Alive

3 1 0
                                    

Unica's PoV

MABILIS NA lumipas ang araw, tuluyan ng nilamon ng dilim ang paligid ng magkaroon kami ng pagkakataong mag usap usap.

"Ano ng plano Reveka? Cameron?" Tanong ko ng makaupo sa lamesang nasa harap.

"Magkakaroon kami ng operation mamaya para puntahan yung bahay na madalas pinupuntahan ni Stephanie, paniguradong sya na yung sunod na target dahil sya na yung binibentahan ng drugs" tango ang sagot ko bago balingan si Lance.

"Si Jhulie? Nasaan?" Tanong ko rito.

"Nakatulog na sya sa kwarto Miss Collins" sagot ni lance.

"Bantayan mo sya hanggang s—"

"Miss Collins?" Naputol ang sasabihin ko ng sumingit si Jonathan. "Pwede bang ako na ang mag bantay ka Jhulie?" Lihim akong napangisi bago tipid na tumango.

"Neyo, Hans, Rome, samahan nyo sila Cameron at Reveka, siguraduhun nyong mahuhuli nyo yung taong nasa likod ng pagkawala ng mga babae, tatlo kayo at alam kong di hamak na mas malakas kayo sa bagong yon" pinagdiinan ang salitang bago para maintindihan nila. Lahat sila ay tumango bilang tugon.

"Lance at Jonathan, maiiwan kayo rito para bantayan ang lab pati si Alexandra at Jhulie"

Tumayo ako at naglakad papalapit kay Alexandra para sana kausapin ito ng bigla akong nakaramdam ng matinding sakit na dumaloy sa mga ugat ko dahilan para mawalan ako ng balanse at maghanap ng mahahawakan. maagap na tumayo si Neyo para aalalayan ako.

"Unica? Anong problema?" May bahid ng pag aalalang tanong ni Neyo. Umiling ako bago umayos ng tayo kinalaunan.

"Isara nyo ang lab, walang papapasukin. Kung paglipas ng dalawampung minuto hindi pa 'ko nakakabalik lumabas kayo gamit ang pintuan sa likod" may awtoridad kong utos.

"Nandyan ba sya?" Tanong ni Hans Tango ang isinagot ko bago tignan silang lahat isa isa.

"Sinong nandyan?" Naguguluhang tanong ni Cameron. Hindi ako sumagot at naglakad na palabas. Nakasunod sila sa akin para ihatid ako.

Bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa'min ang pigura ng isang lalaking nakatalikod. Tuluyan akong lumabas, kasabay ng pagsara ng pintuan ay ang mabagal na pag haral nya.

"Hindi mo man lang ba yayakapin ang ama mo?" Tanong nito.

"Sa wakas ay nagpakita ka rin ng mukha mo Vicente, matagak kitang hinanap. AMA" may bahid ng sarkastikong sabi ko.

"Mas maganda sana kung yayakapin mo ako, anak ko" may ngiti ito habang nakabukas ang dalawang braso, nag aantay sa pag lapit ko para yakapin sya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Hindi ko nagustuhan ang pagkuha mo sa kapatid mo..." seryosong panimula nya, tinutukoy sa Jhulie. Lahat kaming ginawa nya ay gusto nyang ituring syang ama. "At dahil kinuha mo sya bago ko pa sya makuha... iyo na sya" dugtong nito sabay ngisi. "May isa ka pa namang magiging kapatid"

"Gumawa ka nanaman ng bago Vincente, ni hindi mo man lang sila tinanong kung gusto ba nilang magpasakop sa ilalim mo" napairap ako dahil sa inis.

"Balak ka sanang gawing mas malakas sa'yo si Jhulie, pero dahil nakuha mo na sya, si Reana nalang"

"Hindi ako interesadong makilala ang 'bago' mong anak" pang aasar ko.

"Talaga? Parang yan din mismo ang katagang binitiwan mo ilang dekada na ang nakakaraan... pero anong nangyari? Kinuha mo sila Neyo, hindi na 'ko mag tatakang kabaliktaran non ang gusto mong sabihin" walang ingay ang narinig pag lipas ng ialng minuto.

"Sa araw ng paglalaban nyo ni Neyo sa susunod na linggo, si Reana na nag makakalaban mo. Tulad ng dati,pag nanalo ka, iyo na sya, pag natalo ka, akin na silang lima, nag kakaintindihan tayo? Anak ko?" Hindi ako sumagot o gumalaw man pang, ni pagkurap ng mata ayaw kong gawin dahil baka mawala sya.

"Magkita tayo sa susunod na linggo, Leana" nag iwan ito ng ngisi bago mabilis na nawala kasabay ng malakas na sakit na muling bumalatay sa sarili kong mga ugat.

~~~~~

"Lance, Rome, Hans, tulungan nyong mag sanay si Neyo para sa mangyayaring laban sa susunod na linggo, pati kayo ay siguraduhing mag sanay" sabi ko Nang madaanan silang nag hihintay saakin.

"Sino na ang sasama kayla Cameron at Reveka mamaya?" Tanong ni Hans.

"Ako, ako na ang sasama sa kanila"

~~~~~

"Move! Danlo's team on west! Claro's team on east, Hernande's team on south, My team in North! Move!" Nahati sa apat na grupo ang mga pulis na kasama namin, lahat sila ay nasa ilalim ng pamumuno ni Cameron.

Napuno ng tahol ng aso ang lumang bahay na gunawa ng tambakan ng basura at mga lumang gamit.

"Stay by my side Unica" bulong nito. As if nakang susundin ko sya.

"No way" mabilis akong tumakbo para pasukin ang isang pintuang magdadala sa'kin sa isang madilim at mas malaking kwarto.

"Tulong! Tulungan nyo kami!" Unti unting naging klaro sa pandinig ko ang boses ng mga babaeng nasa loob ng kwartong 'to. Hindi tulad ng nasa labas, papunta sa ilalim ang makipot at gawa sa mababang uri ng bakal na hagdan ang narito. Imbis na gamitin yon ay maingat at walang ingay akong tumalon pababa.

Nang makababa ay tumambad sa'kin ang Labing limang morning pintuang gawa sa kahoy. Kulay puti ang dating kulay nito, nawala lang dahil sa kalumaan at onting sira sa ilalim na gawa ng ngatngat ng aso panigurado.

"Andy???! Andy are you here?!" Sigaw ko sa loob.

"Tulungan mo kami!" Pag hingi ng tulong ng isang babae.

"Mag iingat ka he's there outside! Sasaktan ka nya!" Paalala naman ng isa pa. Nagpatuloy ang pag sigaw at pag papaalala nila sa'kin habang naglalakad ako papunta sa isa sa mga pintuan. Nang buksan ko yon ay tumambad sa'kin ang babaeng nakaposas sa pader habang nakasuot ng puting bestida na parang ilang linggong hindi nalabhan dahil sa dumi. Wala na syang kakayahang mag salita dahil sa sugat na natamo marahil ay dulot ng tubong nakakalat sa gilid na may bahid ng dugo. Marumi rin ang kwarto at halatang hindi nalilinis. May napapanis at nagkalat na pagkain sa gilid, sirang foam ng kama na nakakalat, lamesa at... mga ginagamit para sa BDSM.

Napalunok ako bago lapitan ang babaeng nakaposas. Maingat pero may lakas kong tinanggal ang pagkakaposas nya bago sya paupuin sa kama.

"Dito ka lang, tutulungan ko ang iba" hirap na ungol lang ang sinagot nya sa'kin bilang tugon.

Nang pasukin ko ang ikalawang kwarto ay di hamak na mas nanlumo ako ng makita ang taong nasa loob no'n. Naka puting bistida na halos mag itim na dahil sa dumi at bulok na balat na nakadikit dito, naglipa rin ang mga langaw at... halos kalahati na nito ang naagnas habang walang buhay na nakasandal sa gilid, naka tali ang kamay gamit ang isang manipis na na kable sa mahigpit na paraan na naging dahilan ng halos pagkaputol nito kung walang butong nagkokonekta.

"Nahuli ako... kung mas inagahan ko siguro nailigtas kita" kausap ko rito habang nasa baba ang tingin. Mariin akong napapikit bago pumihit paharap pero bumungad sa'kin si...

Forever Eighteen (LAVS:1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon