Part 25

7.9K 263 4
                                    


MATAGAL bago umalis ng apartment ni Coleen sina Alice at Aki. Sa totoo lang ay ayaw pa sana niyang iwan ang babae kahit na kumalma na ito. Kaya lamang ay si Coleen na mismo ang nagsabi na umuwi na sila. Kailangan daw nito mag-isip ng maayos. Kaya pinagbigyan ni Alice ang babae.

Nakabalik na sila sa condominium building nila ay inaalala pa rin niya si Coleen. Lalo na ang coincidence na si Larry pala ang boyfriend nito. Ayaw man niya ay may posibilidad na magkita uli sila ng lalaking iyon at sa totoo lang ay ayaw niyang ipaalam kay Coleen ang naging relasyon nila noon. May pakiramdam kasi siya na magiging komplikado ang lahat kapag nangyari iyon.

Nakapasok na sila sa loob ng unit niya nang marealize ni Alice na kahit si Aki ay tahimik buong biyahe nila pabalik. Siya na tuloy ang nagkusang abutin ang kamay ng binata at marahan iyong pinisil. Napatingin sa kaniya si Aki at bahagyang ngumiti. "Ito ang unang beses na ikaw ang humawak sa kamay ko. Kaninang umaga rin, ikaw ang unang humalik sa akin. You are proactive today huh?" biro nito.

Uminit ang mukha ni Alice pero hindi niya tinangkang bitawan ang kamay ni Aki. Nagkibit balikat siya at bahagya ring ngumiti. Tinitigan niya ang mukha ng binata at biglang naalala ang rebelasyon nito kaninang nasa apartment sila ni Coleen. Umangat ang malayang kamay ni Alice at marahang hinaplos ang pisngi ni Aki. "Mabait ba sa iyo ang umampon sa iyo?" marahang tanong niya.

Naging masuyo ang ngiti ni Aki at biglang tinawid ang pagitan ng mga mukha nila. Magaan siya nitong hinalikan sa mga labi. Pagkatapos ay muli nitong sinalubong ng tingin ang mga mata niya at bahagyang ngumiti. "Oo. Hindi naman tragic ang naging buhay ko. Ngayon ko naiisip na mas masuwerte pa nga ako kaysa akala ko."

Marahang tumango si Alice at gumanti ng ngiti. "Mabuti naman kung ganoon. Mag-kuwento ka naman tungkol sa tatay mo."

"Siya ang pinaka-cool na taong nakilala ko," umpisa ni Aki.

Habang nagkakape sa kusina ni Alice ay nagkuwento ang binata tungkol kay Timothy Kennedy. Mula sa unang araw na nagkita ang dalawa sa bahay ampunan hanggang sa dalhin ito ng lalaki sa amerika kung saan lumaki si Aki. Nalaman ni Alice na si Timothy ang nagturo sa binata tumugtog ng instrumento. Nalaman niya na masaya naman pala ang naging kabataan nito. At labis ang pasalamat niya na nakatagpo si Aki ng taong minamahal talaga ito ng lubos na katulad ng ama nito. Medyo nainggit pa nga siya dahil ang cool ng kinilala nitong ama. Na sinoportahan ng ama nito ang pagmamahal ni Aki sa musika at pinag-enroll pa sa music lessons. Hindi nila naranasan magkakapatid ang ganoon.

Kaya nang magtanong si Aki tungkol sa sarili niyang pamilya, kahit na sinabi na niya sa sarili na magiging open sa binata ay natagpuan niya ang sariling naging paiwas na naman ang sagot. "May dalawa akong nakababatang kapatid. Pareho na silang may pamilya. Magkakatabi lang ang bahay nila at ng mga magulang ko sa isang subdivision na nabili ko noon pa. Dahil palagi akong busy sa trabaho nakakapunta lang ako doon kapag may espesyal na okasyon."

Nakikita ni Alice sa kislap ng mga mata ni Aki na alam nitong umiiwas siya sa gusto talaga nitong malaman. Subalit hindi siya nito pinilit. Lalo tuloy lumalim ang nararamdaman niya para sa binata dahil doon. Dahil pakiramdam niya kahit hindi siya nagsasalita ay naiintindihan siya nito. Sensitive talagang tao si Aki. Pero sa kabilang panig ay nakakaramdam ng frustration si Alice dahil hindi niya nasusuklian ang pagiging honest at sensitive nito. Ayaw niyang siya lang ang nakikinabang sa kung ano man ang mayroon sila ng binata. After all, sa kanilang dalawa si Aki ang mas masusuong sa alanganing posisyon kapag lumabas sa madla ang tungkol sa kanilang dalawa. Isa siyang celebrity at mas matanda pa sa binata.

Napaigtad si Alice nang maramdaman ang paggagap ni Aki sa kamay niya. "Ano ang iniisip mo?" tanong nito.

Napakurap siya. "Bakit mo naitanong?"

Pinisil nito ang kamay niya at sa isang iglap nagmukha na namang mature ang ekspresyon sa mukha ni Aki. "Mukha kang may sinasariling problema. Huwag. Nandito ako, hindi ba? Hindi mo kailangan solohin ang kung ano mang iniisip mo."

Nag-init ang mga mata ni Alice at napahinga siya ng malalim. Bakit ba niya nakakalimutan na kahit mas bata sa kaniya si Aki ay maaasahan naman ito? Hindi ito katulad ni Larry.

Ngumiti siya at niyakap ang binata. "Alam ko," usal niya.

ILANG araw ang nakalilipas nakatanggap si Alice ng tawag mula sa isang pamilyar ngunit hindi nakarehistrong numero sa cellphone niya. Katatapos lamang ng meeting at final fitting niya para sa photo collection na kukunan sa isang araw nang tumunog ang cellphone niya. Akala pa naman niya si Aki ang tumatawag kaya nagtungo agad siya sa kotse niya para walang makarinig sa pag-uusap nila. Kaya hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang makitang hindi si Aki ang tumatawag.

Nagpatuloy sa pagtunog ang cellphone niya kaya napabuntong hininga si Alice at sinagot iyon. "Yes?"

"Hindi ka nagpalit ng numero," sabi ni Larry sa kabilang linya.

"Sino ito?" tanong niya dahil ayaw niyang isipin ng lalaki na natatandaan pa niya ang boses nito.

Bumuga ng hangin si Larry sa kabilang linya. "Alam ko na alam mo kung sino ako. Kailangan kita makausap. Magkita tayo."

Nakaramdam ng iritasyon si Alice. "I'm busy. At sa tingin mo ba pagkatapos ng lahat ay basta na lang ako papayag na makipagkita at makipag-usap sa iyo?"

Ilang sandaling katahimikan bago muling nagsalita si Larry sa kabilang linya. "In love ka pa rin ba sa akin?"

"Ano?" hindi makapaniwalang sigaw niya. Mabuti na lang nasa loob siya ng kotse niya kung hindi ay baka nakakuha na siya ng atensiyon sa lakas ng boses niya. "Hindi ako makapaniwalang sinabi mo iyan. How dare you?"

"Kung hindi ka makikipagkita sa akin, iisipin ko na hindi mo pa rin ako nakakalimutan. Hihintayin kita sa coffee shop sa condominium building mo ngayong gabi. At dahil hindi ka pa nagpapalit ng numero, sigurado ako na hindi ka rin lumipat ng condo," patuloy ni Larry.

Tumiim ang mga bagang ni Alice. Katulad ng dati ay hindi pa rin nakikinig sa iba ang lalaki. Isa iyon sa mga ayaw niya rito. Hindi pa rin siya nagbabago. "Hinding-hindi ako makikipagkita sa iyo."

"Kapag hindi mo ako sinipot sa unit mo kita hihintayin. Mas gusto mo ba iyon?" hamon ni Larry.

"Huwag na huwag mong gagawin iyan!" protesta niya.

"I'll see you then." Iyon lang at tinapos na ni Larry ang tawag.

Nakaawang ang mga labing napatitig si Alice. Hindi siya makapaniwala. "Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon para kausapin ako ng ganoon at ayain ako makipagkita. Alam niya na alam kong may relasyon sila ni Coleen. And he's married. Hindi ako makapaniwala na nagkagusto ako sa isang lalaking katulad niya noon," inis na bulalas niya.

Matindi ang kagustuhan niyang huwag puntahan siLarry. Pero sa tuwing naiisip niya na baka mauto na naman nito si Coleen atmasira ang buhay ng kaibigan niya dahil kay Larry ay napabuga na lang siya nghangin. Hindi niya mapapayagan iyon. Isa pa, sa tingin niya hindi rin magandapara sa kaniya ang takasan ang nakaraan niya. Masasabi lang niya na talaganghindi na siya naapektuhan ni Larry kung haharapin niya ito. Baka naman maymabago kapag hinarap na niya ito.

SCANDAL MAKERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon