“A-Ah... Yan lang ang naluto ko sa napamili. Sabi kasi ni Nanay hindi ka raw dito naglalagi. ” aniya habang pinapanood si Altaire na sumasandok na ngayon ng kanin.
Bagoong lang kasi at daing ang pinamili niyang ulam at isang kilong karne. Nabawasan niya na ang karne kanina at kaonte lang ang niluto niya para ulam niya pa sana kinabukasan.
Nahihiya niyang sinundan ang kamay nitong sumusubo na sa daing. Kung alam niya lang sana. Napansin ni Altaire ang pagtitig niya dahilan upang umangat ang tingin nito sa kanya. Hindi niya na tuloy naiwasan at napakagat-labi na.
“This is fine. ” ani nito.
Napalunok siya.
“Mag-ggrocery ako bukas! ”
Nakita niya ang pagtitig ni Altaire.
“We'll go tomorrow then. ” tunog pinal na sabi nito.
Namilog ang mata niya at agad na napailing roon.
“Bukas na ang start ng trabaho ko. Pagkatapos ko na lang siguro. Ako na lang at baka may importante ka pang gagawin. ” aniya.
Tumaas ang isang kilay nito.
“After your work then. I don't have anything to do tomorrow so we'll both going to buy it. ” diin nito.
“Hindi na. Ako na talaga—”
“It would be better if we both go. Makakapili din ako ng gusto ko. ”
Napatikom siya nang bibig sa rason nito.
Oh, right!
Hindi na siya nakapagsalita pagkatapos. Why do he always has a point everytime they argued? Wala ata siyang maalala na wala siyang magawa kapag disesyon na nito ang ipinaglalaban.
Tumahimik na ang atmospera sa maikling usapan. She wonder kung bakit wala itong gagawin bukas? Bibisatahin ba nito ang fiancee? Ayos lang naman sana na siya na at ilista na lang nito ang gusto nitong bilhin. Isa pa, mas convenient ito para Kay Altaire para may oras pa ito sa fiancee nito, hindi ba?
Nagbara ang lalamunan niya.
So she's really good with it if Altaire spend his time with that woman? Kahit naiisip niyang masaya kung sasama nga ito sa kanya sa pagrocery?
“Do you always eat these kind of food? ” narinig niyang tanong nito.
Nahihiya siyang napatingin kay Altaire. Napasinghap siya. Nagtama ang mga mata nila. Napayuko siya at dahan-dahang tumango. Narinig niya itong nagbuntong-hininga.
“Uhh... Bukas... ” napapalunok niyang sabi habang sinisilip si Altaire ng tingin.
Nakita niya itong napahinto sa pagkain at hinihintay siyang tapusin ang gustong sabihin. Tuluyan narin siyang napatingin rito at pekeng napangiti at umiling. Nakita niya ang pagkunot nang noo nito at ang pagtaas muli ng kilay.
“Uhh.. G-Gusto ko lang sana... ” tumikhim siya at lumunok bago nagpatuloy. “Humingi ng tawad sa.. Uhh... Pakikitungo ko noon sa iyo. Uhm... ”
Tumango ito at uminom ng tubig. Lihim siyang napasinghap at nahihiyang nagsimulang kumain. Hindi niya alam kung ayos na ba talaga ang simpleng pagtango nito.
Should she say it again? Umiling siya sa sariling tanong sa utak.
Napansin niyang papatapos na si Altaire habang siya ay kalahati pa lang ang nakakakain. Nakita niya itong tumayo at kinuha ang pinagkainan. Natataranta siyang nagmamadaling kumain habang pinapanood na ngayon si Altaire na dinala iyon sa hugasan.
BINABASA MO ANG
Virginity For Sale
Genel KurguKyrie Veil Sasha is a teenager who sell her virginity. Mahirap lamang siya at dahil gipit, kapit sa patalim. Her virginity worth one hundred million. Imposible, pero hindi niya akalain na may bumiling estranghero sa virginity niya. All she could onl...
