CHAPTER SEVENTEEN

8.7K 172 16
                                    

“Happy Birthday po ulit, Tita. ” ani Kyrie kay Tita Hasheil.

“Salamat rin ulit. At saka roon sa cake. ”

Ngumiti siya.

“Kyrie... Tawagan kita ha? Mamaya. ”

Napatingin siya kay Monique. Kanina pa ito lihim na ginagawaran siya nang masamang tingin. Nakita niya ang kagustuhan nitong tanungin siya sa pagtama pa lang ng kanilang mga mata.

She sighed secretly.

Alam niyang tatanungin siya nito tungkol kay Altaire. Katulad ng bakit ito ang maghahatid sa kanya pag-uwi? Sinabi na ni Altaire kanina na it's a thank you ride but it was just so hard to believe! Lalo na at kakarating lang nito ay agad naring aalis, timing pa na uuwi na siya.

Thank you ride nga, Kyrie! Of course uuwi narin ito dahil uuwi na siya! Pero hindi naman kailangan e! He's there for the party. Malamang, anong iisipin ng mga iilang bisita? That there's something going on between them? Especially that Altaire has nothing to do with Monique's and with their manager.

This will surely make him the headline on any news! Ang isiping iyon ay lalong nagpakabog sa dibdib niya. Kaya hindi narin siya magtataka kung bakit ganito si Monique. Lalo na at masangsang ang pang-amoy ng babaeng iyon.

Monique has tons of questions and talking over the phone will surely hang her. Pero may kasalanan siya rito. It would make her more feel bad lalo na at wala itong alam sa pinagagawa niya.

Ano-ano na ba ang mga inilihim niya? Siguro mainam na huwag niya na lang munang isipan iyan. Pagod pa siyang isipin ang nangyari kanina sa babaeng iyon at idagdag pa si Altaire na pumunta lang talaga sa party para...

She shook her head a bit. Tumango na lamang siya.

“Ang bilis mo namang umuwi! Hindi ka man lang kumain, Sir. ” ani Tita Hasheil. “Kyrie... Pasensiya na nga pala at akala ko ang anak ko ang may something kay Sir Salvistre, hindi mo naman sinabi na ikaw pala! ”

She gasped and abruptly wave her both hands in the air. Kinubabawan na nang hiya lalo na at humalakhak pa ang ginang. Napatingin siya kay Altaire na nasa likod niya, halos mapapikit pa siya nang nagtama ang mata nila at nakita ang bakas ng amusement nito sa mukha. Namumungay ang mga mata nito at nakangising nanonood sa kanila.

“Mama! Ano ka ba, ” nahihiyang tumawa si Monique habang sinasaway ang ina.

“Sir, pasensiyahan niyo na. ” ani Monique.

“Nagkakamali po kayo Tita! Tinulungan ko po siya noon kaya gusto niya rin po na magmagandang loob. ” aniya. Bakas sa kanyang tono ang kagustuhang tapusin ang usapin tungkol sa binata lalo na at nariyan lang sa likod.

“Sus! Diyan yan nagsisimula, e. Yong sa napapanood kong teleserye ganyang-ganyan. ” eksahederang ani nito nang nakangisi. Kaya pinigilan na naman ito ni Monique. May binulong siya rito.

“Ano naman e nasa edad na si Kyrie? Age doesn't matter, anak. Ano ka ba! ” narinig niyang bulong nito kay Monique. Napasinghap siya.

“Ah! Tita, salamat po ulit. A-Alis na po kami. ” aniya. Tinawag niya ang pangalan ni Monique. Tumango lang ito. Nakapag-paalam na siya sa iilang kasamahan at kay Madame at huli na ang mag-ina.

Tumalikod na siya. Tumikhim siya nang makitang naghihintay na si Altaire sa tabi ng nakabukas na pinto para sa kanya. She secretly blow the air and walked over him.

Just take this as an advantage, Kyrie! After all, when you moved you'll forget this man and moved on with your life. What? Anong moved on, right? She can't believe that this man could affect her mind crazily and even think too advanced!

Virginity For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon