CHAPTER THIRTY TWO

6.3K 127 12
                                        

Isang katok ang nakaagaw sa atensyon niya. Halos mag-iisang oras narin siguro siyang nasa loob ng kwarto pagkatapos marinig ang usapang iyon.

She doesn't know but she felt so bothered about it. Hindi iyon maalis sa isip niya. Who was he talking to anyway? Tama ba ang narinig niyang baby ang tawag nito sa kabilang linya?

Was that a name or an endearment? Wait—bakit naman iyan ang una niyang iisipin. Hindi ba dapat ang isiping nagkamali nanaman siya sa iniisip kanina na na andito ito dahil nandito siya ngayon?

It's just coincidence. Right.

Isang oras na nga pala ang nakalipas kaya malamang ay bumalik na ito sa Inn na pinag-stay-han. Bumalik na ito para puntahan ang kausap nito kanina.

She shook her head and sighed dramatically as she opened the door. Ang nakakunot-noong si Estoy ang sumalubong sa kanya.

Nakita niya ang pag-aalala nito sa mga mata.

“Ayos ka lang ba? Kanina pa kami naghihintay sa iyo. Pinuntahan na lang kita kasi kanina ka pang hindi bumabalik roon. ” ani nito.

“A-Ah! Sumama lang kasi ang pakiramdam ko, Estoy. ” pagsisinungaling niya.

“Kumain ka na lang muna? Baka sa gutom lang iyan. ” anyaya nito pero umiling siya.

“H-Hindi. Busog pa naman ako. Medyo kakaiba lang talaga pakiramdam ko ngayon. Salamat na lang. Pasensiya na at hindi ako makakasali? Pakisabi na lang sa kanila. ”

“Ganun ba? ” bakas ang bigo sa tono nito. “Sige. Magpahinga ka na lang muna. Ako na magsasabi sa kanila. ” sabi nito bago magpaalam na babalikan na ang ibang kasama.

Bumalik siya sa kama. Bumalik rin ang mga iniisip niya tungkol sa kanina. Well... She didn't really hope for anything at all. Tama nga lang iyong hindi talaga siya umasa. But why does it sound bitter everytime she thinks about it?

Bakit nakakaramdam siya nang pagkadismaya sa katotohanang hindi naging totoo si Altaire sa mga sinabi nito sa kanya?

And if he was really serious about it he won't obliged even if she said those words to him. Sa pagkakaalam niya namang matigas ito at ang sariling choices ang palaging gustong masunod. And that even bothered her more knowing his side attitude.

Nagsawa na ito kakasuyo sa kanya? Pero hindi naman nito kasalanan right? It was her entire fault in the first place! Naging suplada siya at iritable sa pakikitungo kay Altaire! So what was she annoyed for?

Kinabukasan ay maaga narin silang nagligpit para makauwi na. Tuwang-tuwa si Selda at Catherine sa naging experience nila habang nagliligpit.

“Sayang talaga, Kyrie! Ang saya-saya kagabe! Worth it iyong bagong biling two piece ko kasi andoon si Sir Zedd! ” ani Selda.

“Oo nga! Sayang kasi pati si Estoy hindi narin naligo ng dagat, e. Inaabangan ka kaya nun mag-two piece! ” ani Catherine na ikinabigla niya.

Hindi siya napansin ng dalawa dahil masyado pang busy ang mga ito sa kakadetalye nang nangyari.

“Akala ko nga mapapaaway si Dante, e! ” narinig niya kay Catherine kalaunan.

“Syempre... Kahit sino naman magagalit kung may asawa na ang tao tapos dinidikitan ng lalaki. And tagal na pero hindi parin maka-get over. ”

“Anong nangyari kagabe? ” she asked the both of them.

It surprised her. Dante almost had a fight with Cylene's husband? Hindi makaget over? What?

“Hay naku, Kyrie! Huwag na natin iyang isipin. Ang isipin mo ay ang lugmok na mukha ni Estoy. ” sabay halakhak ni Selda. “Makikita ka na sanang naka-two piece kagabe... Sayang talaga... ” sabay iling nito.

Virginity For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon