"Impokrita! Lumabas ka diyan kung hindi ay susunugin ko tong bahay niyo! "
Isang malakas na sigaw ang nagpagising kay Kyrie mula sa pagkakatulog. It's already six in the morning and yet she's still sleepy. Parang ilang semento ang nakadagan sa kanya dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman.
Pagod na pagod siyang bumangon at lumabas ng bahay. Hindi na nag-abala pang ayusin ang sarili dahil sa kagustuhang makita narin kung ano ang nangyayari. She's sure she heard a woman whacked the wall of their house. She hoped it's not the termite part for a less damage.
Sinalubong siya nang galit na galit na matabang babae paglabas. Umikot ang mata niya sa mga taong nakapalibot at nanonood sa magiging palabas.
"Ano itong pinunta-punta ng mga pulis sa bahay ko?! Ano?! Gusto mong ipakulong ang asawa ko?! Ikaw na nga itong bibigyan ng pera para dyan sa nanay mo, ikaw pa itong ilusyunadang inakalang may kung anong balak ang asawa ko sayo?! Ha?! "
Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. Ano raw? Anong klaseng tao ang maniniwala sa kasinungalingang wala namang batayan? Lumapit siya nang konte sa babaeng nagpupuyos na sa galit.
Ang asawang tinutukoy nito ay ang may katandaang lalaki noong nakaraang araw. She felt insulted by those men. Sa tingin niya nakakatuwang bigyan ng pera kapalit ng hahalayin siya? It's not the first time the fat woman's husband insulted her and gave her indecent exposure.
And they needed to learned their lesson! Nabugto ang pasensiya niya at agad siyang nagreport dahil sa kabastusan nito.
Napakagat labi siya nang napansin na nagch-chismisan na ang kanyang mga kapitbahay.
"Ate Suello, hindi po yun ang totoo. Talaga-"
"At sinong niloloko mo ha?! Ilusyunadang impokrita! Hindi porke't may itsura ka ay papatulan ka ng asawa ko! Nagmamalasakit ang tao! Tapos ganun?! Ganun ang ginawa mo?! Kaya siguro ganyan ang buhay niyong mag-ina! Salot kang bata ka! Ang bata bata mo pa! "
Mas lalong nagbulong-bulungan ang mga kapitbahay niya. Konte na lang at maiiyak na siya. Ayos lang naman e. Ayos lang. Pero yung walang naniniwala sa'yo? Ang tingin sa'yo ay parang isang taong walang karapatang mabuhay. Walang halaga. She never think that her neighbors will understand her especially that they doesn't know what she is.
Though she didn't regret what she did. It's her right. May karapatan siya lalo at minor pa lamang siya. Kay tanda tanda ay nag-iisip parin nang ganoon. Sa bagay, wala iyon sa edad. Masyado lang bastos ang asawa niya. Hindi naman iyun kataka-taka subalit hindi iyon magandang rason para siya ang bastusin ng matanda.
"Ate... Totoong napakabastos ng asawa ninyo! "
"Ha! Sa pokpok mong yan?! Mababastos ka pa?! O nagpabastos ka kaya ka pinagbigyan ng asawa ko! "
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Tatawag ba siya ng mga pulis, dapat ba na hayaan niya ito dito, o pumasok na lang siya sa loob at maghanda dahil dadaanan niya pa muna ang Mama niya para makapaghanap ng pandagdag sa naipundar na konte bago pumunta sa event ng Salvistre mamayang gabi.
Pero bago pa siya makapag-decide ay nahagip nang mga mata niya ang paparating na manager. Her eyes almost widened. Nanatili siyang nakatingin kay Madame Rick habang nagtatalak ng kung ano-ano ang babae sa harap.
"Pwede ba Suello! Magpapayat ka kasi para di maghanap yang asawa mo! " matalim na sinabi ni Madame Ric ng makalapit. Nagtawanan ang lahat.
Nahiya naman ang ginang ng mabaling roon ang kanyang atensyon. "Huwag ka ngang makialam bakla! Talagang pumunta ka pa rito para lang mapagtakpan niyo ang kapokpokang pinanggagagawa niyo! "
BINABASA MO ANG
Virginity For Sale
Ficção GeralKyrie Veil Sasha is a teenager who sell her virginity. Mahirap lamang siya at dahil gipit, kapit sa patalim. Her virginity worth one hundred million. Imposible, pero hindi niya akalain na may bumiling estranghero sa virginity niya. All she could onl...
