Unica's PoV
"Saan ka galing Unica?" Pambungad na tanong ni Reveka ng makapasok ako sa bahay. Nakaupo sya ng prente sa mahabang sofa habang diretsong nakatingin sa TV.
"I'm from a so called 'friend'" I answered, trying hard to stop myself from rolling my eyeballs because of that friend thingy.
"Gabi na Unica baka mapano ka sa daan habang papauwi, hindi porket bampira ka ay wala ng magtatangka sa'yo. Babae ka pa rin" sinabi nya pagkatapos tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at pumihit paharap sa kinaroroonan ko. Napayuko ako dahil sa pagkapahiya.
"Sorry Reveka" mababa ang boses at walang balak makipag talong pag hingi ko ng tawad.
"It's mom Unica, you can call me Mom" nag angat ako ng tingin at diretsong sinalubong ang mga mata nyang tutok sa akin habang nakakunot ang noo.
"Heaven knows how much i wanted to call you that, Reveka sana hindi mo nalang ginawa. Sana hindi ko nalang nakita..." napabuntong hininga ako bago ilapag ang maliit na paper bag na hawak ko. "Good night Reveka" naglakad ako papunta sa sariling kwarto ng hindi sya nililingon.
Reveka's PoV
"Heaven knows how much i wanted to call you that, Reveka sana hindi mo nalang ginawa. Sana hindi ko nalang nakita..." unti unting nawala ang pagkakunot ng noo ko at napalitan ng gulat. What is she talking about?
"Good night Reveka" walang ingay na umakyat ito sa sariling kwarto matapos ilaag ang maliit na paper bag sa isnag lamesita 'di kalayuan.
Napahilamos ako ng sariling mukha gamit ang mga kamay dahil sa pagkalito bago lapitan ang papet bag na dala dala nya.
Inside the paper bag is a leather brown wrist watch with a note. 'You don't need to put gun under your pillow every night, I won't hurt you, Mom'
"Reveka hindi ka dapat mapakampante, hindi porket sinusunod ka ng banpirang yan eh wala na syang gagawing masama sa'yo. Ang bampira Ay bampira pa rin, pag yan nagutom hahanap yan ng pagkaing nasa malapit lang" napabuntong hininga ako bago hilitin ang sariling sentido dahil sa paulit ulit na paalala ni Ramon. Isa sa mga kasamahan ko.
"Hindi ako nakakalimot Ramon, pero alam ko ring walang balak si Unica na saktan ako ano man ang mangyari, salamat sa paalala, puputulin ko na nag tawag" inilagay ko sa bed side table ang sariling cellphone bago naupo sa gilid.
Hindi alam kung anong susundin, napili kong mag lagay ng baril sa ilalim ng unan ko bilang proteksyon sa kung anong bagay ang maaaring mangyari habang narito si Unica ngayong gabi at sa susunod pa...
"I'm sorry Unica, I don't trust you the way you trust me, I'm sorry"
Unica's PoV
PURONG PUTING kisame ang bumungad sa'kin ng magmulat ako mula sa pagkakatulog. Humihikab na nilingon ko ang alarm clock na nasa bedside table para tignan ang oras. 4:47 am.
Kakamot kamot sa noo akong tumayo at lumapit sa kabinete, kumuha ako ng isang crop top white sando na pinaresan ng isang highwaist maroon ripped jeans na may puting belt para sa pang ibaba, white rubber shoes naman para sa sapatos.
~~~~~
DUMAAN muna ako sa isang pamiyar na bahay bago pumunta sa totoong destinasyon. Sa lumang bahay namin. Ang bahay ng mga Monteverde.
Ilang daang taon na ang nakakalipas pero nananatiling walang kupas ang ganda ng mansyon. Hindi pa 'ko nabubuhay ay naitayo na ang mansyong ito. Higit tatlong beses ang tanda nito sa'kin.
Hindi napapabayaan ang marangyang ayos ng bahay dahil hanggang ngayon ay may tagapangalaga pa rin ito. Isnag malaking katanungan sa mga ito kung sino ang nagbabayad sa kanila para panatiliin ang ganda ng mansyon dahil nananatiling tago ang katauhan ko.
Ilang beses ng sinubukang ipasira ng ibang Monteverde ang mansyon para maibenta ang malaking lupang kinatitirikan nito at ng malaking hardin na nagpapaganda pa lalo sa mansyon pero dahil narito ako at humiinga, hindi nila nagawang lapatan man lang ni dulo ng daliri nila ang mansyon. Walang kahit na sinong makakasira nito hanggat narito ako at nabubuhay sa mundo.
~~~~~
"Miss Unica, the drug will be done by next week saturday. Araw bago kayo mag laban ni Neyo..." napangiti ako bago tumango bilang tugon sa sinabi ng aking private doctor. Dra Ferre
"Ituturok na ba namin sa'yo ito agad o pagkatapos na ng laban nyong dalawa" Tanong nito ng hindi makakuha ng ibang tugon sa'kin bukod sa isnag ngiti.
"Mag handa kayo ng tatlong piraso ng gamot, ilagay nyo sa isang lalagyanan ng pabango at ibigay sa'kin pagkatapos. Siguraduhin nyong pag pinindot ko yung pabango ay magiging panturok ito" tumango si Dra Ferre bago yumuko at nagsimula ng maglakad palabas.
"Alexandra" pigil ko rito. Natigil ito sa pagpalakad bago pumihit paharap ng may nagtatanong na mata. "Do you want to be converted?"
"Pardon?"
"I know that you have feelings with Lancelot, you won't have a chance to be together forever if you're a human. So I'm asking you, do you want to be converted?"
"Miss Collins..." tanging nasabi nito.
"Bibigyan kita ng oras hanggang sa susunod na linggo, pagkatapos ng laban namin ni Neyo, dapat ay alam mo na kung ano ang isasagot mo" ngumiti ako bago kunin ang mga papeles na nasa harap ko.
"Inaasahan kong oo ang isasagot mo Alexandra" alanganing tango ang isinagot nito bago tuluynag makalabas.
BINABASA MO ANG
Forever Eighteen (LAVS:1)
VampireForever Eighteen I leave each city every five years and this time, I'm in the Philippines. Ako ang CEO ng kompanyang ako mismo ang nag tayo pitong dekada na ang nakakalipas. On my eighteenth birthday, my parents is killed by an unknown person yo...