Bumaba sa mga balikat ni Aki ang mga kamay ni Alice at mahigpit na kumapit doon. Lumiyad siya upang magkadikit ang mga katawan nila dahil bigla ay may gumugupong sensasyon sa buong katawan niya na ang tanging makapagpapawi lamang ay ang mapalapit pa ng husto sa binata. "Aki," usal niya nang sandaling pakawalan nito ang mga labi niya. Inilapat nitong muli ang mga labi sa mga labi niya ngunit bago pa niya mapalalim ang halik ay biglang kumilos si Aki para tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.
Napadilat si Alice at may pumunong pagpoprotesta sa dibdib niya nang magkalayo sila. Ngunit bumikig sa lalamunan niya ang kaniyang tinig nang makita ang init ng titig ni Aki sa kaniya. Yumuko ang binata at hinawakan ang mga kamay niya at ipinaikot sa mga balikat nito. "Let's take this to bed," usal ni Aki. Pagkatapos ay napasinghap si Alice dahil bumaba ang mga kamay nito sa mga hita niya at walang kahirap-hirap siyang nabuhat. Pinaikot niya ang mga binti sa baywang nito at napayuko sa mukha ni Aki. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata bago tila iisa ang isip na muling naglapat ang kanilang mga labi.
Naramdaman niyang lumapat ang likod niya sa kama pero hindi pa rin kumalas ang mga braso at binti niya sa pagkakapulupot kay Aki dahil hindi rin nito itinigil ang paghalik sa kaniya. Katunayan ay lalo lamang iyong lumalim at mas naging mapanghanap kaysa kanina. Ang isang kamay nito ay humagod sa tagiliran niya at huminto sa baywang niya. Pagkatapos ay huminto ito sa paghalik sa kaniya. Dumilat si Alice. Nasalubong niya ang mainit na titig ni Aki. Nakatukod ang isang siko nito sa gilid ng mukha niya. "May lakad ka ba bukas?" hinihingal na tanong nito.
Naningkit ang mga mata ni Alice at matagal bago gumana ang isip niya para mahanap ang sagot sa tanong na iyon. Lumalabo ang isip niya sa pagnanasa at hindi siya makapag-isip ng matino. "W-wala yata. Bakit?"
Umangat ang gilid ng mga labi ni Aki at ang kamay nitong nasa baywang niya ay nagsimula na namang kumilos. Napasinghap si Alice nang humaplos sa ilalim ng blouse niya ang kamay nito. Napakislot siya sa haplos ng mainit nitong palad sa kaniyang balat. "Dahil gusto kong malaman kung puwede kitang puyatin ngayong gabi na hindi inaalala kung kailangan mo umalis bukas," malumanay na sabi ni Aki habang humahagod pataas ang kamay nito sa ilalim ng blusa niya. Napaungol si Alice nang huminto ang kamay ng binata sa gilid ng kaliwang dibdib niya bago iyon dumulas patungo sa likod niya at walang kahirap-hirap na natanggal ang pagkaka-hook ng bra niya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at napatitig kay Aki. "Mukhang sanay ka magtanggal ng hook ha?" komento niya.
Naging maloko ang ngisi ng binata. "I had enough practice."
Naningkit ang mga mata ni Alice. "Ganoon?"
His smile turned sheepish. "Sorry. Maloko ako bago kita nakilala. Mula ngayon, sa iyo ko lang gagawin ang mga ganitong bagay."
Naglahong parang bula ang inis na muntik na maramdaman ni Alice. Bago pa siya makapagsalita ay sinakop nang muli ni Aki ang kaniyang mga labi. Napapikit siya at agad nawala ang iba pang alalahanin niya dahil mas mapanghanap at malalim na ang halik nito. Pagkatapos ay bumaba ang mga labi nito sa kaniyang pisngi at pababa sa kaniyang leeg kung saan malakas na tumitibok ang kaniyang pulso.
Masyado siyang naliyo sa sensasyon na hindi niya namalayan na walang kahirap-hirap na ring nahubad ni Aki ang mga saplot nila sa katawan. Naging aware lang siya na pareho na silang hubad nang kubabawan siya nito at lumapat ang mainit nitong katawan sa katawan niya.
"Alice," paulit-ulit na usal ni Aki sa pangalan niya habang pinauulanan ng halik ang mga balikat niya, pababa sa collarbone niya at hanggang sa mga dibdib niya. Ang isang kamay nito ay lumapat sa baywang niya. He tilted her pelvis and pressed himself to her, forcing her to feel the strength of his desire. His other hand molded her breast gently, then roughly... but always surely. She strained up, desperate for more of the sensation of him. Humaplos ang mga kamay niya sa likod nito, sa mga balikat, sliding and rubbing, consuming him with her touch.
"Aki," nausal niya at mariing pumikit. She felt feverish. "Hindi ko na kaya," daing niya.
"Not yet," usal nito bago muling sinakop ng halik ang kaniyang mga labi.
PINILIT ni Aki na bagalan ang pagkilos. Kahit pa naghuhumiyaw ang kaniyang katawan, sinasabi sa kaniya na angkinin ang dalaga ngayon mismo. Pero ayaw niya. Gusto niyang patagalin ang sandaling ito sa piling ni Alice. Gusto niyang sambahin ang bawat bahagi ng katawan nito. Gusto niyang ipaalam sa dalaga na ang mayroon sila ng mga sandaling iyon ay hindi lamang basta pagnanasa. It was so much more. That's why even though she's already writhing beneath him and begging him, he wanted to resist himself. Nais niyang ang gabing iyon ay para lamang sa ikaliligaya ng dalaga. Saka na ang kaligayahan niya.
"Aki," muling tawag ni Alice sa kaniya nang pakawalan niya ang mga labi nito at bahagyang inilayo ang mukha rito.
"Shh, ako ang bahala sa iyo," bulong niya. Pinaraan niya ang kamay sa tagiliran nito, patungo sa tiyan nito at pababa pa. Umungol si Alice at hindi siya nakatiis na hindi yumuko at huliin ang ibabang labi nito ng kaniyang mga ngipin. And then he lowered his hand until he reached her damp center. Napasinghap ang dalaga at umigtad ang balakang. Napahinga ng malalim si Aki at isinubsob ang mukha sa leeg nito. "Alice," he whispered as he began to sensually move his fingers inside her to give her the fulfillment her body wanted.
Kumapit si Alice sa leeg niya. "Aki," hikbi nito. Para siyang sinisilaban sa paraan ng pagtawag nito sa kaniyang pangalan. Kasabay niyon ay ang init na humahaplos sa dibdib niya, nagpapalobo roon at halos pinahihirapan siyang huminga. When he felt that she was nearing her climax, he moved his head back and opened his eyes to look at her face. He watched her as she screamed his name in ecstasy. At nang unti-unting maka-recover ay saka lamang nito iminulat ang mga mata. Nagtama ang kanilang mga paningin.
Ilang segundo ang lumipas bago may gumuhit na kuntentong ngiti sa mga labi ni Alice. Nahigit ni Aki ang paghinga. He was overwhelmed with emotion. May bumikig sa lalamunan niya at hindi niya alam kung bakit pero uminit ang gilid ng mga mata niya habang nakatitig sa mukha ni Alice.
"You are beautiful," paos na nausal ni Aki. Dahil nang mga sandaling iyon ay talagang para siyang pinana ng rebelasyon na si Alice ang pinakamagndang babae na nakita niya sa buong buhay niya.
Lalong lumawak ang ngiti ni Alice at ang mga kamay ay nagsimulang humaplos sa katawan niya. "Totoo ba iyan?"
"Of course," sagot niya.
"Hmm."
Nahigit ni Aki ang paghinga nang bumaba sa balakang niya ang mga kamay ni Alice at pababa pa. Until she's already holding him in her hands. Napasubsob siya sa leeg nito. "Alice, huwag mong gawin iyan," daing niya.
"Bakit?" pilyang tanong ng dalaga na ang mga kamay ay naging mapaglaro na. Napaungol siya.
"I want to worship you first," paos na usal niya.
"Do that later. May iba akong gustong gawin ngayon," bulong ni Alice.
Napahugot siya ng malalim na paghinga. Hindi na nakatiis pa si Aki. Hinuli niya ang mga kamay nito at itinaas ang mga iyon. He trapped her wrists with his one hand above her head. Pagkatapos ay muli niyang siniil ng halik sa mga labi si Alice. Gumanti ito ng halik.
"Aki," muling daing ni Alice.
"I'm here," usal niya. Ipinosisyon niya ang sarili sa pagitan ng mga hita ng dalaga. And then after a moment, they became one. Sabay pa silang napaungol.
"Alice," daing niya habang marahang iginagalaw ang katawan.
"I know. I know," pahikbing ganti ng dalaga na para bang alam nito kung ano ang nararamdaman niya. Na para bang nararamdaman din nito ang nararamdaman niya. May bumikig na naman tuloy sa lalamunan niya at mariin siyang napapikit dahil humapdi ang mga mata niya. Masyado siyang ginugupo ng mga emosyon na matagal bago sumagi sa aandap-andap niyang isip na hindi siya gumagamit ng proteksiyon na palagi niyang ginagawa noon. At kahit nang sumagi iyon sa isip niya ay nawalan siya ng pakielam.
Because it was the first time in his life that he ever wanted to make love to someone without restriction. Because being one with Alice was pure bliss. It was like finding his way back after getting lost for a long time. It was like coming home after a very very long detour. It was like finding himself.
BINABASA MO ANG
SCANDAL MAKERS
RomanceDalawang dekada na sa show business si Alice De Dios. Hindi man halata sa kaniyang pisikal na hitsura ay malapit na siyang mag-thirty-six. But she was still single. Katunayan ay natanggap na niya sa kaniyang sarili na tatanda siyang mag-isa. She wa...