Shirt

4 1 0
                                    

Unica's PoV

"You cannot do it to us Miss Collins"

Hindi ko intindi ang walang humpay na pag sunod ni Neyo habang naglalakad ako sa loob ng sariling opisina at may binabasang mga papeles.

"Miss Collins no"

"Miss Colli—"

"Stop It Neyo!"

"Leana!" Sigaw namin sa isat isa. Parehas nauubusan ng pasensya habang malalim na humihinga at nagtatapatan ng titig.

"Matagal na dapat tayong patay Neyo, ano bang ikinatatakot mo? Ang maubos ang lahi ng mga bampira sa mundo? O ang maiwan ang babaeng mahal mo?" pilit kong ipinapaliwanag kay Neyo kung ano ang intensyon ko pero sarado ang utak nya. Wala syang ibang gustong gawin kundi ang pigilan ako. "Intindihin mo'ko, kung hindi mo'ko kayang intindihin labanan mo 'ko. Labanan mo 'ko at pag natalo ako, ako mismo ang magpapatigil sa paggawa ng gamot na makakaubos sa lahi ng mga bampira sa mundo"

Walang imik ang lahat habang nakaupo sa sofa na nasa loob ng opisina ko. Lahat sila ay nakikinig lang sa usapan namin ni Neyo.

"Sa susunod na linggo na yung laban natin, Inaasahan kong matatalo mo 'ko Neyo" inilapag ko sa lamesa ang mga papel na hawak bago tignan ang aking wrist watch.

"Aalis na kami, may pasok pa 'ko" pag papaaalam ko sa kanila at nilapitan si Cameron.

"Tara na, ihatid mo 'ko" nauna akong lumabas habang nakasunod naman sya sa'kin.

'Lance, make sure that Neyo won't know what the drug is really all about' bilin ko kay Lance using my mind ability.

'Yes Miss Collins' sagot nito.

'Miss Collins you shouldn't have done that'

'Miss Collins Neyo is furious'

'He's mad'

Sunod sunod na sabi nila Rome , Hans and Jonathan ng may pag aalala.

'You don't have to worry' paninigurado ko sa kanila.

"Are you really making a drug that can end vampire's existence?" Tanong ni Cameron ng makasakay kami sa kotseng nasa labas. It's not mine, it's Neyo's property. Pang dagdag asar. Ako ang nagmaneho.

"Sa'yo ba 'tong kotseng 'to?" Sunod na tanong nya.

"No, it's Neyo's property" sagot ko bago buksan ang makina at paharurutin ang sasakyan hindi pinag tuonan ng pagsin ang una nyang tanong.

~~~~

ITINIGIL ko ang pagmamaheno sa tapat ng isang clothing store. I will cby and change my clothes.

"Magpapalit ka rin ba ng damit?" Tanong ko bago sya pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Obviously you should, lasing ka ng kuhain kita kanina. C'mon, let's buy some clothes" sabay kaming lumabas ng kotseat pumasok sa clothing store.

"Hello ma'am good morning" bati ng cashier, hindi ko sya pinansin at dumiretso sa damit panglalaki. I simply pick a jeans and a white shirt with a word HER KING printed in it for cemeron. Nakasunod lang sya sa'kin kaya inabot ko na sa kanya ang nakuha ko.

"Get change" bilin ko bago sya iwanan at pumili naman ng isusuot ko.

Halos sabay kaming lumabas sa fitting room at hindi ko naiwasang mapangisi ng makita ang reaksyon nya.

"A-are we wearing a couple shirt?" He ask. I just shrug my shoulder as an aswer. Habang hawak ang mga damit na nasa supot ay lumapit kami sa cashier. I give her my card and let her do what she need to do. Hindi ko na sana sya papansinin ng makita ang paraan ng pagkakatitig nya kay Cameron. Gwapong gwapo? Tsssk!

Nang maiabot nya pabalik ang credit card ko ay mabilis kong hinablot si Cameron at lumabas.

"Hey hey, are you in a rush?" Takang tanong ni Cameron. Binuksan ko ang driver's seat at pinapasok sya ron. Umikot ako papuntang upuan sa likod at don umupo.

"Drive" seryosong utos ko rito bago sumadal at pumikit habang malalim ng pag hinga. Matakot nga...

'Stop staring at my boyfriend cashier girl' puna ko rito. Nag palinga linga ito sa paligid bago batukan ang sarili. Siguro iniisip na pinag lalaruan namaman sya ng sariling utak.

Hindi na ulit tumingin sa kotseng gamit namin ang cashier girl hanggang sa makaalis kami. Weak ka pala tssk.

"Thanks for the clothes" simpleng tango ang isinagot ko. Hindi pa rin binubuksan ang nakapikit na mata.

"Are you mad?" Tanong nito.

"Why would i? Do i have a reason to be mad?" Tanong ko pabalik habang nakapikit pa rin. Hindi na ito nag salita hanggang sa makarating kami sa iskwelahan.

"Ipark mo, mauna na 'ko sayo, issue 'to panigurado pag nakita tayo ng mga estudyanteng tsismosa" walang kahit anong gamit akong lumabas sa kotse at dumiretso papasok.

"Sis!" It's Jhulie of course.

"Yeah?" Sagot ko rito ng hindi nililingon.

"Nagawa mo ba yung assignment kay Mr Thadeus?" Tanong nito habang pakamot kamot sa leeg. "Pakopya naman ako" bulong nya kinalaunan. I knew it, teenagers nowadays is really a pain in their parents ass.

"Sure" sagot ko. Nagliwanag ang mukha nito bago tignan ako na parang may hinahanap.

"Eh teka... where's your bag?"

"Kung dala ko yung bag ko papakopyahin kita, kaso lang hindi eh" simpleng sagot ko bago sya unahan sa paglalakad.

"Sis naman eh, bakit kasi hindi mo dala yung bag mo?"

"Nice shirt Transferee" papuri ng isa sa mga nadaanan namin. It's a plain white shirt with a word HIS QUEEN printed in it.

Cameron's PoV

I can't believe that i use someone's car without barrowing it. God that woman.

"Oh my, ang ganda ng kotse nung guy"

"Yes, so hot"

"Really"

Bulong ng mga nadaanan ko. If they only knew, hindi ako mag aaksaya ng pera para sa isang sasakyang maluluma rin naman kinalaunan.

"Look at his shirt, i think nakita ko yung kapartner nyan, nakalimutan ko lang kung kanino" 'Di ko mapigilang mapangisi ng marinig ang sinabi ng babae. Of course makikita mo, ang ganda ganda ng may suot non eh.

Dumiretso ako papasok at naabutan ko sa faculty si Reveka. Napalingon ito sa pinto ng pumasok ako.

"God! Did you see Unica? She's gone when i wake up! Did you see he—"

"He's with me" pigil ko pa sa ibang sasabihin ni Reveka. Natigil ito ng ilang segundo bago huminga ng maluwag habang nakahawak pa sa dibdib.

"Buti naman... I thought, I thought she's gone like Ha—"

"No. She's with me, hindi sya nawawala at hindi mawawala Reveka" putol ko ulit dito. Nakahinga man ng maluwag, bakas ang takot sa mukha nito. Naisip nanaman nya ang nangyari sa anak na babae na bigla nalang nawala at nung bumalik, wala ng buhay.

"Thanks Cameron, pupuntahan ko sya" mabilis na pagpapaalam ni Reveka bago kunin ang mga libro at nagmamadaling lumabas.

Forever Eighteen (LAVS:1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon