CHAPTER TWENTY ONE

7.9K 153 18
                                        

“Bakit mo pa ba iniisip iyan? Pasalamat nga tayo at hindi iyan aabot sa korte nu? ”

Tiningnan niya nang masama si Monique ng gabing magkita sila sa pinagtatrabahuhan. Actually, hindi na sana siya papasok pero naisip niya kasing since tapos na siya sa alalahanin sa paaralan, why not tell her manager that she's leaving from her work starting from that night?

Sinadya niya talaga para hindi niya makita si Altaire sa gabing iyon. If ever man na naroon ito.

“Hindi ka ba nahihiwagaan? Doon na tayo sa maaaring parang wala na lang at kinalimutan nila iyon pero ang reaksiyon nila, Monique, hindi. There's something about it. ” giit niya.

“Like, ano? ”

Napakibit balikat siya. Iyon ang tanong niya. Or perhaps, Monique was right all along? What if may nagsumbong nga? Lumipad ang isipan niya kay Marv. Pero imposible naman ata. Pero paano kung siya nga?

Kalaunan nga din mula sa pag-uusap nila ay umuwi siya dahil wala roon ang manager niya. Ani ng Assistant ay may ginawa raw ito na ipinag-uutos ng kanilang boss. Hindi rin nito alam dahil iyon lang ang tanging sinabi.

Kaya naisipan niyang sa bahay na lang nila. Kaya nga lang, wala rin ito dito. She has no choice then but to wait until the manager comes back. Gusto niyang siya na mismo ang kumausap rito dahil sa utang na loob.

Sinabihan naman na siya na nakadepende na sa kanya kung papasok siya sa work o hindi. Kaya ang pinili niya ang huli.

She already said her goodbyes to some of her co-waitress. Sa araw nga lang na iyon ay wala si Satt para makapagpaalam siya. Ani Monique ay umabsent daw ito dahil may importanting inaasikaso at dahil rin may family problem daw ito.

Iyon lang naman ang sinabi. Pero kitang-kita niya kung paano malukot ang mukha ni Monique habang sinasabi sa kanya ang dahilan daw ni Satt sa kanya.

Sa sumunod na araw niya napagpasyahang magbalot ng mga gamit. Pinag-iiba niya na ang mga iyon. Saka niya na lang aayusin kapag nakuha niya na ang bags na nasa unit ni Altaire.

Pagkatapos niyang maiba ang mga iyon ay pinuntahan niya ang Mama. Kinausap niya ito na pupuntahan niya muna ang napiling bahay sa isang probinsiya at titingnan niya muna roon para masiguro niya iyon ng mabuti.

She's planned it all out. Mula sa pagkakarga ng mga kagamitan paroon at ang kung mainam ba ang byahe para sa Mama. Gusto niya kasing siguraduhin muna kung anong klaseng probinsiya iyon.

Her previous plans was to suddenly go there bringing all their things and stuffs. Pero ngayong huling wala na siyang masyadong inaalala ay nagkaroon siya ng ideya na mas mainam kung ganun nga ang gawin niya.

So it's mean she still won't be going to Altaires's unit since she planned to visit the province first before she brings all their stuffs? May panahon pa siya para paghandaan iyon kung ganun?

Wait.

Why sudden think of preparing herself on seeing him? It's useless! O paano kaya kung kunin niya muna iyon at nang matapos na ang isang alalahanin?

After all, ito na lang ang hindi niya pa nalulutas na malaking problema. Ghad! She can't believe that that man, which she barely know at all, did this to her!

Okay. To sort out things, kukunin niya iyon. Kasi kung hindi niya iyon gagawin at hihintayin pang pag-uwi niya pagkatapos pumunta sa probinsiya ay para naring sinasabi niya na totoo ang kung anuman ang ibang ibig sabihin ng naiisip niya.

Kaya pahapon when she decided to finally go to Altaire's unit.

Nasa basement siya dumaan pagkarating. Ayaw niya kasing sa harap mismo dahil ayaw niyang may makakita sa kanya roon. Paano pala kapag may nakakita sa kanya noon na nakasama si Altaire?

Virginity For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon