Unica's PoV
"Jasper Falcon" madiin at may halong galit na pagtawag ko sa pangilin nito.
"Kilala pala ako ng isang magandang babaeng katulad mo? Nakakatuwa naman" nakangiting sabi nito bago ako hagurin ng tingin.
"Brides huh? Talaga lang?"
"Yep... i really want to have a bride, but sadly, my bride runaway on our wedding day, so I'm now collecting my bride" parang nagmamalaki pa nitong sabi. Nagngitngit ako sa galit bago lingunin ang bangkay na nasa likod ko.
"Pang ilan sya?" Tanong ko, nagpipigil ng galit.
"Sya ang pang una, she's Luisa, nakuha ko sya galing sa ibang bansa, madrid, nagkasundo naman kami nung umpisa pero hindi sya ko hinayaang inumin ang dugo nya kaya... nagka away kami, hanggang sa napadalas at yan..." sumulyap sya sa likod ko. "Yan ang kinalabasan"
"Ang tanga tanga ni Vicente dahil gumawa sya ng bampirang kagaya mong walang naiimbag man lang sa mundo kundi gulo" nawala nag ngiti nito mula sa pagkakaaalala sa memorya nila ni Luisa. "Ni pag huhugas ata ng plato eh inaasa mo pa sa iba" unti unting lumalim ang pag hinga nito indikasyon ng pagsilab ng galit.
"You're obsessed of having a bride just because you've got rejected, really?" Di makapinawala at may bahid nga pang aasar kong tanong. "What a lame excuse to kill people" bulong ko sa paraang alam kong maririnig nya. "Kilala mo diba? Tama ako?"
"Sinong hindi makakakilala sa kauna unahang bampira na ginawa ni Ama, tanga lang ang may hindi alam non" sagot nito ng may bahid ng paghanga. Nandidiri ako dahil sa paghangang naririnig ko mula sa kanya.
"Ilan ang target mong bride?"
"Eleven, eleven bride" sagot nito ng may ngisi.
"Ilan na sila ngayon? Ilan na ang nakuha mo?"
"Sampu na sila kung isasama si Luisa, kaso lang kinuha ni Ama ang isa, hindi ko alam kung bakit" may bahid ng pagkalito na sabi nya. Walang ano ano ay sinugod nya ko ng sakal na hindi ko pinagkaabalahang iwasan. Tuloy ay baiangat nya ako sa ere ng aalang kahirap hirap.
"Hindi ka ba lalaban leana?" Tanong nito habang may ngisi sa labi. Nang aasar.
"Bakit kita lalabanan sa paraang alam kong mas nakakapagod, kung pwede naman kitang labanan sa paraang mapapatumba kita agad" mabilis akong umalis mula sa pagkakasakal nya. Umikot bago ito tuhurin mula sa likod dahilan ng pagluhid nito at sinakal naman sya gamit ang mga braso, nakabaon din ang mga kuko ko sa leeg nya dahilan para mag dulot ito ng sugat na hindi basta basta mag hihilom dahil may kasamang lason ang ibinibigay ko rito. Isa sa mga malaking advantage ng pagiging katulad ni Vicente, may kakayahan akong mag labas ng lason kailan ko man gustuhin, pero tulad ng lahat ng bagay, may hangganan ito.
Tuluyang nabuksan ng mga pulis na nasa taas ang pinto. Lilipas muna ang ilang minuto bago sila makababa rito sa kinaroroonan namin.
"Pagbibigyan kita Jasper, tumakas ka at magkita tayo sa susunod na linggo, araw kung kailan ipapakilala sa'kin ni Vicente ang bago nyang anak. Doon tayo maglaban ulit, grupo ko laban sa grupo nyo ni Vicente. Ngayon. Alis!" Bumagal ang pag takbo ni Jasper kung ikukumpara sa unang takbo nito. Dulot na rin ng lasong ibinigay ko, pero kung tao ang titingin, hindi nya pa rin mapapansin si Jasper. Buhay mo kapalit ng mga buhay na kinuha mo Jasper, wala pa sa kalahati ang mababayaran mo pag pinatay kita ngayon, pero sisiguraduhin ko, mamamatay ka sa araw na ako mismo ang nag takda.
Pinasok ko ang ibang kwarto at kahit papaano ay nakaramdam ako ng tuwa ng makitang hindi kasing lala ng unang babae sa unang kwarto ang jalagayan nila. Ang pinakabago sa nakuha nya... si Stephanie.
Nagsama sama sila at nag kumpol sa isang sulok habang may takot sa mga mata.
"Darating na ang mga kasama ko, ilalabas nila kayo at ibabalik sa mga pamilya nyo, magiging maayos din ang... lahat?" Patanong ang naging paraan ng pag sabi ko sa dulo dahil maski ako, hindi alam kung tama ba nag sinasabi ko pata pakalmahin sila.
"Maayos?! Magiging maayos?!" Sumigaw ang isang babaeng mas matanda sa'kin ng halos lagpas sa limang taon. Nanunumbat ang paraan ng pagsasalita nito na hindi ko nagugustuhan sa totoo lang.
"Kinuha na ng baliw na lalaking yon ang lahat sa'kin! Wala na akong maihaharap na mukha sa mundo! Kaya mabuti pang mamatay nalang ako!" Kumunot ang noo ko ng tumakbo ito mula sa kumpol ng kababaihang nasa gilid at sugurin ako, pero bago yon ay pumulot muna sya ng isang kahoy na may bahid ng dugo sa pinakadulo dulot ng malaking pako na naroon.
"Mag sama sama tayo!!" Napuno ng pag pigil ang Sinalo ko ang hampas na gagawin nya hanggang sa mag sawa sya. Ilang pasa at sugat din ang natamo ko dahil sa pagpalo na ginawa nya. Ilang mamalim na sugat din ang nasa braso, ulo, likod at kamay dahil sa pakong nasa dulo non. Nang makuntento ay napaupo sya sa sahig bago humagulgol ng iyak. Ako naman ay napahawak sa pader para kumuha ng suporta. Napuno ng dugo ang damit ko pero walang sugat. Mabuti nalang at natatakpan ng dugo ang sugat kaya hindi nahahalatang wala na ito.
"M-miss are you okay?" Tanong ng isang babaeng nag tangkang lumapit sa'kin pero agad ko itinaas ang kamay bilang pagsasabi na wag syang lalapit.
"Ayos lang ako" mahina kong bulong bago punasan ang dugong dumadaloy sa mukha ko mula sa ulo papunta sa mata at pababa.
"Andy! Andy! Where are you!" Kasabay ng pagpasok ay ang pag tawag ni Cameron sa Kapatid nyang hindi mo man hanapin ay alam kong narito.
"Unica!" Mula sa pagkakatitig sa mga kababaihang nasa sulok ay nilingon ko si Cameron. Nagsilapitan naman ang mga ibang pulis para kunin ang mga babaeng naroon.
"Unica! What happened?!" Pasigaw na tanong nito habang sinisipat ang katawan ko para tignan kung may sugat.
"Andy is not here, wala sya rito" napabuntong hininga si Cameron bago hawakan ang magkabila kong pisngi upang palingunin ako sa kanya. Diretso nyang tiniganan ang mga mata ko at ganon din ako.
"Sa lahat ng parte ng katawan mo, mga mata mo ang pinaka gusto ko" ngumiti sya bago punasan ang dugong dumaloy sa mata ko gamit ang sariling kamaay.
"Matutuwa na sana ako ang kaso lang, naalala kong pula na nga pala ang totoong kulay ng mga mata ko, pero, pwede na rin dahil yan talaga ang kulay nyan noong tao pa 'ko" maliit akong napangiti.
"Mahahanap din natin ang kapatid ko, hindi mo kailangang isisi sa sarili mo ang lahat ng bagay, mahahanap natin si Andy, ano man ang mangyari" Kasabay ng unti unting pagkawala ng ngiti ko ay ang pagyuko ko dahil sa hiyang nararamdaman. Sa pagkakataong ito... pakiramdam ko, nagkaroon ng kakayahan si Cameron na basahin ang isip ko ns kahit kailan ay hindi nagagawa ng ibang tao, ipinaramdam nya sa'king hindi ko kasalan ang lahat... at naniniwala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Forever Eighteen (LAVS:1)
VampireForever Eighteen I leave each city every five years and this time, I'm in the Philippines. Ako ang CEO ng kompanyang ako mismo ang nag tayo pitong dekada na ang nakakalipas. On my eighteenth birthday, my parents is killed by an unknown person yo...