CHAPTER FOUR

14.5K 291 4
                                    

KYRIEE decided to ask for advance to her manager later after her work. Kahit dalawang buwan o kahit isa. May pandagdag lang siya. Naisipan niya narin kung saan siya magloloan. Pinahiram narin siya kagabi ni Monique ng pera.

Ayaw niya mang tanggapin ang alok nito subalit mapilit ang kaibigan kaya wala siyang nagawa kung hindi ang abutin ang pera nito.

"Bayaran mo nalang ako kapag nakaluwag-luwag ka na. " pangungumbinsi nito sa kanya.

Huminga siya nang malalim at tinitigan ang notebook na nasa harap. Pinitik niya ang ulo ng ball peng hawak at nagsimulang magsulat.

Nasa library siya ng paaralan. Mag-aaral dapat siya pero nabaling rin ang atensyon sa pagsusulat nang mga naisipan niyang gawin at pag-uutangan.

Lunch na dapat nila ngayon pero naisipan niyang sa library magpalipas ng pananghalian. Maliban sa walang tao ay malayo pa siya sa mga taong mapanghusga.

Ilang minuto niya na atang nakatuon sa notebook nang mapansin niyang may umupo sa tabi niya. Hindi niya sana iyon mapapansin kung hindi lang ito gumawa ng ingay pagkaupo nito.

Napaangat siya nang ulo at tinabunan ang nakasulat sa notebook niya ng dalawang kamay nang makitang nakatuon doon ang pansin ng taong nasa harap niya. Tumaas ang kilay nito at iniangat ang tingin sa kanya. Kalaunan ay tumaas ang dalawang sulok ng labi nito. 

 "Hi. " matamis nitong bati sa kanya.

Napalingon-lingon siya sa buong library. Dalawa lamang sila sa sulok at may iilan sa mga lamesang agad mapapansin kung papasok sa loob. Hindi naman sila agad mapapansin kung hindi susubukang lingunin at lapitan ang huling shelves.

 "Uh? " alanganing bati niya.

It's her first time that someone approached her. Since sophomore ay wala nang nagbalak lumapit sa kanya dahil sa mga bullies. Sa tuwing may lalapit kasi sa kanya ay nadadawit. Though, naka-survived naman siya kahit minsan kailangan talaga na mag-grouping lalo na kapag may projects. 

Well, in her case in terms of groupings, she'd rather chose to be alone but if it's really necessary she guessed they never have a choice but to be in a group with her.

Laking salamat naman at hindi ganun kakitid ang utak ng mga nambubully at wala namang mga pangyayaring kinatatakutan ng mga taong nakakasama niya.

Well it's just a groupings. Of coarse they really never have a choice but to be with her. Kung hindi naman iyon groupings ay tiyak niya namang walang lalapit sa kanya. Kaya naman nakapagtatakang may lakas loob na lumapit sa kanya. 

Well... the guy in front of her doesn't seem like bullies can bully him. He has looks and she can sense that he's also showered with richness. Not judging by its looks but the way how the guy showed his attitude. Don't get her wrong. Simula ata nang tumagal ang pagtatrabaho niya sa club ay kabisado niya na kung anong klase ang mayayaman at hindi. Hindi niya alam. Pero napakadali na lang para sa kanya na mapansin yun. She doesn't know if it's her instinct that rings a bell.

"Do you always stay here at noon hour? " he simply asked like he's talking to someone he knows. 

 "I'm Marv, by the way. " pakilala nito nang hindi siya umimik.

Nakangiti parin ito sa kanya. Nakapatong na ngayon ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa. Habang ang isa ay itinukod nito at ang kamay sa pisngi bilang pangsuporta. 

He's quite cool with his look. His blonde hair was a bit mess but it still suites him. He has thick lashes and his eyes were a bit round. Matangos ang ilong at makurba ang maninipis nitong pulang labi. Di kalaunan ay may sumagi sa isip niyang isang pamilyar na lalaki na kahawig ng lalaking nasa harap niya. 

Virginity For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon