Unica's PoV
BAGO PA KO matapik ni Reveka sa braso para gisingin ay naramdaman ko na ang presensya nya kaya naman hindi nya na naituloy. Dumilat lang ako bigla at halos mapatalon sya sa gulat.
"Ano ba naman tong batang 'to, nakakagulat" rinig kong bulong nya ng tumalikod sakin, hinawakan pa ang bandang puso nya na parang aantakihin don, rinig ko ang bilis ng tibok non kaya naman sigurado akong nagulat ko sya ng husto. Humarap ulit sya at nagsalita.
"T-tara na, pasok na tayo" anyaya nya. Naunang mag lakad at bumuntong hininga.
"Napagod ka ba sa pag da-drive reveka?" Tanong ko habang nakasunod sa kanya. Taka nya kong nilingon.
"Hindi naman, bakit?"
"Kasi kung maka buntong hininga ka kala mo pasan mo ang lahat ng problema sa mundo" ngumisi pa ko para mang asar.
"May iniisip lang ako" mahina at halos pabulong na sagot nya. Tumango na lang ako kahit di nya ko nakikita. Nauuna nga kasi sya sakin.
"Dun ka matutulog sa unang kwarto sa second floor, katapat lang yun ng kwarto ko. Hindi ka maliligaw kasi yun lang naman yung nagiisang kulay puti yung pinto" paliwanag nya ng tuluyan kaming makapasok sa bahay nya. This place.... it looks familiar. Hindi ko lang matandaan kung san ko nakita at kung bakit ko napuntahan.
May kalayuan sa kabihasnan ang lugar kung nasan ang bahay ni Reveka. Tipong dalawa hanggang tatlong bahay ang layo ng kapitbahay. Matatanaw mo pero medyo malayo.
"Matagal ka na ba rito??" Tanong ko habang sinusuri ang mga antigong gamit na nakikita.
Kita mo kung gaano iniingatan ang mga gamit, mukang mahilig mag linis si reveka, wala kasing bakas ng kahit anong alikabok ang mga gamit. Mabuti naman, magkakasundo kami, ako ang taga kalat, sya ang taga linis. Ayos!!!
"Hindi ito yung bahay kung san talaga ko nakatira, this is our ancestral house. every weekend lang ako nandito, pag weekdays naman, dun ako sa bahay ko" sagot nya sakin.
"Kung ganon bakit hindi nalang sa bahay mo tayo pumunta??" Tanong ko ulit, hindi pa rin binibigay ang buong atensyon sa kanya.
"Para hindi ka kaagad mahanap ni Cameron. Para makapag tago ka sa kanya" paliwanag nya. Ok??
"Akyat na ko" pagpapaalam ko bago binuhat ang maleta paakyat sa kwartong sinabi nya. Unang kwrto, puting pinto.
Here you go...
Tuluyan akong pumasok sa loob. Halos malaglag yung panga ko sa sahig ng makita kung gaano karumi yung kwarto.
Kung ang sala ay halos kuminang na sa linis, ang kwartong ito naman... parang ilang taong hindi nagapangan ng basahan. Halos mag isang sintemetro na ang kapal ng alikabok, naglalat na rin ang mga sapot. Hindi na ko magtataka kung may kung anong hayop na rito.
'Hindi mo naman sinabi na ganito pala karumi ang kwarto ko' Sarcastic na sabi ko kay Reveka gamit ang isipan.
"Pasensya ka na!! Nakalimutan kong sabihin na hindi ko pala nalilinis ang kwaratong yan!!" Pasigaw na sagot nya mula sa baba. Napairap nalang ako sa hangin.
Umatras ako at iniwan ang maleta ko sa tapat ng kwarto bago muling pumasok ulit. Mabilis ding bumaba para kumuha ng walis tambo, basahan, sako, at dustpan, saka nalang ang iba kung kailangan pa. Inayos ko rin ang buhok pa messy bun para mas maging maaliwalas ang paningin ko. Bumuntong hininga pa bago sinimulan ang paglilinis.
Punas dito, walis don, dakot dito, pag aagiw don. Pauulit ulit ko yung ginawa hanggang sa makuntento ako sa m ng kwarto. Tinagilid ko pa ang ulo para mas maayos ang tingin ko sa paligid. Hindi sya kasing linis na linis ng katulad sa baba pero, pwede na rin. Nagkibit balikat lang ako.
Lumabas ako at kinuha ang maleta kong nasa tapat ng pinto.
~~~~~
"Hinahanap namin ang anak namin. Balita ko narito raw sya" napadilat ako at pinakinggang maigi ang pinaguusapan nila. And who the hell is her child??
"Who?? Sinong anak?" Tanong ni Reveka.
"Si Unica Roxes. Inampon ko sya mula sa isang orphanage" may bahid na pagmamayabang na sabi nya. Roxes?? Yung halimaw na mag asawang umampon sakin before?? God! What are they doing here?!?!?
"Unica Collins ang pangalan nya, not Unica Roxes, baka kapangalan nya lang. pasensya na at wala rito ang hinahanap nyo" may bahid ng iritasyon sa boses ni Reveka ng sabihin nya yon.
"Ibalik mo samin ang anak ko!!" Sigaw ng isang lalaki. Base sa boses nito.
'Reveka, let them, pahalugbog mo buhong bahay. Kaya ko ang sarili ko'
"Halugbogin nyo ang buong bahay. Wala kayong makikita" kampanteng sabi ni Reveka. Agad na tumakbo si Mr, and Mrs Roxes papasok ng bahay ni Reveka.
Pasok sa kwarto, labas, pasok ulit bukas ng kabinete. Paulit ulit lang nila yung ginawa hanggang sa wala talaga silang mahanap. Hanggang sa bigla silang pumasok sa kwarto kung nasan ako.
"Mom? Who are they??" Malambing na tanong ko. Bumakas ang gulat sa mukha njla pero lamang ang pagkapahiya.
"P-pasensya na, pero nasaan si Unica? N-nasaan ang anak ko?" Tanong nito. Nangingilid ang luha. Mga peke.
"Wala po yung anak nyo rito" magalang kong sagot. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Reveka ng makita ako.
"U-unica" untal na sabi nito. Nilingon sya ng mag asawang roxes. Naguguluhan, hindi makapaniwala
"Sabi ng wala rito ang a-anak nyo. Umalis na kayo" pagtataboy nya habang nasakin pa rin ang tingin. Muling sumulyap sakin ang mag asawang roxes bago tuluyang lumabas.
"U-unica? Ikaw ba yan?" Tanong nito. Mas nanlaki ang mata nya ng sa isang iglap, muling bumalik ang dati kong mukha. Ang totoo.
"Paanong?"
"Ilusyon Reveka. Ilusyon" sabi ko, sapat na ang isang salitang yun pra ipaliwanag kung ano ang nangyari.
"Letseng bata! Bakit ba hindi natin yan mahanap hanap!!?! Wala tuloy tayong maibigay kay boss!!! Bwiset!" Iritadong sabi ni Mr Roxes.
'Bakit hindi nyo nalang ako pabayaan?? Hindi nyo gugustuhing magalit aki dahil kayang kaya ko kayong kainin ng buhay' pagbabanta ko.
"N-narinig nyo ba yun?" Tanong ni Mr Roxes.
"Ang alin?!?? Wala naman kaming narinig! Pumasok ka na nga!" Iritado pa rin si Mrs Roxes.
~~~~
"Bakit ka ba nila hinahanap?" Tanong ni Reveka pagkatapos umupo sa gilid ng kama kung nasaan ako.
"Those freaks adopt me almost two weeks ago, mabait sila pero ginawa nila 'kong katulong sa bahay nila. Hindi naman mansyon pero hindi nila malinis ng ayos, tsssk" tango lang ang sagot ni Reveka bago mag salita ulit.
"Sa tagal mong nabubuhay sa mundo, ano ang pinaka magandang nangyari sa'yo?" Tanong nito ulit. Napaisip ako. Pagkatapos ba mamatay ng magulang at kapatid ko may nangyari pang maganda sa buhay ko?
"Magpapahinga na 'ko Reveka" pantataboy ko ng walang maisagot.
"Sige, aayusin ko lang yung gamit sa baba" mahinang sagot nito.
BINABASA MO ANG
Forever Eighteen (LAVS:1)
VampirForever Eighteen I leave each city every five years and this time, I'm in the Philippines. Ako ang CEO ng kompanyang ako mismo ang nag tayo pitong dekada na ang nakakalipas. On my eighteenth birthday, my parents is killed by an unknown person yo...