IDLLY... 1

7.8K 136 34
                                    

Claudette pov..

                  Hayss nakakayamot naman!!   Reklamo ko sa aking sarili habang naka upo ako sa sulok at matamang naka masid sa paligid. Yung mga kasama ko may mga ka table na. Pinapadyak padyak ko ang  kaliwa kong paa, para pigilan ang aking pagka-antok at pagka bagot.Wala man lang kasing pumapasok na customer at nang sinipat ko ang suot kong relo.. Napa hugot nalang ako nang malalim na paghinga. Paano ba naman kasi, maghahating gabi na at mukhang wala na talagang pag-asa.





                   "Hoy!!" Aray ko naman! Anak nang teteng.. Masakit yun ah-- bigla ba naman akong batukan. Kaya lang  hindi naman ako makapag reklamo dahil boss manager ko ito eh.. "Gumagawa ka na naman  nang limang daan dyan!" Sermon nito at naka volume lagi ang boses dahil sa lakas nang music.. Hindi ko lang namalayan na sa sobrang pagka inip ay nakakalumbaba na pala ako.







                 "Mukhang hindi ka yata kokota ngayong gabi ah." Hayss nang asar pa. "Hindi mabenta ang yung karisma mo.." Dagdag pa nito. Naku hindi ako papayag dyan, ako pa! Kailangan ko na namang umuwi at wala na daw allowance ang aking mudra. Nagparamdam na ito kanina sa text.. At tsaka namimiss ko na din ang aking Franco.






                Pasimple ko syang tinignan nang masama, sinamantala ko nang inilibot ang paningin nito sa loob nang beer house. At abala ang bibig sa pagnguya nang chowing gum na para bang pati sa pagtulog ay hindi na iyon naalis..  Well, sanay naman na ako sa ugali nito at ganito lang talaga sya magsalita.







                 May edad na din si Tita Showie at dito na din sya tumanda sa pagpapatakbo nang negosyo nyang ito.  Pero hindi ito halata dahil sobrang maalaga ito sa sarili.  At napaka sexy lalo na at alaga din sya sa work-out dahil nga kailangan din nito. Marami parin kasi itong nabubulag na mga kalalakihan at pinag aagawan--
"Claudie, bilis na salubungin mo yung bagong dating.." Untag nito nang may mga kalalakihang papasok sa may entrance.







             Kailangan ko talagang komota ngayon dahil uuwi ako bukas sa amin sa ayaw at sa gusto ko.. Kaya kumilos na ako at banat sa diskarte na naman, sinalubong ang tatlong kalalakihan. In-intertain  nang maayos syempre isa lang ang pakay, wala iba kundi masagad ang laman nang kanilang mga wallet. Konteng chika, konteng pa cute at bola lang ang katapat  nun.






                   Nagsimula ako sa  ganitong trabaho, nang napadpad ako dito sa San Fernando. Teen-ager palang ako nang makilala ko si Tita Showie.. Ngayon at 27 na ako, heto parin ako. Ito na yung nakasanayan ko kaya hanggang ngayon andito parin ako.Wala e, sa hirap ba naman nang buhay--





                "Mga kuya paki alalayan na sila at ihatid niyo na sa labas.." Utos ko sa dalawa naming bouncer dito sa beer house.. At mga susuray suray na sa kalasingan. Gusto pa nga sana nilang omorder nang drinks kaya lang pinag titignan ko ang mga bulsa at wallet. May mga laman pa naman- syempre may puso naman  ako kahit paano, kaya lang ayoko namang sagarin at baka hindi na makauwi sa kani kanilang tahanan.





                    "Akala ko wala ka nang pag-asa.." Biglang may nagsalita sa aking likuran.. Na kina ngisi ko naman nang husto.  Ngising tagumpay..  "Mukhang ikaw na naman ang top natcher ngayong gabi.. Kaya sayo ako eh!" Tinapik tapik ni Tita Showie ang balikat ko sabay abot sa akin ang lilibuhin . Kita ko lang ito ngayong gabi, syempre bukod pa sa pinapa sweldo nya sa akin.Yun ang hindi ko yun pwedeng basta ginagalaw. Nakalaan yun.





              Pack-up na naman. Dahil nagsimula nang maligpit ang ibang mga tauhan ni Tita. Actually mag-uumaga na at kailangan ko na ding kumilos para habulin ang first trip nang bus.






I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon