Unica's PoV
"Unica!" Naagaw ni Reveka ang atensyon ng lahat nang walang ingat nyang buksan ang pinto dahilan para mag dulot ito ng malakas na ingay.
Nang makita ako ay inilapag nya ang librong hawak sa lamesang nasa unahan at lumapit sa'kin ng may pag aalala sa mukha.
"Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo" niyakap ako nito pagkatapos sabihin yon. Mabagal ko syang niyakap pabalik at tinapik tapik ang likod para pagaanin ang loob nya.
"Hindi naman ako mawawala" sagot ko rito. Humiwalay sya bago hagurin ng tingin ang kabuuan ko.
"Nasaan ang gamit mo?" Tanong nito.
"Hindi na 'ko nakauwi sa bahay dahil may pinuntahan ako kaya hindi ko na rin nakuha ang gamit ko" sagot ko. Kinapa nya ang bulsa at may ibinigay sa'king susi.
"Yan yung susi ng locker ko, nasa loob no'n ang mga gamit mo" 'Di ko napigilang mapangiti ng marinig ang sinabi ni Reveka.
"Thanks... mom" napangiti ito bago ayusin ang buhok ko at naglakad na papunta sa unahan at nag simula sa pag tuturo.
"Mommy mo pala si Miss Monte bakit hindi kayo parehas ng apelyido?" Pang iintriga ni Jhulie. Hindi ko sya sinagot at basta nalang lumabas ng classroom.
'Kukunin ko na yung gamit ko' pag papaalam ko kay Reveka ng makalabas.
~~~~~
"Hanggang ngayon usap usapan pa rin kayo ni Miss Monte sa classroom, aabot yan hanggang bukas kasi malamang malalaman na yon ng buong campus" pag kwekwento ni Jhulie na parang wala ako ron kanina. It's already lunch break and we're heading through canteen.
"Pero bakit nga ba hindi kayo parehas ng surname? Hindi mo 'ko sinagot kanina" Tanong ulit ni Jhulie.
"Lumaki ako kay daddy at surname nya ang gamit ko kaya hindi kami magka apelyido" sagot ko para manahimik na sya. Napakarami nyang tanong tssk.
Wala na syang sinabi hanggang sa makarating kami sa canteen na ipinag papasalamat ko.
"Omo? Libreng steaks? Eat all you can?" Tanong ni Jhulie. Hindi makapaniwala. Maski ako hindi makapaniwalang may libreng steak at isama mo pa yung ibat ibang luto. May Stuffed Flank Steak, Summer Steak Kabobs, Beef Filets with Portobello Souce and Garlic Grilled Steaks.Wow.
"Yes Miss Jhulie, pili ka na" ngiting sagot ng lalaking canteen staff.
"Isang Stuffed Flank Steak nga po kuya" tumango ang canteeng staff at kinuha iyo bago lagyan ng kanin sa gilid. Binalingan ako nito.
"Garlic Grilled Steak ang akin, yung rare sana mayro'n kayo?" Tanong ko habang nakatingin sa mga nandon. Matapos tignan ng lalaking Canteen Staff ang mga luto ay umiling ito.
"Wala po Miss Unica, medium lang po yung pinaka hindi luto na narito" umasim ang mukha ko ng yon ang isagot nya. Tumikhim ako at hindi pinahala ang pang hihinayang.
"Pero pwede naman po namin kayo lutuan" nagliwanag ang mukha ko bago tumango. "Ilang minuto po kayo mag hahantay ayos lang po ba Miss Unica?" Muli akong tumango.
"Ayos lang, sige" ngumiti ito bago tinanong ang nakasunod sa'min sa pili.
"Leana" hindi ko yon pinansin at inaya na si Jhulie na hindi man lang nagalaw sa kinatatayuan habang nakatingin sa likod ko.
"Leana" natahimik ang kaninang medyo maingay na Canteen.
"Jhulie tara na?" Napalunok ito bago ako balingan.
"I-ikaw yata yung tinatawag n-ni mayor, Unica" utal utal na sabi nito. Maliit na tango ang sagot ko bago lumingon.
"Leana" nakangiting pag tawag sa'kin ni Mayor. Tango lang ang isinagot ko.
"Unica ho ang pangalan ko Mayor, hindi Leana" pagtatama ko. Mas lumawak ang ngiti nito.
"Mas bagay sa'yo ang Leana, Leana" pigil ko ang sariling ikutan sya ng mata.
"Mas bagay sa'kin ang Unica dahil ako mismo ang namili non para sa sarili ko Mayor"
"Matanda pala ang nais ni Unica Ken, hindi ka pwede dyan ahahaha" rinig kong pang aasar ng isa sa mga kaibigan ni Ken. The COO
"Masarap ba yung steak? Para talaga sa'yo yan, lahat yan ay paborito mo" pag mamalaki nito sinulyapan pa ang steak na nasa counter bago muling ibalik ang tingin sa'kin.
"I'm empty handed Mayor, mukha bang natikman ko na yung libreng Steak nyo?" Sarcastic kong sagot. "Isa pa, alam nyo pala yung mga paborito ko, pero mukhang yung klase ng luto hindi" nginisian ko ito bago pumihit patalikod.
"Tara na Jhulie" agarang tumango si Jhulie at kasabay kong nag lakad. Namutawi ang bulong bulungan sa gilid pero natigil yon ng may humawak sa bewang ko at sapilitan akong iharap.
"I bring your favourite food Baby" napanganga ako ng makita kung sino yung humigit sa'kin.
"Cameron" tumalim ang titig ni Mayor habang nakatingin sa'min. Mas lumakas ang bulong bulungan sa paligid lalo na at nananatili kami ni Cameron sa ganong posisyon. Tumikhim ako at nag bigay ng isang hakbang na pagitan saaming dalawa.
"Anong dala mo?" Tanong ko bago sulyapan ang paper bag na hawak nya.
"Niluto ko para sa'yo, ginisang ampalaya" pinigilan ko ang sariljng ngumiwi ng sabihin nya kung ano yung dala nya. Gulay? Ampalaya?
"Tara kainin na natin yan"
"Ah Miss Unica? Kukunin nyo pa po ba 'tong steak?" Pinigilan ko ang sarili na mapalunok ng maamoy ang steak na paborito ko. Pinilit kong ngumiti bago sumagot.
"Hindi na, may pag kain na naman ako" nauwi sa ngiwi ang ngiti ko ng balingan ko si Cameron.
'Hindi ako kumakain ng gulay at lalo na ng ampalaya'
"Kainin na natin yang dala mo" binalingan ko si Jhulie at tinanguan. Nag lakad kami papunta sa lamesang nasa pinaka dulo.
"T-totoo ba 'to? K-kayo? Ni Sir Thadeus?" Kumakain na si Cameron pero nananatilinh nakatingin samin si Jhulie. Nahinto sa pag subo si Cameron at tinignan si Jhulie.
"Oo, we're together" sagot ni Cameron bago ituloy ang pag subo. Ako naman ay nakangiwi syang tinitignan habang sarap na sarap sa kinakaing gulay.
"Pero Unica? Bakit ka tinawag na Leana ni Mayor? Leana ba yung totoong pangalan mo?" Napalingon ako kay Jhulie ng itanong nya yon.
"Hindi, hindi ko kilala ang Leana-ng tinutukoy nya" sagot ko.
"Baka kamukha mo yung asawa nya" rinig kong bulong ni Jhulie.
"'Di hamak na mas maganda ako sa asawa nya Jhulie"
"Sabi ko nga" biglang bawi nito.
Gano'n na ba kadesperado si Aaron para mamigay ng libreng steak at pumunta rito at ipakita ang nararamdaman nya sa lahat para sa'kin? Isang maling hakbang para sa reputasyon nyang matagal nyang iningatan. Mukhang masarap asarin si Miranda mamayang gabi...
"Anong iniisip mo?" Napalingon ako kay Cameron nang tanungin nya ko. Umiling ako bago sya nilagyan ng mas maraming ampalaya sa plato.
"Kain ka pa" tumango lang ito bago ako halikan sa noo at muling kumain.
BINABASA MO ANG
Forever Eighteen (LAVS:1)
VampirForever Eighteen I leave each city every five years and this time, I'm in the Philippines. Ako ang CEO ng kompanyang ako mismo ang nag tayo pitong dekada na ang nakakalipas. On my eighteenth birthday, my parents is killed by an unknown person yo...