Unica's PoV
NAPALINGON ako ng marinig ang tunog ng isang sasakyang huminto di kalayuan sa mansyon. Cameron.
'Ms. Collins, Cameron Thadeus is here, what do you want us to do?' Rinig kong tanong ni Lance sakin gamit ang isipan nya.
'Go, Don't let him see you all' utos ko. Narinig ko pa ang mabilis na yapak nila bago tuluyang nawala. Iniwan nila yung sasakyan.
"Unica??!?? Unica where are you?!?!?" Dumagundong sa buong mansyon ang boses ni Cameron ng pumasok sya.
"At your back" mabilis syang lumingon at nakita ako ron.
Tinakbo niya ang ilang hakbang na distansya namin at niyakap ako ng mahigpit.
"Are you ok?" Nag aalalang tanong nito. Nagkibit balikat Lang ako. Tumalikod ako at nagsimula ng mag lakad palabas, hindi pa ko nakakalayo ng sumigaw si Cameron.
"I'm fucking worried then you just answer me by shrugging your shoulder?!?!" Sigaw niya sakin. Huminga ako ng malalim bago siya nilingon.
"I'm fine" sagot ko bago mabilis na tinakbo ang pagitan namin at siniil sya ng halik. Wala lang bakit ba... gusto ko lang syang halikan, parang ang sarap lang kasi hehe.Nagulat sya kaya di niya agad natugunan ang halik ko na sinamantala ko para putulin agad ito.
"How's the interview to Stephanie?" Tanong ko ng putulin ang halik. Nakabusangot pa rin ang mukha nya ng magsimula kaming maglakad ng mabagal. Nakaakbay sya sakin habang nakbusangot.
"She said it's Jasper Falcon, the older Brother of Jason Falcon na isa sa mga sikat sa school nyo" sagot nya. Tumango ako
"Then go, chase him and put him behind bars para mahanap mo na ang kapatid mo" sabi ko. Hindi hinayaang mag mukhang mapait ang pagkakasabi nito.
"But Jasper... Jasper died eight years ago" mahinang sabi ni Cameron.
~~~~~
BUMUNTONG HININGA ako ng tuluyang makaupo sa sariling kama. Jasper Falcon is dead pero ang sabi ni Stephanie sya yung mastermind. Hindi kaya...
Tuluyan akong napatayo ng magpagtanto kung ano ang naiisip.
Is he a vampire?
Napailing iling ako.
No... it's impossible. Hindi ko na ulit nakita yung lalaki kahit na pinapahanap ko sya, hindi ko na sya nakita uli—
Mabilis kong kinuha ang cellphone na nasa bulsa at tinawagan si Lance na agad naman nitong sinagot.
"Ms Collin—"
"Yung lalaki ba wala pa ring update?" Putol ko sa sasabihin niya.
"Like what I've said the last time you check, may humaharang sa pagkuha natin ng impormasyon, di hamak na mas malaking tao sya kesa satin. Hindi naman natin pwedeng basta basta nalang kalabanin ang mas malaking kompanya" paliwanag nito sakin. Nagtiim bagang ako dahil sa inis.
"Seach All of the information about Jasper Falcon" utos ko bago tuluyang putulin ang linya.
Hindi kaya... mas nauna pa sya samin?? Na sya yung lalaking kumagat sakin kaya ko naging ganito?
Napalingon ako sa pinto ng may kumatok dito. Hindi na ko nag abala pang buksan to bago sumagot. Tinatamad ako kaya naman nahiga nalang ako sa kama.
"Pasok!"
Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang mukha ni reveka na mukang galing gera sa sobrang hagardo. Anyare rito?
"Reveka... bakit ka nandito?" Tanong ko. Umupo sya sa gilid ng kama ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri nya. Natigil ako saglit dahil sa ginawa nya pero agad ding nakabawi.
"Malapit na naming mahanap kung sino yung nangunguha ng mga babae... mababawi na namin ang kapatid ni Cameron... at oag nangyari yon aalis ka na rito sa bahay nya" May bahid ng lungkot sa paraang ng pagkakasabi nya non. Bakit naman sya malulungkot?? Diba dapat ay matuwa pa sya kasi matatapos na yung kaso??
"Alam ko, sa wakas at matatapos na 'to. Makakabalik na ko sa totoong buhay ko" sabi ko na kunwari masaya. Ayoko pa... ayoko pang matapos yung kung ano mang namamagitan samin ni Cameron... lihim akong napailing dahil sa iniisip.
Stop it Unica! Ang tanda tanda mo na hindi ka pa rin nagtatanda!! Wala kang karapatang mag mahal kasi lahat ng mamahalin mo, mawawala sa mundo.
"Unica sakin ka nalang tumira. Wala naman akong kasama sa bahay. Pwedeng pwede ka ron kaso lang hindi ganito kalaki ang bahay ko" parang nahihiya pa sya sa sinasabi nya. "Sakin ka nalang Unica... hindi mo man sabihin na wala kang nararamdaman kay Cameron, kung sya naman meron... malaki yung posibilidad na maging mutual yung nararamdaman nyo. Ayokong masaktan ka Unica" malungkot nya kong nginitian. Ngumiti rin ako pabalik.
"Sige Reveka, sa inyo nalang din ako, just give me five minutes and we'll go" nakangiti kong sabi. Tumayo na sya at lumabas. Imbis na tumayo, tumitig pa ko sa kisame.
Aalis ako hindi lang para kay reveka kundi para na rin sa sarili ko. I need to stay away from him, hindi maganda ang naidudulot nya sakin. Buset sya.
Saglit na tinignan ko ang wall clock at napagtantong nabawasan na ko ng isang minuto. Napabuntong hininga nalang sko.
"Great, just great, you just waste your one minute Unica. So brainy" sarkastiko kong sabi sa sarili. Mabilis kong inayos ang mga gamit at lumabas. May limang segundo pa kong sobra.
"Tara na" payayaya ko. Tumango sya at akmang kukunin yung bag ko ng pigilan ko sya.
"No need, ako na, mas malakas naman ako sayo eh" nang aasar kong pag tanggi. Napailing muna sya bago kinuha yung bag ko kahit na ang sabi ko ay wag na.
"From now on, i will be your mom not only in your school kundi pati na rin sa labas. I want to experience having my own kid again" nakangiting anunsyo nya. Nakangiti pero hindi umabot sa mata. There's something strange about her when she said the word 'own kid'
Kung hindi ko lang sana pinabayaan ang anak ko... buhay pa rin sya hanggang ngayon. I have my own honey and she's still alive and breathing...
"I can be your kid i guess" pag patol ko sa sinabi nya. Ngumiti ulit sya at sa pagkakataong to, umabot na yun sa mga mata nya. Good, mukang ayos yung sinabi ko.
"That's a good idea" nakangiting sabi nito. Inilagay ko na nag maleta sa backseat at naupo sa tabi nya.
"Feeling better?" Tanong nito ng makaupo sa driver's seat. Tumango ako at binigyan sya ng maliit na ngiti.
Hindi man inaantok ay isinandal ko ang ulo ko sa nakasaradong bintana at pumikit.
Sana ay hindi na sya masaktan ni Cameron... mabait syang bata kahit hindi halata. Haha, Masungit pero hindi yun naging hadlang para maipakita nya kung gaano sya kabait. Huwag nya sanang hahayaang mahulog sya... gusto man siya ni Cameron ngayon pero hindi tayo sigurado kung gaano katagal yun magtatagal.
Bumuntong hininga si Reveka na parang hirap na hirap. Ganon din ang ginawa ko para hindi na matuksong basahin ang iniisip ni Reveka. Pag nalaman nyang binabasa ko ang nasa isip nya baka palayasin nya ko sa bahay nya pag nagkataon.
Hinayaan kong lamunin ako ng antok at ipinahinga ang isip.
BINABASA MO ANG
Forever Eighteen (LAVS:1)
VampireForever Eighteen I leave each city every five years and this time, I'm in the Philippines. Ako ang CEO ng kompanyang ako mismo ang nag tayo pitong dekada na ang nakakalipas. On my eighteenth birthday, my parents is killed by an unknown person yo...