CHAPTER ELEVEN

11.3K 264 10
                                        

Hindi pa siya nakabawi pero nang maamoy na ang alak mula rito at ang hirap na nitong subukang tumayo ay nagpagising sa kanya.

Tinulungan niya ito habang tumatayo. Wala man lang sumubok na lumapit sa kanila. Siguro dahil narin sa ipinakita nitong galit sa mga sumusubok na tulungan ang binata, ayon narin sa sinabi ng kasama niya.

He's known right? Oo, she seconded. Kaya nga pinagtitinginan sila nang mga nakapansin habang umaalis roon. May mga iilang nagbubulong-bulungan. Subalit hindi roon nakatuon ang kanyang pansin.

Hindi na siya nagkataon na humingi nang tulong when Altaire straightly walk his way to the door. Hindi naging mahirap iyon dahil binigyan sila nang daan ng mga taong nakakakilala kay Altaire.

Inalalayan niya ito na maglakad kahit tahip-tahip na ang kabog sa dibdib niya. She doesn't even want to think how she shivered from his heat body. She has focused on tightly holding his wrist that's in her shoulder while her other hand tightly gripped his lower back.

“Saan po ba dito yong sasakyan mo Sir? ” she asked when they nearly reach the parking lot.

May kung anong kinuha si Altaire sa bulsa at may pinindot roon. Narinig niya ang pag-ingay ng isang mamahaling kotse hindi kalayuan. Sinundan niya ang ilaw na nagmumula roon. Halos mapamura siya nang malapit na siyang matapilok!

Para siyang pinagpawisan dahil roon! Idagdag pa na dumiin ang katawan ni Altaire sa kanya. Siguro naramdaman nito ang malapitan na nilang pagtumba.

“Shit! Easy there... ” he chuckled habang bulong ito. Kinilabutan siya. She swallowed and reach for the handle of his luxury car. Pumasok naman roon ang binata. Narinig niya itong nagbuntong hininga at nakita itong nakapikit na ang mga mata.

Siya naman ngayon ang bumuntong hininga. Ang bigat niya kaya! At ngayon lang iyon sumagi sa kanya sa pagsisikap na maihatid agad si Altaire sa kotse nito.

“U-Uh... May pwede ka po bang tawagan para papuntahin dito? Lasing ka na po kasi Sir a-at baka po kung mapano kayo. ”

Hindi ito sumagot.

“T-Tatawag na lang po ako nang pwedeng humatid sa iyo Sir. Babalikan po kita. Maghahanap lang po ako ng pwede sa loob. ”

Amba na siyang tatalikod nang marinig niya ito.

“Hindi, ”

Napatingin siya rito. Their eyes met. Nakita niya kung paano bumaling ang pagod nitong mukha habang ang mga mata ay nagsusumamong huwag ituloy kung ano man ang binabalak niya.

He's supposed to be drunk pero para naman ata itong nasa tama pang wisyo. Pinanood niya ito na kinuha ang cellphone sa bulsa at may tinawagan habang matamang nakatingin sa kanya.

“B dot b. Yes... ” iyon lamang ang sinabi nito at binaba na ang linya.

“Hop in. ”

“S-Sir? ” hindi makapaniwala niyang tanong. He only licked his lower lip and drunkenly got off his seat para pagbuksan siya sa kabila. Nalilito niya itong pinapanood. Halos mapatakbo siya nang marinig itong nagmura habang nahihirapan sa paglalakad.

Tutulungan niya sana ito but he aired his hand to stop her. Altaire grinned.

“Get inside, ” muling banggit nito. Kasalukuyan nang nasa harap ng pinto. At sa harap niya rin mismo.

“You said you'll bring me home right? ”

“O-Opo. Kaya lang... Ikaw po magd-drive? Lasing po kayo! ” hindi niya na mapigilan.

Nakita niya kung paano magdilim ang paningin nito sa kanya pero may pigil sa sarili na maitaas ang sulok ng labi.

“Damn! I thought... ” he murmured and heaved a sigh. “So you lied? I'm now sober... If that's what scares you. ”

Virginity For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon