat sa internet ang larawan mo na pinag-aagawan ng dalawang lalaki. Tinawagan pa ako ng mga kilala kong reporter kaya ko nalaman. Ilalabas daw nila sa diyaryo at balita ang tungkol doon. And worst, isa daw sa lalaking kasama mo ay ang rumored boyfriend ni Coleen. Anong ibig sabihin nito, Alice?" palakas ng palakas ang boses ng manager niya habang nagsasalita. Ibig sabihin ay nag-pa-panic na ang may edad na babae.
Agad rumehistro sa isip ni Alice ang nangyari sa coffee shop kahapon. Malamang isa sa customer doon ang kumuha ng larawan nila. Napahugot siya ng malalim na paghinga at napasalampak ng upo sa sofa. "Tita Bebs, mali ka ng iniisip. Kaya kong ipaliwanag ito," sabi niya.
"Kung ganoon ay magsimula ka nang magpaliwanag."
![](https://img.wattpad.com/cover/203907287-288-k678566.jpg)
BINABASA MO ANG
SCANDAL MAKERS
RomansaDalawang dekada na sa show business si Alice De Dios. Hindi man halata sa kaniyang pisikal na hitsura ay malapit na siyang mag-thirty-six. But she was still single. Katunayan ay natanggap na niya sa kaniyang sarili na tatanda siyang mag-isa. She wa...